Kabanata 34

8 1 0
                                    

Kabanata 34 - King's Death

******

Dumating ang araw na hinihintay ng lahat. Nagkasiyahan ang buong Chin-Hwa, ipinagdiwang ang bagong taon. 

Nababalot ng makukulay na disenyo ang palasyo pati rin ang kabahayan ng mga mamamayan. Suot-suot nila ang pinaka magarbong damit na meron. Inimbitahan ng hari ang mga mayayaman samantalang kinalimutan ang mahihirap. Kaya nanatili lamang ang mga ito sa kani-kanilang tahanan.

Sa loob ng palasyo, umaalingawngaw ang tawanan at kwentuhan ng mga dumalo. Ipinagdiwang nila ang bagong taon sa likuran ng palasyo. May nakasabit na lampara sa bawat sulok, meron ding banderitas at iba pa. Kaya nagliliwanag ito sa dami ng ilaw. Ginagawa ito upang maka akit ng magandang enerhiya. Sa gilid naman nakapwesto ang mga musikero na siyang nagbibigay buhay sa pagdiriwang. Magiliw na pumapalakpak at gumigiling ang mga manonood, sinasabayan ang ritmo ng musika. 

Nakapwesto ang hari at prinsesa sa harapan, pinapanood ang mga taong nagkasiyahan. 

Sa likuran ng prinsesa, nakatayo si Haneul. Siya lang ang nakabusangot at hindi natutuwa. 

Nagbigay ng presentasyon ang iilan. Merong sumayaw, kumanta at nagpakita ng iba't-ibang talento. Tuwang-tuwa naman ang lahat lalong-lalo na ang hari.

Makalipas ang ilang sandali, napagpasyahan nilang kumain muna. 

Nagsidatingan ang mga katulong dala-dala ang iba't-ibang putahe. Inilapag ito sa mahabang lamesa kung saan pagdadaluhan ng mga bisita. Nakatakip ng tela ang pang-ibabang mukha ng mga katulong kaya walang nakakakilala sa kanila.

Mabagal na tinutungga ng hari ang bino. Biglang dumating ang kanang-kamay niya, dala-dala ang balita.

"Mahal na hari, dumating na ho ang mga mananayaw. " pahayag nito. 

Ang mga mananayaw na tinutukoy ng kanang-kamay ay nanggaling pa sa ibang kaharian. Sila raw ang pinaka-magaling na mananayaw at palaging na i-imbitahan ng mga hari at reyna.

"Papuntahin mo sila sa gitna pagkatapos ng salu-salo. " utos ng hari at kaagad sumunod ang kanang-kamay.

Lumilipad ang isipan ni Haneul, hindi kumain dahil nawalan ng gana. Inalok siya ng bino ng isang maninilbi ngunit mabilis itong umiling.

Inalok ni prinsesa Minah ng pagkain ang heneral ngunit mabilis itong tumanggi. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at ibinalik ito sa lamesa.

Pagkalipas ng ilang minuto, balik kaagad sa kasiyahan. Inanunsyo ng kanang-kamay na meron pang isang grupo na magpapagilas ng talento nito sa entablado. Sabik na sabik ang mga manunuod, hindi makapaghintay. 

Pumwesto sa gitna ang mga mananayaw, suot-suot ang kanilang magarbong kasuotan. Nakatali ang kanilang mahabang buhok, natatakpan ng manipis na tela ang buong mukha at ang pinaka importanteng bahagi ng sayaw ay ang dala-dalang espada. 

Ang sayaw na prinesenta ay tinatawag na warrior dance. Kung saan ginagawang sayaw ang kilos ng mga mandirigma. 

Lahat ng mga nanunuod ay tahimik. Tanging musika lamang ang maririnig. 

Titig na titig ang lahat sa galaw ng mga mananayaw na maihahalintulad sa ahas. May pagkakataong mabilis ang kilos at meron namang mabagal.

Dahil abala ang hari sa pinapanood, inilapag muna nito ang bino sa gilid. Ang prinsesa naman ay hindi mahilig sa inumin kaya hindi nag-abalang tikman ang bino na galeng pa sa kaharian ng Baekje.

Parang statwa si Haneul. Nakatayo sa likuran ng prinsesa. Hindi sana interesado sa mga pangyayari subalit merong nakakuha ng kanyang atensyon.

Ang mananayaw na naka-pwesto sa gitna, parang pamilyar.

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now