FIGHT THIRTEEN

2.9K 207 25
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT THIRTEEN

QUEEN

"Hangga't maaari huwag kayong mag-iingay," saad ko habang dahan-dahang naglalakad patungo sa entrance ng presinto kung saan kami pumasok kanina. Hindi naman namin alam ang pasikot-sikot dito sa presinto kaya hindi namin alam kung saan pa pwedeng lumabas.

Wala ng liwanag na makita dahil sa pagkamatay ng headlights. Marahil ay namatay ang makina ng kotse dahil sa matagal na pagkakaiwan dito.

Nanigas kami ng biglang may isang boteng tumunog na tila natapakan ng kung sino. Lumingon ako at nakitang ang babaeng kapatid nang lalaki ang nakatapak.

Pinakiramdaman namin ang paligid at doon nakahinga nang maluwag ng wala naman zombie na lumapit sa amin. Doon ko lamang napansin na pigil ang aking paghinga.

Dalawang hakbang mula sa mismong pinto ay sabay-sabay kaming napaupo ng may dumaang zombie. 

"Ihh," rinig kong bulong ng nasa likuran ko.

Nilingon ko ito at nakitang si Zia iyon na nakasarado ang dalawang palad at tila nandidiri. Napapitlag ako nang biglaang may humawak sa aking braso.

"Dito ka, mas safe rito," bulong ni Niall na siyang humawak sa aking braso. Iginiya niya ako patungo sa likod niya habang ako ay wala lamang kibo.

"Kailangan may isang tumakbo papunta sa kotse at sumakay agad," ani ni Jelly na nasa tabi ko pala.

"Nariyan ka pala," anas ko.

Nilingon ako nito at binigyan ng tingin na makahulugan.

"Paano mo ko mapapansin eh yung mata mo na kay Niall lang," bulong nito at mahinang humagikhik.

"Sira," ganting bulong ko.

"Ako na lang tatakbo papuntang kotse," sabay kami napalingon ni Jelly kay Zia dahil sa sinabi nito.

"Ikaw? Eh muntikan ka ngang madapa kanina dahil sa pagtakbo papasok dito eh," nanlalaki ang butas ng ilong na saad ni Jelly.

"Kanina 'yon. Hindi lang ako nakapaghanda no'n," ganting ani ni Zia at ngumuso.

Lumingon ako sa likuran ni Zia at nakita ko ang dalawang babae na naka-alalay sa lalaking may sakit.

"Bakit kaya hindi na lang isa sa kanila yung tumakbo? Para 'pag kinain ng zombie at least ligtas tayo," saad ko na nagpaawang ng labi ni Jelly habang si Zia ay tatango-tango na tila ba sang-ayon ito sa sinabi ko.

"Queen!" reklamo ni Jelly at sinimangutan ako. "Pati ba naman ikaw? Huwag mong gayahin si Zia!" dugtong nito na sinundan ng, "Aray ko! Bakit ka nangungurot?" Lingon nito kay Zia na nakalabas ang dila.

"Ako na lang," saad ko na nay pinalidad sa boses.

"Queen," rinig kong saad ni Niall. Parang bigla ay gusto kong bawiin ang aking sinabi dahil sa tono ni Niall.

"Sige, ikaw bahala."

Napaismid ako nang marinig ang sinabi nina Jelly at Zia.

"Parang okay na okay sa inyo, ah," nakataas kilay na ani ko at nagtataray sa kanilang dalawa.

Nagpeace-sign lang ang dalawa at talagang naghawakan pa ng kamay sa aking harap.

Umirap ako at sumilip sa labas ng presinto.

"Kapag nakagat ako ng zombie kayong dalawa agad ang pupuntiryahin ko," nakaturong saad ko kay Jelly at Zia.

Ngumuso ang dalawa nang makita nilang totoo ang banta ko. "Joke lang eh," nakangusong saad ni Zia at siniko si Jelly.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now