FIGHT TWO

5.3K 358 41
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT TWO

ZIA

"Kailangan ko ng microscope at iba pa na kagamitan sa hospital para maexamine ko ang candy na ito," saad ni Queen matapos hubarin ang white coat na suot. Isinabit nito iyon sa isang sandalan ng upuan.

"Ahm, anong kailangan nating gawin?" tanong ko at nilingon si Jelly.

Buhat buhat nito si Jay, ang batang lalaki na ubod ng cute.

"Let's go there. Kukunin natin ang mga bagay na kailangan ni Queen," sagot ni Jelly na bakas ang determinasyon sa mukha.

"Pero hindi ba mapanganib? Baka makain tayo ng zombies," saad ko at ngumuso.

Tangina kasi, ano bang nangyayari sa Pilipinas. Katitimawa kasi ng mga bugok, candy na lang eh naging zombie pa.

"10:34 pa lang ng gabi. Magpahinga na tayo. Bukas tayo ng umaga aalis. Mas safe kung may araw tayo kikilos," saad ni Jelly na tinanguan ni Queen.

"May mga damit doon sa kabilang room. Alam niyo na mga tinda rin dito sa store ko. Pwede kayo mamili ng susuotin niyo roon. Also, doon sa pinto na iyon, may mga kutson, bedsheet and pillows doon. Kumpleto sa gamit itong store ko so mabubuhay tayo." Ngumiti si Jelly sa amin na ginantihan rin namin ni Queen ng ngiti.

"Tapos bukas simulan na nating ayusin 'tong buong grocery store. Gumawa tayo ng mga harang para sa kwarto natin. I suggest na magsama sama na lang tayo para mas safe," dagdag ni Jelly.

Hindi naman kami pwedeng kumontra kasi nakikituloy lang din kami. Libre pa nga ito.

"Sa akin walang problema. Saka may naisip ako. Kailangan ko ng laptop. I-hahack ko ang satellite ng Pilipinas para sa mga direksyon at ligtas na lugar. In case na kailangan nating lumipat. At para na rin kung sakali mang may mga taong mapapadpad dito," saad ko at wala pang isang minuto ay may inabot na sa aking mamahaling laptop si Jelly.

Sana all diba. Kasasabi mo lang meron na agad.

"Extra ko 'yan dito. Feel free to use that. Also the internet, pakihack na rin para di mawalan ng connection sa atin," nakangising saad ni Jelly na tinawanan ni Queen.

"Wala ba kayong planong lumipat? Pumunta ng ibang bansa?" tanong ni Queen na mabilis na inilingan ni Jelly.

"Gustuhin man natin, hindi rin naman agad tayo maililigtas ng gobyerno," sagot ni Jelly na nagpa lingon sa akin. "Hihintayin ko na lang umayos ulit 'tong Pilipinas."
Tumango-tango ako sa sinabi nito at napaisip.

Ako? Ano bang gusto ko?

Lumipat ng ibang bansa o mag-stay?
Kung tutuusin kasi ako yung tipo ng babaeng mabilis sumpungin ng kaboringan.

Gusto ko ng excitement sa buhay.
At eto na 'yon. Nangyayari na. Wala na akong paki kung mamatay ako at maging isang zombie. Pero bago mangyari 'yon sisiguraduhin ko munang nakapatay ako ng maraming zombies at nag-enjoy ako.

"Ako rin. I'll stay here," saad ko at binalingan si Jelly. She mouthed thank you kaya tumango ako.

Ibig ko pang matawa sa sagot ko kasi english. Saglit ko palang nakasama 'tong dalawa pero inglishera na agad ako. Why naman kaya ganon.

"Fine then. I'll try to make a cure. Malay naman natin maging tao pa muli ang mga zombies na 'yan," saad ni Queen na nagpapalakpak sa akin.

Pakiramdam ko ay nasa isa kaming pelikula. Walking dead o train to busan. Sino kayang may katok sa ulo ang gumawa ng candy na 'yon? Kapag nakita ko 'yon papakain ko sa kanya lahat ng candy na inimbento niya. Tignan ko lang kung di siya magka-diabetes sa gagawin ko.

"Mayroon pa akong naisip!" Nagtaas ako ng kamay kaya tinignan nila akong dalawa. Pati na rin si Beans at Jay. Ginaya pa ako ni Jay dahil itinaas rin nito ang dalawang kamay.

"Kailangan nating paligiran ng ilaw ang labas ng grocery store. Para kapag dumilim ay maliwanag parin sa labas at hindi makalalapit ang mga zombies," suhestiyon ko na nagpangiti sa dalawang babae.

"Napanood ko kasi 'yon. Takot din sa liwanag pero hindi sila zombies," dagdag ko at itinaas baba ang aking kilay.

"Pati ang mga kotse. Kailangan nating lagyan ng shield at ilaw ang sasakyan para kapag bumiyahe tayo ay mas safe. Bukod sa headlights ay mag-dagdag tayo ng ilaw," gatong ni Queen.

Nag-apir kaming dalawa at matamis na nagngitian.

"Yung office ko, yun na lang ang gawin nating kwarto natin. I forgot about my room sorry," saad ni Jelly at nagkamot ng ulo.

"Yung control room din. Yung mga monitor na ginagamit sa cctv. Pwede nating doon ilagay ang switch ng mga ilaw na ikakabit sa labas. At pwede na rin nating maging monitor sa nangyayari sa labas pagtapos niyang ihack ang satellite." Itinuro ako ni Jelly at nagthumbs up ako.

"No problemo, senyora." Nakangising saad ko.
"Madali na lang iconnect iyon sa lahat. Maglalagay rin ako ng monitor na maliit sa mga kotse na meron tayo." Binuksan ko ang laptop na binigay sa akin ni Jelly.

I tried to hack first the connection. Para hindi kami mawalan ng signal.

In just a few clicks, charan! It's done already. Di man lang ako pinagpawisan.

"I'm done with the connection," saad ko na nagpalaki ng mata ni Jelly.

"That fast?" gulat na tanong nito habang si Queen ay naiwang nakanganga ang bibig.

"I told you. I'm an expert," mayabang na saad ko at nag-OK sign sabay kindat.

"I'll go to the satellite now. Maybe 2 hours bago ko mapasok iyon at mahack. But since wala nang taong nagcocontrol n'on, gagawin ko na lang 30 minutes." Nakangising saad ko.

Inilingan ako ni Jelly at pumiksi si Queen. "Ikaw na, sige!" Nakatawang saad ni Queen nang nag-dab ako sa harap nila.

Shit, galing ko talaga.

"Apir tayo, baby Jay!" baling ko sa bata at itinaas ang kamay. Lumapat ang kamay nitong maliit sa aking palad. Ngumiti ako at pinisil ang pisngi ng bata. "Ang galing ng Mama Zia mo, diba?" saad ko at matamis na ngumiti na sinuklian ng isang mabining hagikhik ng bata.

This situation is giving me mixed emotion. But one thing I am sure of. I'm excited on what's gonna happen tomorrow and the day after tomorrow.




senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now