4th Chronicle / Chase

94 5 0
                                    

Thea Arcapeña

Tumama ang bala ng baril ng isa sa mga S.W.A.T. members sa windshield ng kotse. Dahil sa ingay na nilikha noon ay nagulantang ang mga kriminal na inaabangan namin. Lahat sila ay napalingon sa kinalalagyan namin. Kasunod ay sinindi ng mga kasama namin ang ilang headlamp ng mga police cars upang ilawan ang mga kriminal. Nasilaw naman sila dahil doon at nakita ko pang itinaas nila ang kanilang mga kamay upang takpan ang liwanag na sumisilaw sa kanila. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mata nila. Tila hindi nila inasahan na malalaman namin ang tungkol sa gagawin nila. Hindi siguro nila inakala na may alam kami sa maitim nilang balak. Hindi nila inakala na may pipigil sa kanila sa plano nilang ikalat ang sakit sa buong bansa.


Bigo sila!


Kung sino man sila at ano man ang katayuan nila sa lipunan, sisiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan at pagsisisihan nila ang kanilang ginagawa.


"Sumuko na kayo bago pa namin kayo paputukan ulit!" babala ni Tinyente Marquez gamit ang isang megaphone. Sa tingin ko ay mahigit nasa limang metro naman ang layo niya sa amin mula sa aming likuran.


Hindi nagsalita ang mga kriminal.


Mukhang hanggang sa pagkakataon na ito ay hindi sila makapaniwala at tulala pa rin sila sa kanilang kinatatayuan. Tila nanigas sila sa kanilang mga kinaroroonan. They look surprised, not expecting that they are being watched from what they are doing.


"Ibaba n'yo ang mga armas n'yo!" matapang na turan ni Tinyente Marquez.


Habang nasa ganoong sitwasyon sila ay pinagmasdan ko ang itsura ng mga infected. Tila takot na takot din ang mga ito. Baka iniisip din nila na dahil sila ang may dala ng sakit ay papatayin namin sila.


Hindi ko alam kung ano ang balak sa oras na mahuli ang mga kriminal at makuha ang mga infected. Hindi naman siguro sila ipapapatay. Besides, tao rin sila. May pakiramdam!


"If you don't surrender, all of you and those infected will be put in a coffin!" ani Tinyente Marquez.


Dahil sa sinabi niya ay kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Balak niya rin bang patayin ang mga infected kung sakali man?


Parang kanina lang ay iniisip ko iyon. Well, hindi ko naman siya mapipigilan if he was left with no choices. Sa pagsabing iyon ni Tinyente Marquez ay tila pinaparinig niya rin sa mga infected ang sinabi niya. Tila tinatakot niya rin ang mga ito. Dahil kung hindi naman niya intensyon na iparinig sa mga infected ay hindi siya magsasalita sa wikang ingles.


Napatingin ako sa mga infected na tila nabigla sa sinabi ni Tinyente Marquez. Natakot sila dahil iniisip na nila na pati sila ay walang-awang papatayin kung sakali man. Napansin ko naman na ang iba sa mga infected ay tila naluha, hindi dahil sa pamumula ng kanilang mga mata kundi sa tingin ko ay dahil sa takot na baka sa ilang sandali lang ay tuluyan na silang malagutan ng hininga at hindi na masilayan pa ang araw ng bukas.


"We're not going to surrender!" sabi ng lalaking bumaba kanina sa kotse.


Pagkasabi niya noon ay seryoso niyang tiningnan ang lalaking kasama niya na nakasuot ng itim na bonnet at face mask.


Kasunod noon ay inihanda nila ang kanilang mga baril.


Pati ang dalawang babae na ang isa ay kulot ay may dalang baril na sa tingin ko ay katulad ng sa akin. Pati na rin ang binata na kasama nila ay nakita ko na may hawak ding baril. Mukhang hindi siya marunong gumamit ng baril dahil napansin ko sa paraan nang paghawak niya.


At this moment, I could feel that my entire body was on fire. My heart was trembling in fear. Mukhang hindi sila susuko at lalaban pa talaga!


"Last reminder! Surrender your weapons! Hands-up and kneel on the ground!" sigaw naman ng isa mula sa mga S.W.A.T. team.

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now