Kabanata 32

9 3 0
                                    

Kabanata 32 - Preparing for War

*****

Sa ilalim ng bilugang buwan, madaming buhay ang nasawi sa laban.

Nagawang makatakas nina Jihyeong, Chansub at Yeon-pil mula sa mga kawal. Subalit hindi naman sila nilubayan ng matinding kalungkutan at galit.

Lahat ng mga rebelde ay nagkukumpulan, nakahanap sila ng lugar na malayong-malayo sa kaharian ng Chin-Hwa. 

Kalahating porsyento nalang ang natira sa kanilang samahan. Madaming nabawian ng buhay, karamihan ay mga lalaking binuwis ang buhay upang ma-protektahan lamang ang kani-kanilang pamilya. 

Walang nagsasalita ni isa. Pag-iyak ang tanging nagawa. Yakap-yakap ng mga ina ang kanilang mga anak sa bisig. Bakas ang takot sa mukha. Ang iba namang nawalan ng anak ay napapahagulhol na lamang sa gilid. 

Kalunos-lunos ang hitsura nilang lahat. Madami ang sugatan sa engkwentro. Buhaghag ang buhok. Puno ng dugo ang damit. Malamig ang gabi kaya't mas dinadagdagan nito ang lungkot na bumabalot sa kanilang sistema. 

Sa isang iglap lang.

Naglaho ang lahat. 

Kabahayan, lupain, pamilya.

Pati na rin ang natitirang pag-asa.

Nakaupo si Jihyeong sa gilid. Tuliro. Wala sa sarili. Maputla ang labi. Madaming sugat. Tila namanhid ang buong katawan. Natuyo ang dugo't pawis sa mukha at damit. Hindi makapaniwala sa nangyare. 

Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ang pagkamatay nina pinuno at Yeong-shin.

Pinagmasdan niya ang mga kasamahan. 

Mas lalo lang nadurog ang puso niya sa nakikita. 

Bigo siyang ma-protektahan silang lahat. Bigo niyang mailigtas sina pinuno at Yeong-shin. Anong klaseng mandirigma siya? Hinayaan lang mangyare ang lahat ng ito? 

Wala sa sariling napatayo ang dalaga. Naglakad patungo sa kung saan man siya dalhin ng mga paa.

"A-ate. . . . " mahinang tawag ni Hwan-cho nang dumaan sa harapan si Jihyeong.

Aakmang susundan niya ito subalit hinigit ni Chansub ang kamay niya. Sinenyasang hayaan munang mapag-isa ang dalaga. Napabuntong-hininga si Hwan-cho at nanatili na lamang sa kinauupuan.

Pakiramdam ni Jihyeong ay lumulutang sa ere ang katawan niya dahil sa labis na manhid. Hangga't sa namalayan niyang nasa pinakadulo na siya ng kagubatan. Sa harapan ay puro karagatan ang kanyang nakikita. 

Napatingala siya sa kalangitan. 

Sinasakop ng buwan ang paningin niya. 

Napakaliwanag nito. 

Doon niya ibinuhos ang lahat ng galit. Sumigaw ng napakalakas. Halu-halong sakit at galit ang sigaw na pinakawalan. Kung nakakamatay ang kalungkutan, matagal na siyang binawian ng buhay. 

"Pinuno . . . . Yeong-shin. P-patawad. " iyak niya. Nakatingala pa rin sa buwan. Agos ng agos ang mga luha sa pisnge.

Para sa kanya, kasalanan niya ang lahat. 

Kasalanan niya kung bakit sinalakay sila ng mga kawal. 

Kasalanan niya kung bakit namatay ang dalawang taong pinakamalapit sa puso niya.

Simula noong una ay kasalanan naman talaga niya ang lahat. Inibig ang heneral na kalaban ng kanilang samahan. Isang napakalaking pagkakamali. 

Sana pinaslang nalang pala niya ito noong araw na natuklasan ng heneral ang totoong pagkatao niya.

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now