FIGHT TWENTY FOUR

2.7K 187 19
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT TWENTY FOUR

JELLY

Bumangad sa akin ang masamang tingin ni Avery nung makita nitong nasa likod ko ang boyfriend niya.

Kung sobrang sama lang ng ugali ko, ako na mismo ang nagtapon palabas sa babaeng ito.

"Bakit 'di mo muna ihiga si Jay? Hindi ka makakakain nang maayos," saad ni Queen na naglalagay ng mga plato sa lamesa.

Ngumiwi ako. Bakit hindi ko naisip 'yon. Tumayo ako at babalik na sana ako nang harangan ako ni Archer.

"Ako na lang," saad nito na matiim na nakatingin sa akin. "Kumain ka na," dagdag nito at nagtagumpay itong kunin si Jay mula sa aking pagkakabuhat hindi katulad kanina na humigpit ang kapit ng bata sa akin.

Sumubsob si Jay sa leeg ni Archer kaya nagkibit balikat na lang ako. As if may magagawa pa ako gayong buhat na nito ang bata.

"Maupo ka na," saad ni Queen na sinunod ko.

"Cornbeef!" masayang saad ko at inamoy ang ginisang cornbeef na nasa aking harapan.

Nag-angat ako ng tingin at saktong katapat ko pala si Avery. Katabi nito si Agatha na nagsisimula ng kumain.

Matalim ang tingin sa akin ni Avery. Kung nakamamatay lamang ang tingin, siguro ay kanina pa ako bumulagta rito sa kusina. Ano bang kasalanan ko sa babaeng ito? Kung ang dahilan ng talim nang tingin nito sa akin ay si Archer, ngayon pa lang ay sinasabi ko na. Wala akong balak agawin ang boyfriend niya. Kanyang-kanya na, isaksak niya sa baga niya.

Hinawakan ko ang tinidor at itinaas iyon bilang senyales na tigilan niya ako sa mga pasaring niyang tingin. Nag-iwas ito ng tingin kaya napangisi ako sa aking sarili. Mukhang tumalab naman ang aking ginawa.

'Isang masamang tingin mo pa, tutusukin ko talaga ng tinidor ang mata mo,' saad ko sa aking sarili. Pero hindi ko naman iyon kayang gawin dahil lang sa mababaw na dahilan.

Uminom muna ako ng tubig bago nagsimulang kumain.

"May napansin pala ako kanina sa mga zombie," biglang saad ni Zia na puno ng kanin ang bibig. Nagtalsikan pa ang ibang kanin mula sa bibig niya.

"Mamaya mo na 'yan sabihin kapag tapos na tayong kumain. Baka mabilaukan ka sa kadaldalan mo," turan ni Queen.

"Kahit kailan ka talaga, Queen." Ngumuya si Zia habang nakatingin kay Queen.

"Pinapaalalahanan lang kita, ikaw pa naman 'tong putak nang putak kahit walang kwenta ang sinasabi."

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Queen dahil may katotohanan iyon.

"Napakadaldal nga niyan. Si Ate Queen lang yata ang medyo matino sa inyo," singit ni Agatha na ikinukumpas sa ere ang kutsarang hawak. Sinasabi ba nito na hindi ako matino?

"Ikaw rin, kumain ka na lang diyan nang kumain. Isa ka pang madaldal," saad ni Queen kay Agatha kaya tumahimik ang huli.

"Akala mo makaliligtas ka ha," bulong ni Zia at umismid.

Bumalik na ako sa pagkain at napaangat lang ako ng tingin nang pumasok si Archer at naupo sa kaliwang banda ni Avery.

"You don't like the food?" rinig kong tanong ni Archer kay Avery.

"No, Babe. I'm waiting for you," sagot ni Avery at ngumiti nang malambing.

Err malambing ba talaga o nakakatakot? Ang creepy kasi pagkakangiti niya, eh.

"Let's eat then," saad ni Archer at sumandok ng kanin sa bowl na nasa harap nila.

"Me too, Babe," maarteng saad ni Avery at inilapit ang plato kay Archer.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now