Kabanata 12

12 3 0
                                    

Kabanata 12: First hug

***

"Nakabili na ako ng bagong teddy bear na pang-display, baka sa susunod na linggo ay sira-sira na naman 'to. " wika ng kanilang boss, dala-dala ang higanteng stuff toy.

Kasalukuyang ginagawa ni Jieun ang kanyang trabaho bilang cashier, wala pa masyadong bumibili kaya nililinisan muna niya ang counter. 

"Anak, binabasa mo ba ang aking kwento na isinulat ko para sa'yo? "

"Yes papa, pero hindi ko pa po tinapos dahil gusto kong nandito ka sa aking tabi habang binabasa ko ito. "

"Jieun, naalala mo ba kung sino ang bida sa kwento? "

"Opo, sina Archey at Aerin. "

"Ikwento mo nga sakin kung ang nangyare sa kanilang dalawa. "

"Uh---si Aerin ay isang babaeng nakatira sa abandonadong mansyon kung saan may nagsasabing maraming halimaw at multo ang naninirahan, tinutukso siya ng ibang mga bata kaya't palagi siyang mapag-isa. Isang hapon ay biglang may tumama sa kanyang ulo, isang bola na galing sa isang batang lalaki na nagngangalang Archey. Humingi ng paumanhin si Archery at doon nagsimula ang kanilang kwento. "

"Palagi silang nagsasama araw-araw, naglalaro at nagkukwentuhan. Hindi nila kailangan ng ibang mga batang makalaro dahil sapat na silang dalawa sa presensya ng isa't-isa. Tapos----uhm, ay oo nga! Gumawa silang dalawa ng kasunduan na dapat hindi nila babaliin o sisirain. Iyon ay kahit anong mangyare, hindi nila iiwan ang isa't-isa at magpahanggan ay walang sisira sa kanilang pagkakaibigan. Subalit isang araw, may dumating na bagong kapitbahay sa kanilang lugar. Naawa si Aerin sa bagong kapitbahay dahil kagaya niya, nakamukmok lang ito sa kanilang bahay at walang kaibigan. "

"Sinabihan ni Aerin si Archey tungkol sa bagong kapitbahay nilang nagngangalang Avery kaya kinaibigan ito ni Archey. Noong una ay masaya silang tatlo na naglalaro at nagkukwentuhan ngunit kalauna'y napapansin ni Aerin na para bang naging mas malapit sina Avery at Archey sa isa't-isa. Hindi na siya halos pinapansin ni Archey dahil nakatuon nalang palagi ang atensyon nito kay Avery. Tapos bigla nalang kumalat ang usap-usapan sa buong lugar nila na may batang malapit nang malunod dahil tinulak raw ito. Si Avery ang saksi ng insidenteng iyon, nagulat na lamang silang lahat nang sinabi ni Avery na si Aerin raw ang nagtulak sa bata. "

"Naniwala ang lahat sa sinabe ni Avery, nadismaya si Archey at nilayuan si Aerin. Pilit pinaliwanag ni Aerin ang katotohanan ngunit hindi siya pinapakinggan ng lahat, sabi naman ng batang malapit nang malunod----si Aerin daw ang nagtulak sa kanya subalit ang totoo ay pinagplanuhan lang nilang dalawa ni Avery ang pagkalunod niya. Nagalit ang lahat ng mga mamamayan kay Aerin lalong-lalo na si Archey. Sumugod ang mga ito sa kanyang bahay at sinunog ito, namatay ang mga magulang ni Aerin dahil sa sunog ngunit nakaligtas siya. "

"Ipagpatuloy ko po ba, papa? "

"Sige anak. "

"Tapos galit na galit si Aerin sa lahat ng tao, lalo na kay Avery at Archey. Ang huling parte na aking binasa ay pagkatapos mamatay ng mga magulang ni Aerin-----umalis siya sa lugar na iyon nang may galit sa puso at isipan. Hanggang dun lang ang aking binasa. "

"Jieun, sa kwentong iyon ay gusto kong meron kang matututunan. Sa ngayon ay hindi mo pa maiintindihan ang kwentong sinulat ko ngunit kapag ikaw ay tatanda, maiintindihan mo rin. "

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now