Kabanata 18

14 4 0
                                    

Kabanata 18 - Save me

***

"Parang blooming ka yata ngayon ah. " pang-eechos ni Daehee kay Jieun, kasalukuyang nagku-kwentuhan silang dalawa habang hinihintay dumating ang guro. 

"Naliligo kasi ako. " sagot naman ni Jieun, simula nung nagka-aminan sila ni Mingyu ay para bang nakakalimutan niya ang masalimoot na nakaraan kaya blooming.

Nag-react si Daehee, "Naliligo rin naman ako ah pero ba't hindi pa rin blooming. " nakabusangot niyang wika. 

"Dapat mo raw kasing sagutin si Jaehyuk, tiyak na hindi ka lang magiging blooming. Mamumukadkad ka rin na parang bulaklak. " napahagikhik si Jieun, sa tuwing binabanggit kasi niya ang pangalan ni Jaehyuk ay nagagalit ang kaibigan.

Napasandal sa kinauupuan si Daehee, natahimik nang marinig ang pangalan ng lalaking iniiwasan niya.

"Ba't ka ba kasi naiinis sa kanya? " usisa ni Jieun. Nakatingin lang sa malayo ang katabi.

"I just don't like him. " diretsong sagot ni Daehee, napabuntong-hininga nalang si Jieun.

Napatigil sa pag-uusap ang buong klase nang biglang may pumasok na lalaki. May bitbit itong libro at laptop. Nagtaka ang lahat kung sino siya.

Pumwesto sa teacher's table ang lalaki, isa-isa silang tinignan. "Goodmorning class. " masigla niyang bati.

"G-godmorning din sir..." bati nilang lahat pabalik.

" You guys are probably wondering who I am. Let me introduce myself, my name is Christopher Lee. Feel free to call me Mr.Lee, bago lang ako sa paaralan niyo but previously I am a professor at Seoul University. Ms.Kim is absent due to hip injury kaya ako muna ngayon ang mamamahala sa inyong lahat. " wika ni Mr.Lee habang tinutupi ang sleeves ng polo. 

Nagkatinginan ang lahat, nagbubulungan. 

"Meron ba kayong tanong sakin? " giit ni Mr.Lee.

"Sir, tinatanong ni Jiwoo kung may asawa ka na! " sigaw ni Seongkwan, kahit nasa pinakadulo nakaupo ay umaalingawngaw pa rin ang boses.

Nagtawanan ang lahat sa sinabe niya, nag-ingay ang buong klase. 

"Oo nga sir, ano po status niyo. "

"May IG ka po ba sir? Facebook po? "

Natawa si Mr.Lee sa mga pinagtatanong ng mga estudyante, sanay na siya sa ganito simula nung naging guro. 

Inadjust niya ang bilog na salamin, "No. I'm not married, don't have any girlfriend either. " sagot niya. Nagsigawan ang mga kababaihan.

"Sir, pwebe bang mag audition? " 

"Hoy, teacher natin 'yan! " sita ni Seongkwan sa katabi niyang si Jiwoo na panay ang tili.

Napailing na lamang sina Jieun at Daehee, "Nakakalungkot, walang kwento sa araw na ito. Sabik pa naman akong makinig sa susunod na kabanata ng kwento ni Jihyeong. " malungkot na wika ni Jieun. 

Patagal ng patagal ang pagtitig ni Jieun kay Mr.Lee, para bang nakita na niya ito dati pa. 

"Have I seen him before? " tanong ni Jieun sa sarili, mabigat ang nararamdaman habang nakatitig sa lalaking guro. 

"Siguro may kamukha lang siya. " nagkibit balikat siya.

Matapos ang klase, magkasama sina Daehee, Beom-il, Yuna at Jieun. Panay ang kwento ni Daehee tungkol sa bagong guro na si Mr.Lee, aniya'y napakapogi raw nito. 

"Speaking of Mr.Lee, there he is! " turo ni Daehee sa guro.

Nadatnan ng apat si Mr.Lee na papauwi. Papasok na sana ito sa kutse nang makita niya ang magba-barkada.

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now