Kabanata 8

10 3 0
                                    

Kabanata 8: Paglayo

***

"Yeong-shin?! "

Magkahalong pangamba at takot ang nararamdaman ni Jihyeong at Haneul sa mga sandaling ito. Naguguluhang palipat-lipat ng tingin si Yeong-shin sa kaibigan at ng kasama nito, nagtataka kung bakit mukhang malapit ang loob sa isa't-isa.

Kaagad nilapitan ng dalaga ang lalaking kaibigan, nakatayo lang ito sa tabi ng kabayo ni Jihyeong. 

"Y-yeong-shin, hayaan mo akong magpaliwanag. " natatarantang giit ni Jihyeong, hinigit ang dalawang kamay ni Yeong-shin.

"Jihyeong, anong ginagawa mo? B-bakit..." hindi mahanap ng binata ang dapat sasabihin, puno ng katanungan ang kanyang isipan.

Samantalang napayuko si Haneul, kinakabahan sa maaaring mangyayare ngayong nakita silang dalawa ni Jihyeong ng isang kaanib ng rebelde.

"Aking ipapaliwanag ang buong pangyayare, pakiusap at pakinggan mo ako. " pilit na pinapatingin ng dalaga sa kanyang mga mata ang binata.

Nakahawak si Yeong-shin sa matalim na espada, handa na sanang paslangin ang heneral dahil sa nasaksihan. Dahil nagmakakaawa ang kaibigan na pakinggan niya ang paliwanag nito, pikit matang pumayag siya.

Kailanman hindi aasahan ni Yeong-shin makita ang matalik na kaibigang nakikipagsalamuha sa kanilang kalaban. Nasaksihan niya ang eksena kung saan mahigpit ang pagkakahawak ng heneral sa kamay ni Jihyeong habang nagkatitigan ang mga ito.

Inaamin niyang nanaig ang selos na nararamdaman kumpara sa galit.

 Pinaliwanag ni Jihyeong ang buong pangyayare, simula nung una nilang pagkikita ng heneral hanggang kung saan sila ngayon. Pilit niyang pinaintindi kay Yeong-shin na hindi masama ang totoong intensyon ng heneral kagaya ng kanilang inaasahan, tanging ang hari lamang ang tunay na sakim. 

Unti-unting naliliwanagan si Yeong-shin sa buong pangyayare, naintindihan niya ang sitwasyon ng kanyang kaibigan at ng heneral ngunit hindi ibig sabihin ay tuluyan niyang ibibigay ang tiwala. Kasapi parin ito sa panig ng hari, possibleng nagpapanggap lang bilang mabait.

"Hahayaan kitang makipag-kaibigan kayJihyeong datapwat huwag mong aabusahin ang kanyang kabaitan. Sa oras na saktan mo siya, tiyak na hindi mo masisilayan ang susunod na kabanata ng iyong buhay. " seryosong banta ni Yeong-shin, matalim na tinignan si Haneul.

Napalunok naman ang huli, natakot sa banta. "Hinding-hindi ko siya sasaktan at wala rin akong balak manakit ng kahit na sino, rebelde man o hindi. " inilahad niya ang kamay, pahiwatig ng kasumpaan.

Nag-alinlangan muna si Yeong-shin ngunit kalaunay tinanggap rin ito. "Aasahan ko ang iyong pangako, heneral. "

Nakahinga ng maluwag si Jihyeong, buti nalang marunong makinig at umitindi ang kaibigan. Kung hindi, tiyak na magiging madugo ang araw na ito.

"Yeong-shin, alam kung may parte sa isipan mo na galit sa aking ginawa dahil kanaibigan ko ang heneral. Naintindihan kita. Aking hiling lang sana ay huwag mo munang ipagpaalam sa kahit na sino ang pagkakaibigan namin, balang araw ay ako mismo ang magsasabi kay pinuno. " hinawakan niya ang mga kamay ni Yeong-shin, pinapakiusapan.

Hinawakan rin pabalik ni Yeong-shin ang kamay ni Jihyeong, "Maasahan mo ako. " wika ng binata.

Napatingin si Haneul sa kamay ni Jihyeong at Yeong-shin, palihim na inikot niya ang mga mata.

Matapos ang pangyayaring iyon, napagpasyahan nilang tatlo na umuwi. Sabay na bumalik sa kaharian ng Chin-Hwa ang heneral at ang dalaga samantalang mag-isang umuwi si Yeong-shin sa kuta nila. 

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now