FIGHT FORTY ONE

2.4K 222 104
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT FORTY ONE

QUEEN

"Nasaan na tayo?" tanong ko ng makitang parami nang parami ang mga sasakyang nakabalandra sa kalsada.

Halos paliko-liko na ang kotseng sinasakyan namin para lang maiwasang mabangga sa mga sasakyan na naabanduna na.

Kanina habang sa biyahe namin ay hinahabol kami ng nga zombie, pero dahil sa bilis ng maneho ni Zia ay hindi kami naabutan ng mga ito.

"Nasa Bulacan na tayo," saad ni Jelly na iniunat ang likod.

Tumingala ako nang makita ang isang arko.

Welcome to San Miguel Bulacan

Iyon ang nakasulat sa malaking arko.
"Ang bilis ng biyahe natin," saad ni Agatha na nasa backseat.

"Mabuti na rin na mabilis ang biyahe natin. Thanks to Zia," saad ko at pinasadahan ng tingin ang mukha ni Zia na ngayon ay may nakaukit na ngisi sa labi.

Naitukod ko ang braso ko sa dashboard ng biglang magpreno si Zia.

"Aww shit. 'Yong ulo ko!" reklamo ni Agatha na mukhang nauntog.

Nakangiwi ako at pinilit na huwag indahin ang braso kong kumikirot dahil nadaganan ko.

"May nakaharang na truck," saad ni Zia at tumingin sa akin.

Kumunot ang aking noo nang makita ang isang truck na nakabalandra sa gitna ng kalsada.

Nakataob iyon kaya kita namin ang kabilang hi-way at dikit dikit ang mga sasakyan na nasa kabilag panig.

"Hindi kasya itong sasakyan," saad ni Jelly na nakaturo sa isang maliit na awang sa gilid ng truck.

Ang kalsada kasi dito ay maliit lang at mga bahay-bahay na agad ang katabi.

"No choice tayo kung 'di ang lumabas at tawirin ang truck na 'yan," dagdag ni Jelly na sinundan nito ng pagbuntong hininga.

"Paano natin 'yon gagawin? Look, ang daming zombie sa labas." Itinuro ni Haslie ang labas ng sasakyan at doon ko nakita ang mga zombie na pagala-gala.

Napigil ko ang aking paghinga nang may dumaan na zombie malapit sa sasakyan naming nakahinto.

"No choice talaga tayo," saad ko at naiyuko ang ulo.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at nag-isip.

"Zia, bilisan mong tumakbo at maghanap ka agad ng sasakyan natin," saad ko. Iniangat ko ang aking ulo at tumingin agad ako kay Zia.

Tumango siya at puno ng determinasyon ang mata nito.

"Ihanda niyo ang baril niyo," saad ko at ikinasa ang bushmaster na hawak ko.

Tiningnan ko ang bala na mayroon pa ito at napailing na lamang ako ng makitang iilan na lamang iyon.

Maasinta ko dapat ang sikmura ng zombie para hindi masayang ang mga natitirang bala.

"Jay, come here," saad ni Jelly at kinuha mula kay Agatha ang batang si Jay.

"Huwag kang bibitaw sa leeg ko, okay?" saad ni Jelly sa bata na tinanguan nito.

"I'll guide you both," saad ni Archer na seryosong nakatingin kay Jelly.

Nilingon ko si Niall nang maramdaman ko ang mga tingin niya sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya at sinuian niya ako ng isang pagtango.

"Labas na!" sigaw ko at mabilis na binuksan ang pinto.

Binaril ko ang zombie na malapit at sinigurado kong sa tiyan ito tinamaan.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now