Kabanata 16

20 3 0
                                    

Kabanata 16 - I love you

***

Maagang pumasok si Jihyeong sa trabaho. Naabutan niyang nag-uusap sina Seok at Yeji, nakaramdam siya ng tuwa dahil pumasok na rin si Yeji.

"Napapadalas ang pagbili ni prinsesa Minah ng alahas. Ibig sabihin madami tayong salapi na malilikom. " tuwang-tuwa si Aleng Seok sa iniisip, nakatingin sa labas si Yeji na parang wala sa sarili ngunit hindi iyon napapansin ng matanda.

"Nandito ka na pala iha. " giit ni Aleng Seok.

"Magandang umaga ho sa inyo. Yeji, maayos lang ba ang iyong pakiramdam? " nag-aalalang tanong ni Jihyeong sa kaibigan. 

Tanging pagtango lang ang sinagot ni Yeji bagay na ipinagtaka ni Jihyeong. 

"Yeji, ihatid mo 'to sa palasyo. " utos ng matanda. Nang marinig ni Yeji ang salitang 'palasyo' ay nanigas siya sa kinauupuan at kaagad dumaloy ang takot sa buong katawan. 

"M-maaari ho bang bukas nalang? " alinlangang tanong ng dalaga. Naalala niya ang babaeng ginahasa ng hari pagkuwa'y pinatay at ibinaon ang bangkay sa kagubatan. Marahil ay ang hinahanap nilang nanggagahasa ng mga kababaihan ay walang iba kundi ang hari.

"Ano?! Naku, hindi 'yan pwede iha. Magagalit ang prinsesa. " si Aleng Seok mismo ang naglagay ng alahas sa mga kamay ni Yeji. 

"Sasamahan ko na ho si Yeji Aleng Seok. " presinta ni Jihyeong, kanina pa kasi niya napapansin na may mali sa kinikilos ng kaibigan.

Napaisip ang matanda, "Basta't bilisan niyo lang upang bantayan ang tindahan, kailangan ko pa kasing asikasuhin ang taga gawa ng mga alahas. " wika nito.

Medyo gumaan ang pakiramdam ni Yeji nang pumayag si Aleng Seok na samahan siya ni Jihyeong. Alam niyang matapang si Jihyeong, kaya siya nitong protektahan sakaling anong gawin ng mga kawal sa kanya. Balak niyang sabihin kay Jihyeong ang natuklasan.

Pagkarating sa palasyo ay kaagad hinanap ni Jihyeong ang binatang heneral ngunit hindi niya ito mahanap. Samantalang si Yeji ay labis na kinakabahan, naghahanap siya ng tiyempo upang sabihin sa kaibigan ang kanyang nasaksihan noong nakaraang araw ngunit masyadong maraming mga tao.

"A-ate Jihyeong, may nais sana akong sasabihin. " kinakabahang utas ni Yeji habang tinatahak nila ang mahabang pasilyo ng palasyo. Walang naglalakad o napapadaan na mga katiwala kaya ito ang tamang pagkakataon upang sabihin ito.

"Ano naman iyon? "

Sa tuwing bumabalik sa isipan ni Yeji ang nakakagimbal na pangyayaring iyon ay hindi niya maiwasang mangilabot. 

Napalunok ang dalaga, "K-kasi....."

"Netong nagdaang ara-----"

"Kayo ang taga-hatid ng alahas ng prinsesa diba? "

Biglang sumulpot sa harapan nila ang dalawang kawal, kaagad napayuko si Yeji sa takot. Hindi niya kayang sulyupan ang mga taong ito. 

Si Jihyeong ang sumagot dahil ayaw magsalita ni Yeji. "Kanina pa kayo hinihintay ng prinsesa. " matikas na wika ng kawal at iginaya silang dalawa patungo sa silid ng prinsesa.

Within the walls of VengeanceWhere stories live. Discover now