FIGHT ONE

6K 390 45
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT ONE

JELLY

Inilapag ko sa harap ng dalawang babaeng hindi ko kilala ang isang bowl ng chips.

"Wow, mukhang masarap," saad ng babaeng may head phone sa leeg.

Bumaling ako sa batang lalaki nang umungot ito at nakita kong subo-subo nito ang hinlalaki.

Nagbuntong hininga ako at dinampot ang feeding bottle na tinimplahan ko na ng gatas.

Hindi ko alam ang pangalan nitong batang lalaki. Iyon ang nalimutan kong tanungin kanina sa ama nito.

Mula sa labas ay hindi na namin rinig ang sigawan ng mga taong takot na takot. Gustuhin ko mang tumulong ay wala akong magagawa, I am also afraid to become one of them.

"By the way, I'm Queen, Queen Michelle Horan. I'm a chemist and a neurologist. I'm working at St. Leon Hospital."

Sa wakas ay may nakaisip rin na magpakilala.

Tinignan ko ang babaeng nagsalita at kasalukuyan nitong inaalis ang stethoscope na nakasabit  kanyang leeg. Halata naman sa ayos nito na Doctor ang hanapbuhay nito.

"Oh, ako si Kezia Barrie. Tawagin niyo na lang akong Zia.  Well, hindi ako Doctor," saad ng babaeng may headphone sa leeg at bahagyang tumawa.

"I call my self as an IT expert. I can hack everything, as in everything," proud itong ngumiti kaya ngumiti rin kami nung babaeng nagpakilalang Queen.

"Sarap nitong chips mo ha. Hindi ako nagkamaling sa grocery store mo pumunta," punong-puno ang bibig ni Zia nang magsalita ito kaya  napailing  na lang ako at nagtinginan kami ni Queen.

Magaan naman ang loob ko sa kanilang dalawa. I guess walang masama kung kami ang magkakasama.

"I'm Jelly Cubes Jimenea. Please, 'wag niyong isipin na pinagsamang jelly ace at knorr cubes ang pangalan ko," paliwanag ko dahil sa halos lahat ng taong nakakaalam ng tunay kong pangalan ay iyon ang iniisip. Hindi ko alam kung bakit Jelly Cubes ang ipinangalan sa akin ng magulang ko, maybe they really find me cute when I was a kid.

"Cute naman ng pangalan mo, ah," saad ni Zia at sumubo ng isang dakot ng chips.

"Ako ang may-ari nitong grocery. Mahigpit ang security system nito kaya alam kong safe tayo. Ini-activate ko rin ang sensor sa paligid ng grocery store, kaya 'pag may nagtangkang  pumasok  dito ay tutunog ang alarm," paliwanag ko na itinuro ang kulay pulang bombilya sa sulok na kapareho ng mga nasa sasakyan ng pulisya.

"May ideya ba kayo kung anong nangyayari?  Kung bakit biglang nagka-zombie? Nakakainis kasi eh, natalo ako sa nilalaro ko sa computer shop kanina. Hindi man lang ako nakabawi," ani ni Zia na panay pa rin ang subo ng chips.

Ngumuso ako nang mabanggit nito ang computer shop. Nakuha pa niyang isingit ang bagay na iyon.

"Nagulat  nalang ako kanina nagtatakbuhan na ang mga tao," sagot ko at nagkibit-balikat.

"Hindi ako sure but I think it's because of a candy."

Sabay kaming napatingin ni Zia kay Queen.

"Kasi maraming sinugod sa hospital kanina. They said na food poison daw. Halos lahat ng na food poison dahil sa candy ay naging zombie sa loob ng hospital," dagdag ni Queen kaya napalingon ako sa estante ng mga sweets na tinda ko.

Mukhang nakita ni Queen ang aking ginawa dahil nagreact agad ito.

"Pamilyar sa akin ang candy at mukhang wala naman sa paninda mo," ani ni Queen at tipid na ngumiti.

Nakahinga ako nang maluwag sa nalaman.

"Baka ito?" saad ni Zia at may dinukot sa bulsa.

Inilahad nito sa aming harap ang palad na may candy.

"Ayan nga!"

Bahagya akong napapitlag ng tumayo si Queen at itinuro ang candy na inilabas ni Zia.

"Putangina kang candy ka! Buti hindi kita kinain kundi nangingisay na rin ako ngayon!" gigil na saad ni Zia at balak sanang ibato ang candy nang pigilan siya sa braso ni Queen.

"Don't! I'll examine that. Titignan ko kung bakit naging zombie ang mga tao dahil dito. Palagay ko ay sinadya ito," saad ni Queen at inagaw sa kamay ni Zia ang candy.

Itinago nito ang candy sa bulsa ng puting coat nito at muling itinuon ang atensyon sa aming dalawa ni Zia.

"Anything na alam niyo about sa mga zombie?" tanong pa ni Queen.

Nag-isip ako at naalala ang ginawang pag-iwas ng zombies kanina ng tamaan ang mga ito ng  ilaw mula sa  headlight ng aking sasakyan.

"They're afraid of lights. Ayaw nila sa maliwanag," saad ko na sinegundahan ni Queen.

"Napansin ko rin 'yan kanina sa hospital."

"Sa tiyan! Kapag tinamaan sila sa tiyan namamatay sila!" singit ni Zia.

"Arf! Arf!" Nilingon ko ang tuta na syberian husky ang breed.

Muntikan ko nang makalimutan na mayroon kaming kasamang bata at tuta.

"Ang cute naman niya!" saad ni Zia at binuhat ang tuta.

Hinaplos ko ang ulo ng tuta at tila hinabol pa nito ang aking kamay ng itigil ko ang paghaplos dito.

"Beans," bulong ko na ikinahol muli ng aso.

"You love that?" Nakangiting tanong ko rito.

"Anak mo?" tanong ni Queen na itinuro ang batang lalaki na nasa baby chair.

Lumapit ako sa baby chair at binuhat ang bata.

"Nope. 'Yong Papa niya kanina ay nakagat ng zombie. Pinakiusapan ako nito na iligtas ang anak niya. Kasama na ang tuta na 'yan," saad ko at pinupog ng halik ang matabang pisngi ng batang lalaki.

"Anak natin 'to," dagdag ko at ngumiti. "Blessing ang batang ito kahit pa nagkalat ang mga zombie sa bansa natin ngayon," saad ko at nagbuntong hininga.

"Anong name?" tanong ni Zia na nagpaisip sa akin saglit.

"I forgot to ask his father." Nakangiwing ani ko.

"JQZ?" saad ni Queen na ikinakunot ng noo ko.

"JQZ? What's with those letters?" tanong ko.

"Tama!" Pumitik sa ere si Zia na tila nakaisip ng isang napakagandang ideya. "Ang ipangalan natin sa kanya ay JAYCUESI!" dagdag nito na nagpangiti sa akin.

"Jaycuesi. Simula ngayon ikaw na si Jaycuesi at ako si Momma Jelly mo, that's your Mama Zia and Mommy Queen." Itinuro ko ang dalawang babae.

Pumalakpak ang bata na tila tuwang-tuwa ito at naintindihan nang buo ang aking sinabi.

May maganda pa rin namang nangyari kahit binalot ng dilim ang bansang Pilipina


senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now