Kabanata 26

9 3 0
                                    

Kabanata 26 - Mingyu's past and the agreement

****

Nagising ang dalawa pasado alas kwatro ng madaling araw. Madilim pa rin sa labas. Nakatalukbong ng kumot ang kanilang mga katawan. 

"Goodmorning sunshine. " bulong ni Mingyu sa tenga ni Jieun. 

Malalim ang boses. Husky.

Napangiti ang dalaga, "Goodmorning din. "

Nakapikit pa rin ang kanilang mga mata dahil inaantok pa, ngunit kinakailangang magising dahil baka maabutan ni Daehee na ganyan ang kanilang hitsura.

"Napagod ka ba? " tanong ni Mingyu.

"Medyo. " sagot ng huli.

"I want to do it again. " biro ng binata kaya nakatikim ng kurot sa tagiliran.

"Aray! Di ka naman mabiro. Syempre yung next time ay sa honeymoon na natin. " ngiti niya sabay peace sign.

"Nakakatawa dahil wala pa nga tayong label. Mutual naman feelings natin. Lagyan na kaya natin ng label ano? " dugtong pa nito.

Tinignan ni Jieun ang binata, "Okay. " 

Nagulat ang huli, "Anong okay? "

"Kung gusto mo edi tayo na. " casual na giit ni Jieun.

Matamis siyang napangiti, "Gusto pa rin kitang ligawan. " sabi niya at hinagkan ang noo ng dalaga.

Unang bumangon si Mingyu, nagbihis at nagluto ng agahan. Naligo naman si Jieun. Hindi pa rin makapaniwalang may nangyareng milagro sa kanila kagabi. Inaamin niyang medyo makirot ang gitnang parte ng katawan ngunit kaya pa namang lumakad. 

Nagbihis lang siya ng short na pang lalaki tas oversized shirt tsaka pumunta sa kusina.

Nakahanda na doon ang mga pagkain. Typical na american breakfast. May itlog, bacon, yogurt at strawberry. 

Nakasandal si Mingyu sa counter habang bitbit pa ang sandok. Suot-suot ang apron kahit wala pang suot na pang-itaas na damit.

"Ano, pasado ba? Pwede na bang husband material? " nakangising tanong ni Mingyu. 

"Itlog at bacon lang ang niluto mo feeling Gordon Ramsay kaagad. But I appreciate it. M-masarap naman. " napatingin si Jieun sa naka-expose na braso ng binata.

Yogurt at cereal lang ang kinain ni Mingyu tsaka naligo at nagbihis. Samantalang nagtataka pa din si Jieun kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin umuwi si Daehee.

"Have you tried calling her? " tanong ni Mingyu, pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok.

Napabuntong-hininga ang huli, "A few times already. Saan kaya nagpunta ang babaeng 'yun. " napatitig nalang siya sa cellphone.

Speaking of Daehee, bigla itong dumating. 

Ngunit ang nakakagulat ay kasama ng dalaga si Jaehyuk.

"Daehee?! Jaehyuk?! Ba't magkasama kayong dalawa? " napatayo si Jieun sa gulat at kaagad nilapitan ang kaibigan.

Napangisi naman si Mingyu tsaka nag thumbs up kay Jaehyuk.

Naitampal ni Daehee ang noo. "Tangina, nakalimutan kong nandito nga pala si Jieun. " ngunit nang makita si Mingyu sa kanyang kusina ay napamura sa gulat. "Holy crap, ba't nandito rin si Mingyu? Pinapasok mo girl? "

Nakapameywang si Jieun at kinilatis ng maigi sina Jaehyuk at Daehee.

Nahagilap niya ang bahid ng lipstick sa collar ng damit ni Jaehyuk. Pulang-pula. Kakulay sa suot na lipstick ng kaibigan niya.

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now