Kabanata 20

16 3 0
                                    

Kabanata 20 - "Hangga't sa muli nating pagkikita"

***

Pagkarating ni Jieun sa klase ay nagtaka siya nang malamang absent si Daehee. Kahit matagal 'yon matulog at mag-ayos ay hindi pa itong lumiban sa klase kahit kailan.

Tinext niya ang kaibigan, huling minsahe ni Daehee sa kanya ay papunta na raw ito sa school.

"Siguro ay papasok 'yun sa afternoon class. " giit ni Jieun sa sarili, binalik sa bag ang cellphone nang dumating si Ms.Kim.

***

"Saan nagtatago ang iba mong kasamahan at ang anak ni Byung-hoon, sumagot ka! " 

Umalingawngaw sa apat na kasulok-sulokan ng silid ang malutong na sampal. Bugbog sarado ang dalagang si Yeji, putlang-putla ang mukha. Tadtad ng pasa ang buong katawan, nakatali ang dalawa niyang mga kamay. 

Pilit siyang pinapa-amin ng hari ngunit ayaw sabihin ni Yeji kung nasaan ang mga ito kaya kaliwa't-kanan ang bugbog na natatanggap niya.

"K-kahit anong gawin mo sakin ay wala kang malalaman tungkol sa aking mga kasamahan lalong-lalo na ang anak ni Byung-hoon! " matapang niyang sigaw na mas lalong ikinagalit ng hari.

Hindi lang sampal ang ipinakawalan nito, tadyak rin. 

Tumutulo ang laway ni Yeji sa sahig, napadaing sa sakit.

Halos hindi niya kayang imulat ang kaliwang mata dahil sa pasa ngunit matalim ang mga tinging ipinukol niya sa kausap, "Patayin niyo na ako! Patayin niyo nalang ako..." napahagulhol siya. Sobrang nahihirapan, naalala ni Yeji ang isinumpa niya sa samahan. Ayaw niyang masira ang layunin ng mga ito nang dahil sa kanya.

Hindi makapaniwalang tinignan ng hari ang dalaga, lumuhod siya upang magkasing-lebel. Mahigpit na hinawakan ang buhok nito at sapilitang pinatingin sa kanyang mga mata. 

"Makinig ka sakin..." malamig ngunit nakakatakot na wika ng hari.

Nanginginig si Yeji, kung hindi lang sana nakagapos ang kanyang mga kamay ay matagal na niya itong sinampal.

"Tignan natin kung saan aabot iyang katapangan mo. " ngisi nito.

"Papipiliin kita kung alin sa dalawa ang gusto mong iligtas. Ang grupo ng mga rebelde o ang matandang tinuturing mong ina? " nanlaki ang mga mata ni Yeji sa narinig. 

Tumawa na parang demonyo ang hari nang makita ang takot sa mga mata ng dalaga, "Pag-isipan mo ito ng mabuti. " 

Napapikit si Yeji, naguguluhan an kanyang isipan. Parehong importante sa kanya ang dalawang pagpipiliin. Subalit sa oras na pipiliin niyang iligtas ang mga kasamahan ay malalagay naman sa panganib si Aleng Seok.

Kasalukuyang nagliligpit ng mga gamit sina Jihyeong at Aleng Seok, papalubog na kasi ang araw at magsasarado na ang tindihan. 

Kanina pa hinihintay ni Jihyeong ang kaibigang si Yeji ngunit kanina pa ito wala. Nag-aalala siya kung nasaan na ito. 

"Aleng Seok, malapit na pong gumabi ngunit wala pa rin si Yeji. " dumungaw ulit siya sa bintana ngunit puro mga tindera't tindero ang makikitang nagliligpit rin ng mga gamit.

"Siguro nauna iyong umuwi sa aming tahanan. Gawain niya kasi iyan dati pa, umuuwi nang hindi nagpapaalam. Oh sya, tara sa labas. Pakikuha ng lampara dyan sa gilid. " kampanteng sagot ng matanda at lumabas sa tindahan. Naiwang mag-isa sa loob si Jihyeong, kahit ganun ay hindi siya mapakali.

Sumapit ang gabi, hindi siya makatulog. Iniisip kung nasaan na si Yeji.

Mag-isang naka-upo sa labas, nakatingala sa kalangitan. Maya't-maya ang pagbuntong-hininga niya.

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now