Kabanata 6

12 3 0
                                    

Kabanata 6: Hairclip

***

"Ikaw ba ay kasapi ng mga rebelde? " 

Ang tanong na iyon ay siyang ikinagimbal ni Jihyeong, nahigit ng dalaga ang hininga. Madaming tanong ang naglalaro sa isipan niya, "Paano nalaman ng heneral ang pagkatao ko? "

Samantalang naghihintay si Haneul ng kasagutan, nais niyang kumpirmahin kung tama nga ba ang hinala niya. Mahigpit ang pagkakahawak ng binatilyo sa kamay ng dalaga, pahiwatig na nais niyang malaman ang kasagutan bago umalis ito.

Napabuntong hininga si Jihyeong, pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi lalong maghinala ang heneral. "Mukha ba akong rebelde sa paningin mo? Mawalang galang heneral ngunit nagkakamali ka---"

"Nakita ko ang marka sa iyong dibdib noong ikaw ay aking ginamot. " inilapit ng binata ang mukha kay Jihyeong, hindi siya maaaring magkakamali sa nakitang marka. Tanging mga rebelde lang ang merong ganung klaseng marka sa dibdib at wala nang iba pa. 

Mas lalong nagulat si Jihyeong, sobrang lakas ng kabog ng dibdib. Hindi mawari kung ano ang susunod na gawin, hindi rin naman pwedeng paslangin niya ang heneral sa mismong sandali na 'to. 

Tinabig niya ang kamay nito ngunit sadyang ayaw bitiwan ng heneral ang kamay niya. Sa pangalawang pagkakataon sinubukan niyang itanggi ang paratang. "Paniguradong dumi lang ang iyong nakita, namamalikmata ka lang. Sandali nga, bakit mo tinignan ang aking dibdib?! " iniba niya ang usapan, nakakahiya man ang tanong niya ngunit alang-ala sa misyon ay wala siyang pakialam.

Hindi pinagtuonang pansin ng heneral ang tanong ng dalaga. "Noong araw na inatake kami ng mga rebelde, nakita ko ang kabayo mo binibini. Nakasakay ang isang rebelde sa kabayong yan, siya ang humabol sakin. Akala ko nagkataon lang na magkamukha ang kabayo mo at ng rebeldeng humabol sakin ngunit nakumpirma ko nang makitang meron itong marka sa likuran. " simula nung nakita ng heneral ang marka sa dibdib ni Jihyeong ay sinimulan niya itong imbestigahan.

Ito ang rason kung bakit inaya niya sa Goleum ang dalaga, upang makita o malaman kung meron itong alagang kabayo na kamukha ng kabayo ng rebeldeng humabol at dumakip sa kanya.

Parang naputulan ng dila si Jihyeong, kung tatanggi siya sa paratang nito ay wala rin namang saysay dahil malakas ang paniniwala ng binata na isa nga syang rebelde. Nagsisi siyang minaliit niya ang kakayahan ng heneral, matalino pala ito at hindi madaling nauuto. 

Sinulyapan niya ang espadang nakatago sa ilalim ng upuan ng kabayo. Walang dalang espada o kahit anong armas ang heneral kaya pwede niyang paslangin ito nang walang makakaalam. Sa oras na babalik silang dalawa sa kaharian ay paniguradong mabubuking ang sekreto niya at malalagay sa kapahamakan ang kanilang buong samahan. 

"Hindi pa dyan nagtatapos binibini. Isa pang nagkumpirma sa 'yong totong pagkatao ang nunal sa ilalim ng iyong kanang mata. Noong kinausap ako ng rebeldeng iyon ay meron din siyang nunal na katulad nang sa 'yo. " 

Napaiwas ng tingin si Jihyeong, ang kaliwang kamay niya ay pa-simpleng nakahawak sa espada. Isang wasiwas lang nito ay paniguradong babawian ng buhay ang heneral. Hindi napansin ng heneral ang kamay niya dahil nakatitig ito sa mga mata niya. Ang pagpaslang ay natatanging paraan upang hindi mabunyag ang misyon ng kanilang samahan. 

Unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa espada. 

"Sumisigaw aking isipan na paslangin ka ngunit hindi ito kayang gawin ng aking mga kamay. "

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now