7th Chronicle / What Lies Ahead

47 2 0
                                    

Thea Arcapeña

10:34 PM / Ermita Precinct

Tulala. Hindi umiimik. Nakaupo ako sa isang monobloc chair. Nakayuko habang nakasalo naman ang kanang kamay sa noo ko. Nakapatong ang kanang siko ko sa lamesa na nasa kanan ko. Nasa office kami ngayon ng Ermita precinct. Dito kami pinapunta upang kausapin ng Inspector tungkol sa nangyari.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
I’m so disappointed!
Akala ko magagawa ko na.
Akala ko moment of glory ko na.
Hindi pala!
Sa sobrang hiya ko sa sarili ko. Parang hindi ko man lang magawang iangat ang ulo ko, ni ilibot man ang paningin ko. Pakiramdam ko nakatingin lahat sila sa akin. Nasa paligid ko lang ang ibang pulis na kasama ko. Ang iba sa kanila ay nakaupo lang din at tulala habang nakatingin sa kawalan.
Nandito rin ang dalawang pulis na kasama ko kaninang humabol sa isang kriminal na nakatakas. Maging sila ay tulala lang din. Gaya ko, ramdam din siguro nila ang disappointment. Hindi lang dahil sa hindi namin nahuli ang mga kriminal, kundi dahil malaking peligro ang maaaring maidulot, sapagkat kasama ng kriminal ang isa sa mga infected. May hinala ako na may masama siyang balak. Sigurado ako na gagamitin niya ang infected na iyon upang ikalat ang sakit.
Habang nakaupo, ramdam ko ang malamig na pawis sa katawan ko. Maging ang mga palad ko ay namamasa na rin. Hindi ko alam kung totoo ba itong nangyayari. Parang ayaw ko na paniwalaan na totoo ito. Parang ayaw mag-sink-in sa utak ko.
Sana masamang panaginip na lang ito.
Dahil sa nangyari, hindi malayong sisihin ako, sapagkat nakatakas ang isa sa mga kriminal na dapat huhulihin ko. Hindi ko naman ginusto ang nangyari.
Sino ba naman ang pulis na nasa matinong pag-iisip ang gugustuhing makawala ang isang kriminal na hinahabol niya? Hindi ko gusto ang nangyari, lalo na at nakasalalay rito ang kaligtasan ng mamamayan.
Habang nasa ganoong sitwasyon ako, dinig ko ang ingay ng isang TV na nakapatong sa isang mesa ilang metro lang layo sa akin. Nagsasalita naman ang isang newscaster mula sa TV. Hindi ko man iyon tinitingnan, ngunit napapakinggan ko ang sinasabi ng newscaster.
“Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga baboy na nahahawaan ng swine flu. Marami na ang mga piggery na napilitan magsara. Kasalukuyan naman na ipinagbabawal ang karne ng baboy sa merkado. Sapilitan na rin ang pagkuha ng awtoridad sa mga karne ng baboy na ibinebenta pa rin ng ilang mga meat vendors…”
Iyon ang narinig ko na sinasabi ng newscaster. May mga sinasabi pa siya, ngunit hindi ko na napakinggan pa nang maayos. Mukhang kahit sa mga hayop ay may problema. Maging sila ay sinasalot na!
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Napailing naman ako kasunod noon.
Habang nakayuko ako. Nakarinig ako ng ingay ng umiiyak na mga baboy, at ang ingay na iyon ay nagmumula sa TV. Iyon naman ang dahilan upang mapatingin ako roon.
Pagtingin ko sa screen ng TV, nakakita ako ng maraming baboy. Lahat sila ay nakalagay sa isang hukay na tila kahuhukay pa lamang. Hindi kalayuan sa mga baboy ay nakakita ako ng dalawang buldozer na inilalaglag sa hukay ang ibang mga baboy.
I don’t know what’s the reason why that TV captured my attention. Just because I heard the cry of those pity pigs? No! May iba akong naramdaman nang marinig ko ang pag-iyak ng mga baboy. Parang may takot at kaba akong naramdaman.
Pinagmasdan ko pa ang ginagawa ng mga buldozer sa mga baboy, tuloy naman ang pagsasalita ng newscaster, ngunit hindi ko na pansin pa iyon dahil natuon ang atensyon ko sa video clip na ipinapakita nila.
Nang maihulog na ng mga buldozer ang lahat ng baboy, nakita ko na may anim na lalaki ang lumapit sa hukay, lahat sila ay may hawak na timba. Ilang saglit lang ay ibinuhos nila sa mga baboy ang laman ng timba.
Ano ang ibinuhos nila?
Kunot-noo na pinagmasadan ko iyon.
Ngunit mayamaya lang ay biglang nagliyab ang mga baboy. Nagsiiyakan ang mga iyon. Nakaririndi sa tainga!
Wala man ako roon, ngunit tila pakiramdam ko ay dinig na dinig ko ang iyakan nila habang nasusunog sila.
Because of what I saw, I made a conclusion in my mind that those six people threw the gasoline to those pity pigs.
Mukhang ang mga baboy na sinunog nila ay infected ng swine flu. Habang pinapanood ko iyon, isang ideya ang sumagi sa isipan ko. Kung ang tao na kaya ang nasa ganoong sitwasyon? At infected na ng isang malalang sakit, ganoon din ba ang gagawin nila? Walang-awa rin ba nilang susunugin hanggang sa mamatay?
I shooked my head to rid-off the negative things in my mind.
Hindi naman siguro.
Huwag naman sana!
Itinuloy ko lang ang panood ko sa TV, baka sakali na malibang ako pansamantala at maialis sandali sa isipan ko ang nangyari. Ngunit maging sa TV yata ay hindi na magaganda pa ang ipinapakita. Pagkatapos ng tungkol sa swine flu, tungkol naman sa lindol ang ibinabalita ngayon. Iba’t ibang video clips ang ipinapakita nila na may kinalaman sa lindol.
Natuon na lang ang atensyon ko sa TV.
Not until.
“Nandyan na ang Inspector!”
I snapped back into reality dahil sa sinabi ng isa sa mga pulis na kasama namin. Napatayo kaagad ako mula sa kinauupuan ko. Ganoon din naman ang ibang pulis na nandoon. Kinabahan na ako lalo dahil nandito na ang Inspector na hinihintay namin. Ang Inspector na siguradong manenermon sa amin dahil sa kapalpakan na ginawa namin.
Pagpasok ng Inspector sa office, sumaludo kaagad kami. Napatingin ako sa mukha niya. Kinabahan ako dahil nakasimangot siya.
Siya si Inspector Mendez. Isa siya sa mga Inspector na kilala ko.
Sa pagkakakilala ko. Namamahiya ang Inspector na ito lalo na kung palpak ang mga tauhan niya. Mukhang mapapahiya ako rito. Bakit naman siya pa ang Inspector na nagpunta rito? Wala na ba talagang iba?
Anyway!
Hindi na mahalaga iyon! Kailangan ko nang harapin ang kapalpakan na ginawa ko.
Lahat kami ay diretso ang tayo habang naglalakad ang Inspector sa harapan namin patungo sa lamesa na nasa right side ko.
“Paki-off ang TV!” inis na sabi ng Inspector.
“Nagawa n’yo pa’ng manood!” dagdag pa niya.
Mukhang sa boses pa lang, galit na galit na siya! Ano pa kaya kapag nanermon na siya?
Nagtungo siya sa lamesa na nasa right side ko. Pagkarating niya roon, hindi kaagad siya kumibo. Katahimikan ang nangibabaw sa loob ng office. Lahat kami ay hindi makatingin ng diretso sa kaniya.
Nakayuko naman ako at kinakabahan.
“Ano’ng nangyari?” pambasag sa katahimikan na tanong ng Inspector.
Naghintay ako na may kumibo sa mga kasama ko, ngunit bigo ako. Wala ni isa sa kanila ang kumibo. Nanatili kaming tahimik.
“Ano’ng nangyari?!” this time, may diin na ang pagkatanong niya.
Bumuntong-hininga ako.
Wala pa rin ni isa ang sumagot.
“Ni isa man lang sa inyo walang magsasalita? O gusto n’yo magturo pa ‘ko?!” said the Inspector.
I could feel the anger within him. The anger that he is trying to control just to make the situation a little bit calm.
Ilang sandali pa ay may isa sa mga kasamahan namin ang nagsalita.
“Inspector… Nakatakas po ang isa sa mga kriminal na hinabol namin kasama ang isang infected. Nakasakay po sila ng kotse…” seryoso, ngunit kinakabahan na turan ng police officer na kasama namin.
“‘Yon lang ang sasabihin n’yo?”
“Isa-isa! Magsalita kayo!” galit na sabi ng Inspector.
My heart sink.
Parang ako binuhusan ng tubig sa sinabi niya. Isa-isa kaming magsasalita tungkol sa nangyari!
“Wala pa ang ibang mga police officers dito ngayon. Mayamaya lang siguro darating na rin sila. Baka paalis pa lang sila ng north harbor ngayon. Pero kakausapin ko na kayo tungkol sa mga nangyari,” sabi pa ng Inspector.
Naglakad siya palayo sa lamesa at nagtungo siya sa harapan namin. Isa-isa niya kaming tiningnan sa mukha.
Sa pagtingin niya sa akin ay hindi ko siya tiningnan sa mga mata. Nakatingin lang ako sa malayo, keeping my eyes away from his.
“PO2 Larson! Magsabi ka nga ng tungkol sa kung ano’ng alam mo!” ma-awtoridad na sabi ni Inspector.
Larson pala ang apelyido ng police officer na nakausap ko noong nasa Katigbak parkway pa kami. Ngayon ko lang nalaman iyon at ngayon ko lang din napansin sa name plate niya.
“Sir, ayon po sa report sa amin. May mga grupo raw po ng mga kriminal ang ilegal na magpapasok ng mga tao rito sa bansa. At ang mga tao na ipapasok nila ay infected ng sakit na kasalukuyang kumakalat ngayon sa iba’t ibang bansa. Nabigla na nga lang po ako nang tumawag sila sa amin dito sa Ermita precinct at nagsabi na kailangan daw nila ng immediate back-up doon sa mga kriminal na hinahabol nila, dahil natakasan daw sila ng mga ito. Sinabihan nila kami na mag-ingat, dahil lulan na ng kotse ang mga kriminal kasama ang mga infected. Iyon pa lang po ang alam ko, Inspector. Pasensya na po,” kalmadong turan ni Larson. Ngunit, mapapansin sa boses niya ang kaba.
Nakita ko na tumango ang Inspector sa sinabi niya. Ngunit mukhang hindi pa rin iyon kuntento sa narinig niya.
Naglakad pa siya ng ilang hakbang. Nasa likod naman niya ang kaniyang mga kamay. Seryoso siya. Para kaming mga suspect na nakasalang sa interrogation dahil sa pagtatanong niya.
Ilang sandali pa ay nagsalita naman ang isa sa dalawang police officer na nakasama ko.
“Inspector Mendez?”
“Yes, PO2 Acuña? You have anything to say?” binalingan ni Inspector nang seryosong titig ang nakasama ko.
Acuña pala ang apelyido niya. I thought
“Inspector Mendez, isa po ako sa mga police officers na humabol sa mga kriminal,” kabadong wika ni PO2 Acuña.
“Yes… I see. Someone told me about that,” sagot ni Inspector. Ngunit kasabay nang pagsagot niya ay sinundan ito ng pag-iling. Mukhang nainis pa siya sa sinabi ng kasamahan namin.
Sinundan ko lang ng tingin ang Inspector, ngunit sa tuwing magagawi ang paningin niya sa direksyon ko ay dali-dali akong umiiwas.
This time, nakatalikod siya sa amin.
“We have an urgent operation near in Pasay. Someone plant an improvised explosive device near in a small food stall. Dahil malapit lang kami roon ay isa na kami sa mga pulis na rumesponde at inilikas kaagad ang mga sibilyan sa lugar, para naman incase na sumabog, hindi na gano’n kadami ang magiging damage at casualties.”
Lumingon siya sa amin.
“But, we have successfully defused it. Walang naging damage. Medyo tumagal nga lang ang operasyon namin dahil marami ang aberya,” he continued.
Kasunod ng kaniyang sinabi ay isang malalim na hininga ang pinakawalan niya.
“That’s the reason why I was not able to go to the north harbor. According to some police officers, hindi na sasapat pa ang oras namin kung pupunta pa kami roon. Halos katatapos lang ng operasyon namin sa Pasay bago ako pumunta rito,” he said.
“We end our operation successfully, but what about yours? Bakit n’yo hinayaang makatakas ang mga kriminal?! Hindi n’yo man lang ba inisip na malaking problema ‘pag nakatakas ang mga ‘yon?!” he exclaimed.
Nagtaas na ang boses niya. Parang kanina lang ay pigil pa, ngunit ngayon ay pabulalas na siyang magsalita.
“PO2 Acuña? Bukod sa ‘yo, sino pa ang kasama mo na humabol sa lintik na mga kriminal na ‘yon?! Magsabi ka ng totoo kundi ikaw malilintikan sa ‘kin!”
Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig sa nadinig ko. Siguradong ako ang isa sa mga iyon.
Siguradong malilintikan ako!
Napatingin ako kay PO2 Acuña na napatingin din sa akin. Mababakas ang kaba sa ekspresyon ng kaniyang mukha.
“Siya po!” turo sa akin ni PO2 Acuña.
Napalunok ako sa kaba.
Lumingon sa akin si Inspector Mendez.
Napakunot-noo siya nang makita ako.
“Mukhang pamilyar ka sa ‘kin, ha? You’re from what precinct?”
“I’m from Makati precinct po, Inspector,” I said.
Pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Ayaw ko na ipakita sa kanila na kinakabahan ako.
“You know Lieutenant Marquez?” he asked.
“Yes, sir.”
Muli siyang napakunot-noo at tila napapaisip habang nakatingin sa akin.
“Pamilyar ka nga sa ‘kin! Isa ka sa mga tauhan ni Tinyente Marquez na lagi niyang ikinukuwento sa akin. I saw you before,” he said.
Tinitigan niya ako.
“So, what happened? Ms. Arcapeña? PO2 Arcapeña?!” may diin niyang tanong.
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya.
Parang may bumara sa lalamunan ko dahilan upang hindi ako makapagsalita.
“Tinyente Marquez is expecting something from you. I think he will be disappointed if he knew what happened about what you did!” panunuya niya.
“Isa ka ba sa mga pumunta sa north harbor?” tanong pa niya.
“Opo.”
“Pa’no ka nakapunta rito?”
“Isa po ako sa humabol do’n sa mga kriminal hanggang sa umabot kami rito.”
“At pagdating n’yo rito? Nakatakas na kaagad sila?!”
“Hindi po! No’ng malapit na kami ng Katigbak parkway ay naharangan na sila ng ibang pulis. Napuruhan din po ng spike trip ang gulong ng sasakyan nila. Hanggang sa natumba po ‘yon,’ paliwanag ko.
“At paano naman sila nakawala?”
“Ang akala po namin ay nasa loob pa sila ng sasakyan, pero po nang tingnan na namin, wala na po sila roon,” sabat naman ng isa pulis na nakasama ko rin na humabol sa kriminal. Nabaling sa kaniya ang tingin ni Inspector Mendez.
“Hindi n’yo man lang ba nakita na nakaalis na sila?!” inis na tanong ni chief.
“Pero, Inspector. Medyo madilim po kase kung nasaan natumba ang sasakyan nila. Hindi rin po kase namin kaagad nilapitan baka bigla na lang po silang umatake sa ‘min,” paliwanag ng nakasama ko.
“‘Pag nagkataon nga naman talaga!” inis na turan ni chief.
Nakita ko na napahawak pa siya sa baba niya.
“Ano’ng nangyari kasunod noon, PO2 Arcapeña?” nabaling muli sa akin ang titig ni chief.
Napatingin naman kaagad ako sa kaniya.
“No’ng nakaalis po sila, nakita sila ng isa sa mga kasama namin kaya hinabol po namin.”
“Hinabol n’yo saan?”
“Hinabol po namin sila hanggang sa umabot kami malapit sa Quirino grandstand.
“Eh, hindi ba’t marami ng tao ro’n?!”
“Ah-eh, opo, Inspector! Marami po ang tao ng oras na ‘yon,” I answered.
“Ba’t n’yo hinayaan na umabot hanggang do’n? Eh, ang dami na ng mga tao ro’n! Hindi ba’t kasama nila ang mga infected? Hindi malayong nakahawa sila ro’n!” bulalas sa akin ni chief.
“Pero, Inspector! Hindi na rin po kase namin sila napigilan! Ang bibilis po kase nilang tumakbo. Hindi na rin po kase namin nasabihan ang publiko baka po kase kapag sinabi namin ‘yon ay magkagulo at mahirapan kami!” paliwanag ko.
Napailing na lang si Inspector Mendez dahil sa sinabi ko.
Maging siya man ang lumagay sa sitwasyon namin, baka ganoon din ang gagawin niya.
We don’t have any choices!
Huli na ang lahat upang sabihan pa ang publiko tungkol doon!
“Hindi n’yo man lang ba naisipan ng paraan para hindi pumunta ro’n ang mga kriminal? Sana inilayo n’yo sila sa mataong lugar hindi ‘yong naghabulan pa kayo kung saan maraming tao!”
“Pero, Inspector Mendez! Ang mga kriminal po mismo ang nagpunta ro’n kaya hindi po namin sila napigilan,” paliwanag naman ni PO2 Larson.
Nadinig ko ang pagbuntong-hininga si Inspector Mendez.
“Ilan nga ang mga kriminal na hinabol n’yo, PO2 Arcapeña?”
I took a deep breath before I decided to answer his question.
“Dalawa po sila, Inspector. Kasama po ang dalawa na ‘yon sa mga kriminal na nandoon sa north harbor. Ang iba po ay naiwan na sa pier no’ng umalis ang dalawang hinabol namin na lulan ng kotse. May kasama rin po sila na dalawang infected,” paliwanag ko.
“Saka nga po pala, Inspector Mendez. Isa po ako sa mga nakasamang humabol ni PO2 Larson sa isang kriminal nang humiwalay ito sa isa pa. Nahuli po ang isa sa dalawang kriminal, Inspector. Habang hinahabol po, malayo pa ay nakita namin na naharangan at na-corner sila ng iba pang mga pulis. Napag-alaman din po na Cornelio Maniliman ang pangalan nito. Isa po siyang retired lieutenant,” sabi naman ng isa sa aming mga kasamahan.
Dahil sa sinabi niya ay napabaling lahat kami sa kaniya, ganoon din si Inspector Mendez.
Mayroon pa lang nahuli sa mga kriminal!
Ang akala ko nakatakas din iyon.
Ngunit mabuti na lang at nahuli. Isang paraan din iyon upang mapagkuhanan ng impormasyon.
Tiningnan ko ang name plate nang nagsalita sa mga kasama namin, ‘Mendoza’ ang apelyido niya.
“Nasa’n na siya ngayon?” tanong kaagad ni Inspector Mendez.
“Naidala na po siya sa interrogation room. Mag-isa lang po siya ro’n. Nakaposas din po ang mga kamay niya. Naka-lock din po ang interrogation room kung sakali man po na magtangka siyang tumakas,” paliwanag ni Mendoza.
“Paano n’yo siya dinala ro’n? Hindi malayong nagkaroon ‘yon ng direct contact sa infected?” tanong ni chief.
“Hindi po ako kasama sa nagdala sa kaniya, Inspector Mendez. May tatlong police officers po ang nagdala sa kaniya. At ang tatlong iyon rin po ang nakahuli sa kaniya. They wore face mask and face shields when they locked that criminal in the interrogation room, Inspector. Nagpauna naman po ang mga health authorities na nakausap namin na dapat ipa-quarantine ang tatlong police officers na humuli para daw po maiwasan na ang further infection,” dinig kong sabi ni Mendoza.
“Saan ang interrogation room na pinagdalhan do’n sa kriminal?” tanong ni Inspector Mendez.
“Dito po sa Ermita.”
“Anak ng!!!”
“Pero, Inspector! Sa likod po nila idinaan. Hindi po idinaan kung nasaan tayo ngayon. Bukod po sa tatlong officers na nakahuli, wala ng ibang pulis ang nagkaroon pa ng direct contact doon sa kriminal. Idinaan po sa likod dahil walang masyadong tao roon,” paliwanag ni Mendoza.
“Bakit dito pa nila dinala?!”
“Inspector, iniiwasan daw po nila na ilayo pa ang kriminal. Ayon po sa mga health authorities, mas maigi na raw po na rito muna dalhin kaysa ilayo pa at baka po makapanghawa pa kung sakali man po na mag-positive ang kriminal lalo na at hindi malayong nagkaroon ‘yon ng direct contact doon sa kasama niyang infected,” paliwanag ni Mendoza.
“Baka naman mahawa tayo niyan dahil dito pa nila dinala ‘yon! Ilang pader lang ang pagitan natin do’n! Baka mahawa tayo!”
“Hindi naman po siguro, Inspector. Nakasara naman po nang maayos ang pinto ng interrogation room. Naka-off naman din po ang aircon para maiwasan ang airborne transmission.”
Napailing na lamang si Inspector Mendez sabay na napakunot-noo.
Sa loob-loob ko, hindi naman kaya kami mahawaan kung sakali man na infected na ang kriminal? Hindi naman siguro, lalo na at hindi naman ganoon kalapit ang office ng Ermita sa mismong interrogation room nila.
“Teka, nasaan na nga pala ang infected na kasama nang nahuli nilang kriminal?” tanong ni Inspector Mendez.
“Patay na po, Inspector. Nabaril po kanina sa ulo ng isa sa tatlong police officers na nakahuli sa kriminal.”
“Sinadya ba nilang barilin?”
“Hindi po. Nagtangka lang daw po na manlaban ang infected kaya nagawa nila ‘yon.”
“May armas ba ang infected?”
“Wala po, Inspector.”
“Anak ng!!!”
“Bakit nila binaril? Eh, wala naman pa lang baril or armas ang infected?” bulalas ni Inspector Mendez sa kasama namin.
“Pasensya na po, pero hindi na po nila sinabi pa sa amin ang dahilan kung bakit nila nagawa ‘yon,” kalmadong paliwanag ni Mendoza.
Nakita ko na napailing na lang si Inspector Mendez dahil doon.
“Malaking problema ‘to!” inis na sabi ni Inspector Mendez.
“Ikaw pa PO2 Arcapeña! Saka ang mga nakasama mo!” baling sa akin ni Inspector Mendez.
Napayuko naman ako.
“Problema ang nagawa n’yo! I know hindi n’yo ginusto. Wala namang may gusto sa nangyari. But it already happened!” dagdag pa niya.
“PO2 Arcapeña!”
Muli naman akong napatingin sa kaniya.
“Inspector?”
“No’ng hinahabol n’yo sila, may mga tao ba na nagkaroon ng close contact lalo na sa mga infected?” seryosong tanong niya.
Nilunok ko naman ang tila bumabara sa lalamunan ko bago ako nagsalita.
Bahagya ulit akong napayuko.
“Opo, Inspector. May instances din po na nakikipagsiksikan sila sa mga tao no’ng hinahabol namin,” disappointed na paliwanag ko.
“Saka nga po pala, Inspector Mendez. Nagkaputukan din po ng baril kanina kaya nagtakbuhan ang mga sibilyan,” singit ni PO2 Larson.
“Tingnan n’yo! Kung minamalas nga naman!”
Sa paglakad ni Inspector Mendez, sinundan naman namin siya ng tingin. Napasilip siya sa bintana. Natatanaw ang ilang mga gusali sa lungsod ng Maynila.
“Kapag kumalat na sa media ang tungkol dito, malilintikan tayo, lalo na kayo! Baka masibak pa kayo sa serbisyo dahil sa malaking kapalpakan na ginagawa n’yo!” panenermon niya.
“Nakalagay na sa peligro ang kapwa natin mga Pilipino, maging tayo! Gaya ng sabi n’yo, may mga nagkaroon ng close contact lalo na sa mga infected.”
Kasunood ng sinabi niya ay lumingon siya sa amin. Nakalagay naman sa likod ang kaniyang mga kamay.
“The disease just got entered into our country, after what happened, we don’t know what lies ahead,” disappointed na sabi niya.
“To sum up everything. Dalawa ang kriminal na hinabol n’yo. Nahuli ang isa at patay naman ang kasama nitong infected. Nakatakas naman ang isa kasama ang isa pang infected, tama ba?”
“Opo, Inspector,” sagot ko.
Pagkatapos noon ay nangibabaw ang katahimikan na kaagad naman na nawala nang may biglang dumating.
“PO2 Suarez? Ano at nandito ka?” dinig ko na nabiglang tanong ni Inspector Mendez sa dumating.
Napatingin naman kaagad kami sa kausap niya.
“Inspector, may natanggap po kaming report!” hinihingal pa na sabi noong si PO2 Suarez.
“Ano ‘yon?”
“Inspector Mendez, hinarang at pinagbabaril po ang mga pulis na nakahuli sa ibang kriminal na nahuli sa north harbor! Patay po lahat ang mga pulis na lulan ng kotse. Nakatakas naman po ang mga kriminal!”
Nangilabot ako sa narinig ko.

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now