FIGHT SEVEN

3.1K 236 23
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT SEVEN

ZIA

Ilang segundo ang lumipas ay nanatiling nakapikit ang aking mga mata, pinapakiramdaman ang sarili.

"Anong nangyari sa'yo?" rinig kong tanong ni Jelly na mula sa aking likuran.

Iminulat ko ang aking mata na agad ko ring naipikit dahil isang dangkal lamang ang layo ng mukha ng zombie sa akin.

"Magiging zombie na ako!" atungal ko at mariin na ipinikit ang mga mata.

"Nakagat ka ba?" tanong ni Jelly na hindi ko malingon dahil sa ayos ko. Nakadapa ako at nakasiksik sa dashboard ng sasakyan.

Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana hindi ko na kinuha 'tong baril.

"GRR!"

"Oh mama!" bulong ko ng umungol muli ang zombie.

Naramdaman kong may humawak sa paa kong nakalabas sa kotse at alam kong si Jelly iyon.

Napatanga ako ng tinangka akong hilahin ni Jelly palabas.

"Halika na, kailangan pa nating dumaan doon sa grocery store na nakita natin. Baka abutin tayo ng gabi," saad nito na tuloy pa rin sa paghila sa aking paa.

"Tanga ka ba!?" asik ko sa kanya at ipinadyak ang paa.

"GRR!" muling angil ng zombie kaya napairap ako. Baho ng hininga putek.

"Mamaya lang ay mangingisay na ako at magiging zombie kaya iwanan mo na ako!" saad ko at sumimangot.

"Sabihin mo na lang sa bubwit na Jay na love siya ni Mama Zia." Iyak ko at ipinilig ang ulo.

"Ano bang pinagsasasabi mo riyan? Dami mong arte eh hindi ka naman nakagat," iritadong saad ni Jelly na nagpalaki ng aking mata.

Muli kong pinakiramdaman ang aking sarili at wala akong nararamdaman na sakit.

Dahan-dahan kong nilingon ang zombie at nakita kong nakaposas ang dalawang kamay nito sa handrail na nasa backseat.

Nakahinga ako nang maluwag nung mapagtantong napipigilan ng posas ang paglapit nito sa akin.

"Thank you, Lord!" sigaw ko at ngumuso.

"Magpapakabait na ako," bulong ko at paatras na lumabas sa kotse.

"Buhay ako!" masayang saad ko at yumakap kay Jelly.

"Halata nga. Akala ko rin magiging zombie ka na, eh. Hindi mo man lang kasi muna chineck kung ligtas ba 'yong loob ng kotse sugod ka agad nang sugod," saad nito na nagpanguso sa akin.

Inilagay ko sa kamay nito ang isa sa baril na nakuha ko na.

"Para sa'yo 'yan," nakangising saad ko nang makita ang gulat sa mukha ni Jelly habang nakatingin sa baril na nasa kamay niya.

"Totoo ba 'to?" manghang saad nito at itinaas ang baril at itinutok sa kung saan.

"Of course!" mayabang na saad ko.

Lumakad na ako palapit sa kotse at nauna ng sumakay. Nilingon ko si Beans na tahimik sa backseat at hinaplos ang balahibo nito.

"Muntikan na akong mamamatay, Beans." Nakatawang saad ko na inungutan ni Beans.

Napaigtad ako nang malakas na isara ni Jelly ang pinto ng passenger seat matapos niyang sumakay.

"Wala namang bala 'tong baril na nakuha mo!" reklamo nito at itinutok sa akin ang baril.

"Aba'y malay ko ba!" asik ko rito at pinaandar na ang sasakyan.

Habang umaandar ang sasakyan ay biglang tumayo sa backseat si Beans at muling kumahol ng malakas. Nakaharap na naman ito sa presinto na kinahulan din niya kanina.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now