Kabanata 23

7 3 0
                                    

Kabanata 23 - Lies

****

Hindi sumabay si Jieun sa mga kaibigan pag-uwi galing paaralan. Ngayong hapon ay napagdesisyonan niyang puntahan si Do-hyun, ama ni Mingyu, sa opisina nito. 

Habang nakasakay sa tren, malalim ang kanyang iniisip.

Puro tanong ang naglalaro sa isipan, "Bakit niya ako pinapatawag sa opisina niya? Dahil ba kay Mingyu? O dahil sa tatay ko? "

Magkahalong kaba at galit ang kasalukuyang nararamdaman ng dalaga. Tila hinukay lahat ng nakabaon na sakit sa kanyang nakaraan. Sa kabila nito, masasagot rin sa wakas ang mga tanong na patuloy na bumabagabag sa kanya. 

Pinagmasdan ni Jieun ang kabuoan ng napakalaking building sa harapan. Ito ang kompanya ni Do-hyun. Sinasayaw ng hangin ang buhok, nakasuot din ng makapal na coat hanggang tuhod. Ayon sa balita, ang building na 'to ang isa sa pinamalaking kompanya sa buong south korea. 

Malamig ang panahon.

Mahigpit ang pagkakahawak sa bag.

"Goodafternoon Ms. Welcome to our Company. " nakangiting bati sa kanya ng isang lalaki. Ito ang lumapit sa kanya noong nakaraang araw. 

Nagulat si Jieun. May pa-welcome pang nalalaman, alam rin naman niyang palalabasin siya ng mga ito maya-maya. 

"The chairman is waiting for you. " dugtong pa ng lalaki sa sinabe. Iginaya papasok sa elevator. Tsaka pinindot nito ang numero ng floor. 

Hindi siya nakaramdam ng kaba. Para saan pa ba? Ang taong makakaharap rin niya maya-maya ay ang taong sumira sa buhay niya.

"We're here. " 

Bumukas ang elevator, sumalubong ang napaka-engrandeng hallway. Kulay pula ang carpet, nakasabit sa dingding ang iba't-ibang imahe ng chairman at ng pamilya nito. 

Nahagip rin ng mga mata ni Jieun ang isang imahe kung saan nakangiti si Mingyu at ang mama nito samantalang nakabusangot ang ama. Mukhang nasa edad fifteen years old pa yata ang binata. 

Mukhang bata pa ang ina ni Mingyu sa letratong iyon. Halatang mabait at masiyahin. Napaisip tuloy siya kung bakit ito pumanaw ng maaga.

Biglang huminto ang lalaking sinusundan niya kaya siya'y napatigil din sa paglalakad. 

Merong dalawang bodyguard na nagbabantay sa labas. Kusang binuksan ng mga ito ang pintuan.

Napahinga ng malalim si Jieun.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa bag na para bang ito'y sisirain.

Tila mabagal ang pagbukas ng pintuan. Taas noong nakatingin ng diretso ang dalaga, umiigting ang panga. Pinipigilan ang galit.

Pagkapasok niya sa loob ng office ni Kim Do-hyun, nadatnan niya itong nakaupo sa isang malaking sofa. Hinihintay ang kanyang pagdating. 

Nakabusangot ang pagmumukha ng matanda habang matalim ang mga tinging nakapukol sa kanya. 

May isang sofa na nakalaan para sa kanya ngunit pinili ni Jieun na huwag umupo roon bagkus ay diniretso niya ito. Ni hindi niya tinignan ang kabuoan ng opisina.

"Anong sadya mo sakin? " seryosong tanong ng dalaga.

Napakunot ang noo ng lalaking sekretarya, hindi nagustuhan ang tono ng pananalita ni Jieun.

"Huwag mong inaaksaya ang oras ko. Sagutin mo ang aking tanong. " kung isang patalim lang siguro ang paningin niya, paniguradong patay na ang kaharap.

"You're tough now huh. " 

Ito ang unang lumabas sa bibig ng matanda.

"Dahil ba sa tatay ko? Gusto mong pag-usapan kung bakit ka nanahimik nang pinatay ang aking ama sa bilangguan?! " sigaw ni Jieun, nagpupuyos ng galit. 

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now