Kabanata 34 (part 2)

14 2 0
                                    

Kabanata 34 - The Last Kiss

******

Dala-dala ang pugot na ulo ng hari, nagtungo ako sa ikalawang palapag. Sa bawat hakbang ko ay siya namang pag-init ng buong palasyo. 

Maraming pintuan at pasilyo dito, maaaring isa dyan nagtatago ang prinsesa.

Napatingin ako sa sahig kung saan may naapakan akong alahas. Kutob ko'y galing ito sa prinsesa. 

Hindi naglaon, kaagad ko siyang nahanap. Nagtatago ang prinsesa sa sariling silid nito. 

Napangisi ako nang makitang may dala-dala siyang espada. Ni hindi niya alam kung paano ang tamang paghawak nito. Nanginginig ang mga kamay niya ngunit pinapakitang hindi siya natatakot sakin. 

"Dyan ka lang! Huwag kang magtangkang iapak ang paa mo sa loob ng silid na 'to! " pananakot ng prinsesa. 

"Ba't naman ayaw mo akong papasukin? Kasama ko naman ang ama mo. " giit ko sabay pakita sa kanya ang pugot na ulo ng hari. Tumutulo pa ang dugo sa sahig. 

Nabitawan niya ang espada. Nagimbal sa nakikita. Napasigaw sa takot. 

Ito ang reaksyon na nais 'kong makita. 

Ganyan na ganyan din ang aking nararamdaman nang pinatay nila sina pinuno at Yeong-shin sa mismong harapan ko. Masakit, nakakagimbal.

Napaatras ang prinsesa habang mabilis na napailing-iling, hangga't sa tumama ang likuran sa dingding. "H-hindi maaari. Demunyo ka! Pinatay mo ang ama ko! " iyak siya ng iyak. 

Matagal kong ninanais marinig ang palahaw ng bawat taong naging parte ng paghihirap namin.

Dahan-dahan akong lumapit sa prinsesang nanginginig sa takot. 

"Ito ang kabayaran sa lahat ng kasamaang ginawa niyo. Nakakatakot diba? " tinitigan ko siya sa mga mata. 

Kahit takot na takot, pilit pa rin niya mag mukhang matapang. "Kung iniisip mong magmamakaawa ako, pwes, nagkakamali ka. Hinding-hindi ako luluhod at magmamakaawa sa isang rebeldeng katulad mo. Inagaw mo na nga ang taong mahal ko, nanggugulo ka pa sa kaharian namin! " 

Nagbaba ako ng tingin patungo sa espadang aking hawak-hawak. 

"Kung ganun . . . . . mas mabuti pa ngang wakasan ko na ang buhay mo. " 

Inulit ko ang ginawa ko sa ama niya.

Parehong pinugutan ng ulo. 

Iniisip ko na sa paraan ng pagpatay sa kanila, mag hi-hilom ang sugat sa aking puso. 

Magiging patas ang laban. Makakamit namin ang hustisya.

Pinulot ko ang ulo ng prinsesa at nagtungo sa ika-huling tao na aking papaslangin ngayong gabi.

Diretso ang aking tingin sa silid ng heneral.

Sa likod ng malaking pintuan, alam 'kong nakaabang siya.

Alam 'kong hinihintay niya ako.

At tama ang aking hinila, nandun nga siya sa loob ng silid. Nakatalikod mula sakin. Pinagmamasdan ang payapang buwan at mga bituin sa kalangitan.

"Dumating ka. " wika niya.

Dahan-dahan ang paglingon niya. Naiinis ako dahil nagawa niya pang ngumiti. 

Ngiti na palagi 'kong nasisilayan sa tuwing nagkikita kami.

Ngiti na puno ng pagmamahal.

Dumako ang tingin niya sa dalawang ulo na aking bitbit. Hindi siya nagulat bagkus ay tinitigan lamang ako. 

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now