Kabanata 13

11 3 0
                                    

Kabanata 13: Sweet Night

***

"I have some exciting announcement to make. "

Kaagad tumahimik ang buong klase. Nakatayo sa harapan ang kanilang adviser na si Ms.Jang na may ngiti sa mga labi.

"This coming Friday, magkakaroon ng Halloween party sa street ng Itaewon kaya tayong pasok for that day. Aren't you guys excited? Mag prepare na kayo ng susuoting costume. " parang kinikilig si Ms.Jang sa iniisip na mag pa-party sa Itaewon kasama ang mga kapwa rin niya guro.

Kagaya rin niya, na-excite ang lahat sa inanunsyo ni Ms.Jang. Every year, nagkakarooon ng Halloween party sa Itaewon, malaya ito at pwedeng makihalobilo kahit sa sinong tao. Maraming pumupuntang mga foreigner at local. Isa ito sa pinakahihintay na pagdiriwang sa buong taon.

"Buti nalang naka-order ako ng costume sa online. Excited na akong gumigiling-giling at makipag-inuman. " sabi ni Daehee, advance ito mag-isip dahil last week pa ay handa na ang susuoting costume nito.

Hindi interesado si Jieun sa Halloween party, plano niyang magsulat ng kwento at magmukmok sa kwarto. Sa loob ng ilang taong pamumuhay niya sa Itaewon ay ni minsan hindi niya pa naranasang makadalo sa sinasabing Halloween party. Aniya'y nagsasayang lang ito sa oras at mas mabuti pang manatili sa bahay.

***

Mabilis ang bawat hakbang na tinatahak ng heneral, nakadikit ang paningin niya sa espiya na naglalakad patungo sa silid ng hari. Bigla siyang tinawag ng kanyang kanang-kamay dahil may itinanong ito kaya't nawala sa paningin niya ang lalaki. Makalipas ang ilang minuto ay kaagad siyang pumasok sa silid ng hari kung saan nasumpungan niya ang espiya na may isinusumbong sa hari.

"May nakalap akong impormasyon tungkol sa anak ng rebeldeng si Byung-hoon. " nakangiting wika ng espiya.

Napatayo sa trono ang hari, "Sabihin mo sa akin kung ano. "

Tahimik na nakikinig si Haneul sa usapan ng dalawa, nakatayo siya sa pintuan ng silid. 

"Buong akala natin ay lalaki ang anak ng rebeldeng iyon ngunit aking napag-alaman na isa pala itong babae ayon sa matandang babae na dating nagpasilang sa asawa ni Byung-hoon. " 

Napakunot ang noo ng hari, kalauna'y napahalakhak. 

Napailing-iling siya sabay baba sa trono, "Babae ba kamo? " ulit niyang tanong habang natatawa.

Tumango ang espiya.

"Kaya pala hindi natin mahanap-hanap ang pisteng rebelde na 'yan. Natitiyak ako na siya ang namumuno sa kanilang samahan, sa oras na madakip natin ang babaeng iyon ay mapapadali ang pagtumba sa grupo na itinatag ni Byung-hoon. " ani ng hari.

Kinakabahan si Haneul habang nakikinig, ang tanging tumatakbo sa isipan nito ay kung paano maprotektahan si Jihyeong laban sa kanyang ama. Maya't-maya ang paglunok ng binata, hindi mapakali.

"Heneral. " tawag ng hari.

Nag-angat siya ng tingin, sinubukan niyang mag-mukhang kalmado. "Ano po iyon mahal na hari? "

"Nais kong manmanan mo ang lahat ng mga kababaihan sa Chin-Hwa, kapag may napansin kang kahinala-hinalang babae ay kaagad mong dalhin rito sa aking palasyo. Pahigpitin mo rin ang pagbabantay ng mga kawal sa tarangkahan. " utos ng hari na siyang mas lalong ikinabahala ng heneral, sa lahat-lahat ay siya pa ang nautusan.

Within the walls of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon