Kabanata 31

12 3 0
                                    

Kabanata 31 - Huling hantungan

*****
Jihyeong's POV

Mga palahaw ng mga taong nagmamakaawa at nagdudurusa. 

Iyak ng mga inosenteng bata na walang-awang pinaslang ng mga kawal.

Mga kabahayang kinain ng apoy, napapalibutan ng usok ang buong kagubatan.

Tuluyang nanghina ang aking katawan. Napailing at hindi makapaniwala sa nakikita. Dali-dali 'kong pinahiga si Hwan-cho sa likod ng isang malaking puno. "Babalik ako. P-pangako. " huling bilin ko sa kanya bago tumakbo patungo sa kampo.

Malakas ang dagundong ng aking puso. Mabigat ang pakiramdam. Papaanong nalaman ng kalaban kung nasaan ang aming kuta? Hindi ba't bigo silang mahanap kami? 

Habang tumatakbo ay pinana ko ang tatlong kawal. Sapol ito sa noo. 

Pagkarating, kaagad sumalubong sakin ang dalawang kawal. Mabilis ang aking pagkilos, buong pwersang sinaksak sa tiyan ang mga ito. 

Pagkahugot ng espada ay dumanak ang sariwang dugo. 

Kaagad 'kong hinanap sina pinuno at Yeong-shin subalit puro usok at apoy ang tanging nakikita ko.  

"Pinuno! Yeongshin! Saan kayo?! " napapapikit ako dahil sa hapdi ng usok. Kahit delikado, pinasok ko ang iilang mga kabahayan na unti-unting tinutupok ng apoy. Nagbabasakaling matatagpuan ang hinahanap.

Sa halip ay natagpuan ko sina Chansub at Yeon-pil. Kagaya ko rin ay nahihirapan din nilang imulat ang mga mata. May bahid din ng dugo ang katawan, dugo galing sa mga kalaban. Mabuti na't wala silang tinamo na sugat.

"Chansub, yeon-pil. Nasaan sina pinuno at yeong-shin?! " taranta 'kong tanong sa kanila. 

Biglang may sumugod na tatlong kawal kaya panandaliang pinatumba muna namin ito. 

"Kanina pa nga rin namin hinanap sina pinuno ngunit bigo kaming mahanap sila. " sagot ni chansub habang kinakalaban ang kaaway.

"Nagulat kami sa biglaang pag-atake ng mga taga-palasyo. Tulog kaming lahat nang sila'y umatake. Nagising nalang kami nang makarinig ng sigawan galing sa labas. Huli na nang mapagtantong nasusunog ang mga kabayahan. " paliwanag ni Yeon-pil sabay sinaksak sa tiyan ang kalaban.

Parang hindi nauubos ang mga kawal dahil sulpot ito ng sulpot sa kung saan. Nahihirapa 'kong hanapin sina pinuno at yeong-shin. Isa pa ay maraming humihingi ng tulong. "Chansub, yeon-pil. Kayo na ang bahala sa mga kawal. Itatakas ko ang iba nating kasamahan. " tugon ko sa dalawa. Tumango sila.

Kumaripas ako ng takbo patungo sa dalawang bata na nakaupo sa gilid, umiiyak. Kinarga ko sila sa likuran at dinala sa ligtas na lugar. Pinatago sa likuran ng mga puno. Tsaka pinagsabihan na huwag lumabas sa pinagtataguan. Bumalik ulit ako sa kampo. Tinulungan ang kung sino mang dapat tulungan. Inuna ko ang mga matatanda, bata at babae. Sa tuwing may kawal na sumusugod ay kaagad ko itong pinatumba gamit ang espadang bigay sakin ni ama.

"Chansub, takpan natin si Jihyeong! " sigaw ni Yeon-pil kay Chansub nang mapansing nahihirapan akong kalabanin ang dalawang kawal habang may karga-kargang bata sa likuran. 

Pinapaslang nina Chansub at Yeon-pil ang bawat kawal na humaharang sa aking dinadaanan. Kaya napapadali ang pagtulong ko sa mga kasamahan.

"S-sobrang dami nila. Parang hindi nababawasan. " kinakabahan kong giit sa isipan, napalunok. Tagaktak ang pawis. Hinahabol ang hininga. Nang lingunin sina Yeon-pil ay pinapalibutan sila ng anim na kawal. Meron ding nagtatago sa mga palumpong, nag-aabang.

Puro usok ang aking nalalanghap. Hindi makahinga ng maayos. Ubo ng ubo. Sa bawat nagdaan na oras ay palaki ng palaki ang apoy at pakapal ng pakapal ang usok. Iniisa-isa ko ang mga kabahayan, tinitignan kung meron bang taong naiwan sa loob. 

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now