Kabanata 14

17 3 0
                                    

Kabanata 14: When the past keeps hunting you back

***

Papalapit ng papalapit sina Mingyu at Jieun sa isa't-isa habang nakatitig ng diretso sa mga mata. Nakasilay ang mga ngiti sa labi.

Humupa ang ingay sa kapaligiran, dagundong ng dalawang tumitibok na puso ang siyang namamayani sa gabi. 

Nang magkaharap ay kapwa sila natawa. Sa lahat ng mga nakiki-party sa street ng Itaewon, silang dalawa lang ang nakasuot ng pang-lumang kasuotan ng mga koreano. 

"Aba, ano 'yang costume mo? kargador ng mga bigas sa dating panahon? " pang-aasar ni Mingyu, natawa si Jieun sa sinabe nito.

"Siraulo! Isa akong warrior at hindi kargador ng bigas. " natatawa niyang sabi.

Inagaw ni Mingyu ang shotglass na hawak-hawak ng dalaga at diretsong tinungga ito. "Sakin 'yan, ba't mo inagaw! " nakangusong wika ni Jieun.

"Bawal kang uminom ng marami. " 

"At bakit naman? "

Inilapit ng binata ang kanyang mukha sa dalaga, "Dahil pinagbabawalan kita. "

Hindi nakapagsalita ang huli, napatitig sa mukha ni Mingyu. Insaktong may dumaan na ka-klase ni Jieun, walang pasabing ibinigay ng binata ang walang laman na shotglass nito. 

Biglang sumulpot sina Daehee, Yuna, Beom-il at Jaehyuk, lasing na ang apat dahil naka-inom ng marami. 

"Nandito lang pala kayong dalawa! " pasigaw na sabi ni Daehee sabay akbay kay Jieun. Sa bigat ng braso nito ay nahihirapang tumayo ng tuwid si Jieun.

"Tol, kusa ka nalang nawala. Akala ko biningwit ka ng mga amerikanang chiks sa gilid. " komento naman ni Jaehyuk, amoy alak ang hininga nito. Nakasuot ng vampire costume ang binata kaya bagay rin sa kanya ang pulang alak na dala-dala. 

Napatakip si Mingyu sa bibig, "Tapang ng amoy ng hininga mo tol, kaya akong i-knock-out. "

Napansin nina Yuna at Daehee ang suot costume nina Mingyu at Jieun, "Uy uy uy.....pinagplanuhan niyo ba 'to? " panunukso ng dalawa.

"Anong pinagplanuhan? Kayo kaya ang bumili nito para sakin mga tanga! " singhal naman ni Jieun, kung ano-ano nalang kasing pinag-iisip ng mga ito.

Habang nakikiparty ang magka-kaibigan ay palihim namang tumakas sina Jieun at Mingyu. Magkahawak ang mga kamay, pareho silang tumatakbo papalayo sa mga taong nagkukumpulan. Umaalingawngaw sa buong kapaligiran ang kanilang tawanan.

Malapit silang matumba kakatakbo habang tumatawa ngunit nagpapatuloy padin silang tumatakbo. 

Sa unang pagkakataon, nakaramdam si Jieun ng kaligayahan at kalayaan.

Huminto silang dalawa sa isang bridge kung saan walang masyadong tao ang tumatambay doon. Parehong hinahabol nila ang hininga, pinagmamasdan ang magandang karagatan at ang maliwanag na buwan.

"That was fun. " giit ni Mingyu, mabibigat na hininga ang pinakawalan ngunit nakangiti.

"Hindi kaya sila magtataka na bigla tayong nawala? " tanong ni Jieun, nakatingin sa karagatan.

Within the walls of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon