Kabanata 25

12 3 0
                                    

Kabanata 25 - Hot night

****

Naligo si Jieun pagkatapos ay nagbihis. Kanina pa kumakatok sa pintuan si Mingyu ngunit ayaw niya itong pagbuksan.

"Jieun, mag-usap tayo pakiusap. Kahit limang minuto lang. " pagmamakaawa ng binata sa kabilang banda.

Hindi sumagot ang dalaga, nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok.

Napapailing si Daehee habang nakatingin sa kaibigan. Kanina pa niya ito kinukimbinse na kausapin saglit si Mingyu ngunit ayaw talaga nito. 

"Alam mo girl, ang haba ng pride mo. Bawasan mo kaya ng kunti? Hindi ka ba naaawa sa tao, nilalangaw na nga kakahintay sa'yo. " wika ni Daehee habang nanonood silang dalawa ng TV. Rinig na rinig pa rin ang mga katok ni Mingyu sa labas.

Naka-focus lang ang atensyon ni Jieun sa pinapanood na pelikula, "Bakit ako maawa? Siya ang nanakit sakin. Daehee, pinaglaruan ako ng lalaking 'yan. Ikakasal na pala nang hindi ko alam. Ginawa akong kabet. So, sinong kawawa sa'ming dalawa? " uminom siya ng red wine kahit umagang-umaga.

Napairap si Daehee sa stress, "Ewan ko sa'yo. Baka naman may dahilan. Ito talaga ang hindi ko naiintindihan sa mga mag-jowa. Kapag nag-aaway, ke taas-taas ng pride tapos kapag nag-usap na.....hayun, parang tuko, ayaw na maghiwalay. Pwede namang pag-usapan yung problema, dami niyo pang drama. " inagaw niya ang red wine sa kamay ng kaibigan at diretsong nilagok ito.

"Palibhasa wala ka kasing jowa kaya hindi mo naiintindihan. " banat ni Jieun. 

"Sorry naman po Ms.jowable. Pasensya ka na wala akong jowa. " sarcastic na sagot ng katabi.

"Siya nga pala, pa'no nalaman ni Mingyu na nandito ako sa bahay mo? " nagtatakang tanong ni Jieun sabay tingin kay Daehee.

Napalunok ang huli, "H-ha? "

Napabuntong-hininga si Jieun, sinasabe na nga ba.

"Why did you tell him? " seryosong tanong niya.

Naglikot ang tingin ni Daehee, napakamot sa ulo. "B-baka tinanong niya kay Jaehyuk. " sagot niya.

Kumunot ang noo ng huli, "Bakit naman alam ni Jaehyuk na nandito ako? Isa pa, bakit niya rin alam ang address mo? I thought you never told anyone except me, Beom-il and Yuna. " 

Tumayo si Daehee, walang pasabing pumasok sa kwarto. Nagmanga-mangaan.

"Hoy Daehee, sagutin mo ako! " sigaw ni Jieun ngunit pinagsarhan na siya ng pintuan.

Napabuntong hininga na lamang siya. Lumingon sa pintuan kung saan nakasandal si Mingyu, naghihintay sa kanya. Huminto na ito sa pagkatok ngunit hindi pa rin umuwi o umalis.

Sumapit ang ilang oras, naghihintay pa rin sa labas si Mingyu. Napakagulo ng buhok. Nakaupo sa sahig. Nakayuko. Kulang nalang doon matulog. 

"Girl, anong oras na ba? Walang pang tanghalian si Mingyu. Paniguradong mamamatay na 'yun sa gutom. Ano na? Wala pa ring balak papasukin? " nakapameywang na tanong ni Daehee. 

Ngunit kasing tigas yata ng bato ang ulo ni Jieun. Ayaw pa rin niya. Magkamatayan man, hinding-hindi niya kakausapin ang lalaking 'yun.

"Kapag 'yun na-tsugi dahil sa gutom, mumultuhin ka talaga niyan. " pumasok muli si Daehee sa silid nito. Naiwan namang nakatitig sa pintuan si Jieun.

Hapon na nang lumabas ulit si Daehee sa silid. Nagulat si Jieun dahil ayos na ayos ito. Nakasuot ng pulang off shoulder dress tas tinernuhan ng nude high heels. Nakakulot rin ang buhok. Putok na putok blush at lipstick. 

Napabangon sa hinihigaan si Jieun, "San punta mo? " may halong panghihinala sa boses niya.

Busy na busy naman ang kaibigan kakatingin sa salamin, "Bibisitahin ko lang pinsan ko. "

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now