FIGHT ELEVEN

2.9K 203 10
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT ELEVEN

JELLY

"We're here."

Naimulat ko ang mga mata nang marinig ang sinabi ni Niall.

Tumingin ako sa labas ng bintana at napansin kong malapit nang dumilim.

"Mukhang maagang lalabas ang buwan," saad ni Queen na nakasilip rin pala sa bintana.

Tumango ako at binuksan ang pintuan. "Dadalhin ko lang sa kanila ang pagkain," saad ko ng makababa ng sasakyan.

"Sama ako!" saad ni Zia at lumabas rin ng sasakyan.

Dumiretso ako sa compartment at binuhat ang maliit na basket na may lamang pagkain.

Dinala ko kina Queen ang ibang pagkain na para sa amin.

Mas mabuti na may laman ang sikmura namin bago umaksiyon.

"Bilisan niyo lang ha. Baka abutan kayo ng dilim sa labas," saad ni Queen na sabay naming tinanguan ni Zia.

Malalaki ang hakbang na tinungo namin ang gilid ng presinto.

"Saan nga banda iyon?" tanong ko kay Zia dahil hindi ko maalala kung pang-ilang bintana naroon ang tatlo. Kung pwede lang na sirain na lang namin ang mga rehas na harang sa bintana para mapadali ang pagtulong sa kanila ay ginawa na namin. Pero masyadong makapal ang bakal na ginamit para sa rehas at hindi rin masyadong malaki ang bintana.

"Hindi ko rin alam. Katukin na lang," saad nito at humikab.

Napailing na lang ako at kinutuban ng masama. Marahil mamaya ay gagawa na naman ito ng kalokohan.

"Ate!"

Bumukas ang isang bintana at lumabas ang isang kamay roon. Kamay ng tao. Kumakaway iyon at tantiya ko ay ang babae iyon.

"Lakas naman ng pakiramdam niyan. Siguro naamoy yung pagkain," bulong ni Zia na nagpangiwi sa akin.

Kahit kailan, talaga naman.

"Akala ko hindi niyo na kami babalikan," saad nito ng iaabot ko rito ang mga pagkain.

"Kung pwede nga lang, eh hindi na namin talaga kayo babalikan," saad ni Zia at pumiksi.

"Ano ka ba?" Siniko ko ito binigyan ng nagbabadyang tingin.

"Nariyan lang kami sa labas. Nandoon yung dalawa naming kasama sa loob ng kotse. Tsaka namin kayo ililigtas kapag dumilim na," paliwanag ko na tinanguan nito.

"Matagal pa ba? Kating-kati na kasi akong makalabas dito!" masungit na saad ng isa pang babae na girlfriend  ng kuya nitong babaeng nasa bintana.

"Kung gusto mo eh mauna ka nang lumabas. Pwede naman, 'yon nga lang ay pagpipiyestahan  ka ng mga zombie.  Goodluck sa'yo," saad ni Zia af umirap. "Masama talaga ang kutob ko sa babaeng girlfriend kuno na iyan, Jelly. Makita ko lang ay kumukulo na agad ang dugo ko," bulong sa akin  ni Zia at bakas ko talaga ang inis sa sinabi niya dahil may diin iyon.

Napatawa ako na natigil  ng makarinig nang malakas na pag-ubo.

"Ate, mas lumala lagnat ng kuya ko. Hindi kasi siya nakakainom ng gamot."

"Oh, gagawin namin? Mukha ba kaming doktor?" pambabara ni Zia na nagpailing na lang sa akin.

"Huwag mo na lang siyang pansinin. Pag-uusapan natin 'yan oras na makalabas kayo riyan. Sa ngayon babalik na kami sa kotse namin. Huwag kayong lalabas okay," saad ko at hinila na palayo si Zia.

"Ikaw, napakatabil talaga ng dila mo," saad ko habang hila-hila sa kamay si Zia pabalik sa sasakyan namin.

"Hindi ko kasalanan 'yon, kasalanan ng dila ko 'yon," katwiran nito at inilabas ang dila.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now