Kabanata 29

10 3 0
                                    

Kabanata 29 - Hunter meets the prey

*****
Haneul's POV

Dahan-dahan 'kong inimulat ang mga mata. Kaagad dumaloy ang sakit at kirot sa aking buong katawan. Lalong-lalo na sa may bandang tiyan at braso. 

Napansin kong tila hindi pamilyar sakin ang silid kung nasaan ako ngayon. Marahil dinala nila ako sa bahay pagamutan base na rin sa dami ng mga halamang gamot na nakapalibot sa buong silid. 

Nagbaba ako ng tingin. Kaya naman pala kanina pa ako giniginaw dahil wala akong suot pang-itaas. May nakapulupot kasing benda sa aking tiyan pati na rin sa braso. 

Bumalik sa aking ala-ala ang nangyare kahapon.

Kung saan kinalaban ko ang mga tauhan ng hari. 

Pinaslang ko ang mga kawal na syang aking tinuruang lumaban. 

Ngunit wala akong magawa. Malalagay sa panganib ang buhay ni Jihyeong kapag hindi ko sila pinatay. Kapag nangyare iyon, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili.

Paika-ika akong naglakad at binuksan ang pintuan. Sa bawat hakbang ay kirot naman ang kapalit. Parang pinipiga ang tiyan ko. Nang tuluyang mabuksan ang pintuan, sumalubong sakin ang tatlong babae na sa tingin ko ay mga manggagamot.

Pinipigilan nila akong umalis. Kailangan ko muna raw ng pahinga. 

Subalit sa mga nangyayare ngayon, walang panahon upang humiga at magpakasarap.

"Heneral, hindi pa tuluyang naghilom ang iyong mga sugat! " sigaw nila habang patuloy lang ako sa paglalakad.

Dumaan ako sa likuran ng palasyo upang hindi makita ng kahit na sino. Bago iyan, itinali ko muna ang mahabang buhok dahil sagabal. 

Bahala nang walang saplot sa itaas. Kaagad kong hinanap ang alagang kabayo at sumakay. Nais 'kong pumunta sa puno ng buhay upang ilabas lahat ng emosyong kanina ko pa kinikimkim. Hindi. Hindi pala kanina. Nitong mga nakaraang araw pa.

Hindi ako makapaniwalang kasal na ako.

Ngunit sa maling tao.

Nakakatawang isipin kung gaano ako kamukhang hypokrito dahil nag-aalala ako kay Jihyeong samantalang sobra siyang nasasaktan sa mga ginagawa ko ngayon.

Bumungad ang preskong hangin nang makarating ako sa puno ng buhay. Ang lugar na 'to ang isa sa mga pinaka-importanteng bagay para sakin. Dahil dito halos nabuo lahat ng aming mga ala-ala.

Ang punong ito ang saksi sa bawat luhang pumapatak.

Mga tawa at halakhak.

Subalit, tila ang mga ala-alang iyon ay mananatiling ala-ala. Hindi na muli pang ibalik. Papaano? Papaano ko mababalik sa dati ang lahat? 

Huli na. . . . 

Pumayag na ako sa kasunduan ng aking ama. 

At ngayon ay kasal na ako.

Parang isang gusali ang mga pangakong binitawan ko kay Jihyeong. Sobrang matayog ngunit hindi pinatibay. Kaya't unti-unting gumuho. Tuluyang nawasak. At hindi na muli pang mababalik.

Napaluhod na lamang ako habang nakatitig sa malaking puno. 

Natatakpan ng mga luha ang aking paningin.

Kahapon ko pa 'to pinipigilan.

Kasabay ng pagpatak ng aking luha ang pagbalik ng mga ala-ala.

*****

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now