Kabanata 1

58 6 0
                                    

Kabanata 1- Ang unang pagkikita ni Jihyeong at Haneul

*****

Isang babae ang naka-upo sa dulo ng bus, malalim ang iniisip. Makulimlim ang kalangitan bagay na gusto niya. Sa halos pitong taong namumuhay mag-isa, hindi niya mawari kung bakit hindi pa rin siya sanay. Kalungkutan ang nakapalibot sa kanyang tabi simula noong bata hanggang ngayon, tila walang kabuluhan ang pamumuhay niya sa mundo. 

Paano nga bang mamuhay ng matiwasay kahit puno ng galit at lungkot ang puso mo?

 Iyan ang katanungan na nais niyang malaman ang kasagutan.

Nakatitig lang siya sa screen ng kanyang laptop. Maya't-maya ang pagbubuntong-hininga dahil walang pumasok na ideya sa isipan niya. Siya ay isang manunulat, kahiligan na niya ito mula pagkabata marahil isa ring manunulat ang tatay niya. Lagpas labing lima ang kanyang naisulat. Pina-publish niya ang kwento sa isang website, marami-rami naman ang bumabasa. Hindi niya masasabing sikat siya ngunit may iilan namang humahanga sa kanyang mga gawa.

Ang kwentong susunod niyang gagawin ay ang pang labing anim niyang gawa ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya alam kung ano ang maging laman ng kwento. Tila ba naubusan na ng ideya.

Pang huling taon na niya sa kolehiyo, graduate na rin sa wakas. Ginagawa niya ang lahat ng ito para sa kanyang namayapang mga magulang at para narin sa auntie niyang nag-alaga sa kanya mula pagkabata. Sa oras na matapos niya ang pag-aaral, magiging maayos kaya ang buhay niya? Mukhang ang pag-aaral pa yata ang tatapos sa kanya.

Huminto ang bus na sinasakyan. Nagsisibabaan ang mga pasahero, halos lahat ay mga kapwa niya estudyante. Naglakad siya ng ilang minuto bago nakapasok sa loob ng kanilang paaralan.

Diretso ang kanyang tingin habang tinatahak ang mahabang pasilyo, para bang hindi nakikita ang mga estudyanteng pakalat-kalat. May ibang mga estudyante na nag-aasaran, may iba ring panay ang tsismisan. May grupo rin ng kalalakihan na panay ang pag d-dribble ng kanilang invisible na bola, hinaharangan pa ang ibang dumadaan at kunwareng isho-shoot ang bola sa ring. Sa kaliwa, tatlong kababaihan ang panay pagpapaganda at sa kanan ay mga matatalinong estudyante na walang ibang ginawa kundi ang mag-aral.

Natanaw na niya ang classroom, binilisan niya ang lakad at kaagad pumasok.

Pagpasok, kaagad bumungad sa kanya ang ingay ng kanyang mga ka-klase. Madaming bumati sa kanya ng 'good morning', sinuklian lang niya ito ng matamis na ngiti. Mabuti nalang talaga madaling pakisamahan ang mga ka-klase niya.

"Park Jieun, sa wakas dumating ka na rin! " 

Lumapit sa kanya ang isang babaeng mahaba ang buhok na may highlights na kulay brown. Magkasing-tangkad lang silang dalawa kahit palaging pinaglalaban ng kanyang kaibigan na mas mataas pa raw ito ng one inch keysa sa kanya. Sinuwerte siya sa huling taon bilang kolehiyo dahil naging magka-klase sila ng baliw niyang kaibigan. Apat silang magkakaibigan ngunit nasa ibang section ang dalawa.

"Umagang-umaga, ang saya-saya mo. " pabirong reklamo ni Jieun. 

Sabay silang umupo sa pinakadulong bahagi ng upuan. "Palibhasa hindi nag e-exist sa vocabulary mo ang salitang kasiyahan! " ganti ng kaibigan niya.

Napangiti na lamang si Jieun. Hindi niya inakalang magkakaroon siya ng kaibigan, kilala kasi siya bilang malungkutin at parating galit kaya walang may gustong makipag-kaibigan sa kanya. Binigyan pa talaga siya ng Panginoon ng kaibigan na kasalungat sa ugali niya. 

"By the way, nagawa mo na ba ang assignment sa History?" umiba ang mukha ng kaibigan niya, halatang hindi ginawa ang takdang aralin.

Kinuha ni Jieun mula sa kanyang bag ang laptop at kalmadong nilagay sa lamesa. "Syempre. " sagot niya na nakangiti. 

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now