Kabanata 2

33 3 0
                                    

Kabanata 2: Muling pagkikita

***

Malabo ang mga naririnig na boses ni Jieun, para bang nakahimlay siya ng ilang kilometro ang layo. Unti-unti niyang ginagalaw ang mga daliri. Dahan-dahan niyang inimulat ang mga mata. 

Sumalubong ang nakakabulag na liwanag, siya'y napakurap-kurap. "S-saan ako? " nanghihinang tanong ng dalaga. Tumingin siya sa gilid upang maiwasan ang matinding liwanag. Ang kaninang malabong mga tinig ng boses ay naging malinaw sa kanya. 

Napalingon ang dalawang babaeng nurse sa kanya at kaagad lumapit. Hindi pa nag sink-in sa isipan ni Jieun kung bakit nasa hospital siya at hindi sa apartment. "Huwag niyo po munang igalaw ang iyong mga braso. " mahinahong wika ng isang nurse nang makitang igagalaw sana ni Jieun ang braso.

Ngayon lamang niya naramdaman ang hapdi ng tinamo niyang sugat, karamihan ay sa braso at tuhod niya. Buti na lamang hindi siya nabalian ng boto. Maswerte ring hindi nagasgasan ang mukha niya ngunit sobrang kirot naman ng paa niya.

"A-anong nangyare sa---" bago pa matapos ni Jieun ang sasabihin, biglang bumukas ang pintuan ng silid.

Pumasok ang isang matangkad na lalaki, nakasuot pa ito ng business attire. Magulo ang mahabang hubok nito, kumikinang ang mamahaling relo na mukhang galing pa sa ibang bansa. Agaw pansin rin ang naka-awang na butones kaya napatulala ang dalawang nurse. 

Kaagad nagtama ang paningin ni Jieun at ng lalaking pumasok. 

Unti-unti na niyang naalala kung ano ang nangyare sa kanya.

"Naalala ko nang nasagasaan ako ng pumapaharurot na sasakyan, hindi kaya itong lalaki sa aking harapan ay ang siyang nakabunggo sakin?" tanong ni Jieun habang nakatitig sa lalaki.

"H-hi po sir... " pabebeng bati ng isang nurse na maikli ang buhok. Inipit pa sa tenga ang hibla ng buhok. 

Hindi kumukurap si Jieun, nanatiling nakatitig sa lalaki. Hindi dahil sa nahuhumaling siya sa kagwapohan nito kundi nanggigil siya sa inis. 

"Ikaw ba ang nakabunggo sakin?! " parang nakawalang leyon na sigaw ni Jieun. Napapitlag sa gulat ang dalawang nurse samantalang kinabahan ang lalaki. 

Rinig hanggang kabilang silid ang boses ni Jieun, napahinto sa pagkain ang isang matandang pasyente dala ng gulat. "May nasasaniban ba sa kabilang silid? " natatakot na tanong ng matanda sa sarili.

Sinulyapan ng lalaki ang mamahalin niyang relo tsaka ibinaling ang tingin kay Jieun. "Mag a-alas kwatro na at kailangan kong umuwi kaya humihingi ako ng patawad---"

"Patawad?! " 

Nanlaki ang mga mata ng dalawang nurse at kaagad pinahinahon ang galit na galit na si Jieun. 

"Alam mo bang ilang araw akong hindi makakapasok sa lagay kong ito? Kailangan kong pumasok sa paaralan ngayon at magtrabaho bukas. Wala akong kakainin kung a-absent ako sa trabaho at bababa rin ang gra---"

"Humingi na ako nga ako ng patawad, ikaw pa 'tong galit. Kung iyan ang pino-problema mo, edi bibigyan nalang kita ng pera tsaka huwag ka ring mag-alala dahil ako ang magbabayad ng bill. " dinukot ng lalaki ang wallet nito at nagkuha ng sandamakmak na pera. Mahinahong binigay niya kay Jieun ang pera ngunit mas lalo lamang nagalit ang dalaga.

"Hindi ko kailangan ng pera mo! " sigaw ni Jieun, na stress ang dalawang nurse dahil sa kaingayan nito.

Napabuntong-hininga ang lalaki sabay suklay sa buhok gamit ang mga daliri. Kaninang umaga pa siya nai-istress, pakiramdam niya ay masisiraan siya ng bait dahil sa babaeng aksidente niyang nasagasaan. Binasa muna niya ang labi bago magsalita, "Listen to me young lady, bibigyan kita ng option kung saan kailangan mong mamili because I really need to go home right now. Unang option ay bibigyan kita ng pera o kung kahit anong gusto mo, ako na rin magbabayad ng hospital bills mo at kalimutan natin ang pangyayareng ito. Ang pangalawang option naman ay kailangan mong piliin ang unang option. " seryosong giit ng lalaki.

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now