Kabanata 3

15 3 0
                                    

Kabanata 3: Coincidence

***

Dahil kagabi pa curious na curious si Jieun sa kwento ni Ms.Kim, maaga siyang pumasok sa paaralan at dumiretso sa office ng guro. Wala pa masyadong prof sa faculty, si Ms.Kim lang at dalawa pang ibang prof ang nandoon. Nadatnan ng dalaga si Ms.Kim na kumakain pa ng agahan, nagulat ang dalagang guro nang makita siya.

"May problema ba iha?" kaagad na tanong ng guro at inilapag sa mesa ang kinakain.

Walang paligoy-ligoy at tinanong kaagad ni Jieun ang gusto niyang tanungin. "Totoo ba talagang nangyare ang kwento nina Haneul at Jihyeong?" 

Natigilan ang guro sa tanong ng dalaga, hindi niya inaasahang tungkol sa kinwento niya ang pakay nito. Akala nga niya ay walang pakialam ang mga estudyante sa kwentong 'yun, nagpapanggap lang na gusto nila ito dahil nababawasan ang oras niya sa pagtuturo. 

Tumikhim muna siya bago sumagot, "Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ang kwentong 'yun ay totoo o hindi. "

Kumunot ang noo ni Jieun. "B-bakit ho?"

"Alam mo Jieun, ang kwentong iyon ay nanggaling pa sa ancestors ko dated way back goguryeo dynasty. Kagaya ng mga parabula, pakiramdam ko ay ginawa lang ang kwentong iyon upang magbigay aral sa mga kabataan. Sa aking pagsasaliksik, wala akong nahanap na proweba na nagpapatunay na totoo ang lahat ng nangyare sa kwento. " parang pinagsakluban ng langit at lupa si Jieun sa sinabe ng guro, umaasa siyang babawiin nito ang sinabe at sasabihing totoo iyon.

"Meron lang tatlong kaharian sa bansa natin dati, Baekji, Silla at Goguryeo. Nag-iisang kaharian lang ang Goguryeo, walang itinala na meron pang ibang kaharian sa loob ng Goguryeo kaya medyo impossible rin. Hindi rin naisulat sa kasaysayan ang kwento ni Jihyeong at Haneul, kung meron man dapat kasali ito sa mga itinuturo sa paaralan. Anyway, opinion ko lang naman 'to. " pagtatapos ni Ms.Kim, natulala na lamang si Jieun.

"Ganun po ba?" malungkot niyang tanong.

Napansin naman kaagad ni Ms.Kim ang pagkadismaya ng kanyang estudyante. "Jieun, huwag kang malungkot. Sariling opinyon ko lang 'yun. There has to be a reason why my ancestors made that story. Ayon kasi sa mga nakakatanda, lahat ng metamorpiya o matatalinghagang kwento ay may pinagbabasehan. Malay mo, totoo talaga ang kwentong iyon. " pilit na pinapagaan ng guro ang kalooban ng dalaga.

Tumango si Jieun at ngumiti. "Salamat po sa paglaan ng iyong oras. By the way Ms.Kim, pwede ko bang isulat ang kwentong iyon? Nagsusulat kasi ako ng kwento at gusto ko pong isali ang story nina Haneul at Jihyeong sa kwentong isusulat ko. " medyo nag-aalinlangan siya sa pabor na ito, baka magalit kasi ang guro.

Imbes na magalit, natuwa si Ms.Kim sa narinig. "Talaga? Naku, oo naman! Mas mabuting marami ang makakaalam sa kwentong iyon, kami lang ng pamilya ko ang nakakaalam eh tsaka masasabi kong makaka-relate ang lahat sa kwento. " natutuwang wika ng dalagang guro.

Nakahinga ng maluwag si Jieun. Nag-ring ang bell hudyat na magsisimula na ang klase, sobrang bilis nga naman talaga tumakbo ng oras.

Nagpaalam si Jieun kay Ms.Kim at lumisan.

Bumungad sa umaga niya si Daehee, nakangiti ito ng nakakaloko bagay na ikinataka niya. "Anong meron?" clueless niyang tanong.

"Wala lang, nag da-dalaga ka na talaga. " humagikhik ang kaibigan, parang kinikilig.

Mas lalong nagtaka ang dalaga, "Anong pinagsasabe mo? Dalaga naman talaga ako, buwan-buwan nire-regla. " umiling-iling siya at mas lalong napahagikhik si Daehee.

"Ewan ko sa'yo. " giit ni Jieun at itinuon ang atensyon sa klase.

Sa kalagitnaan ng klase, binabagabag ang isipan ni Jieun patungkol sa kwento. Gustong-gusto na niya talaga marinig ang susunod na kaganapan.

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now