28th Chronicle / Code Red

69 3 1
                                    

Sa pagtulo ng mga luha ang paghikbi ang siyang kasabay. Mga luha na simbolo ng labis na lungkot at pangungulila. Mga luha na dulot ng isang hindi inaasahang trahedya.

Lumuluhang pinagmamasdan ni Sarah ang duguang bangkay ni Mackenzie. Hindi pa rin lubos na maasimila ng kaniyang isipan ang mga pangyayari. Tulala pa rin siya at tila halos ayaw man lang gumalaw mula sa kaniyang kinalalagyan.

Kagaya ng sitwasyon ni Sarah ay ganoon rin si Diana. Pinaglalamayan na rin nito ang kaniyang walang-buhay na kapatid habang hinihimas naman ni Jared ang kaniyang likod na kagaya niya ay nabigla rin sa pangyayari.

Nilapitan naman nina Philip at Thea si Sarah sa kinalalagyan nito. Marahang napaupo si Philip at hinawakan ang kanang braso ni Sarah. Si Thea naman ay nagtungo sa harapan ni Sarah.

"Sarah..." malumanay na wika ni Philip.

Pagkarinig ng tinig na iyon ay marahang napa-angat ng titig si Sarah kasabay ang kaniyang nagluluhang mga mata.

"Philip?" hindi makapaniwalang wika niya nang makita ang mukha ng kausap.

Kasunod noon ay napatingin siya sa babaeng nasa harapan niya, walang iba kundi si Thea. Dahil naman doon ay napakunot-noo siya.

"Thea?" hindi makapaniwalang turan niya.

Hindi naman na sila nagtagal sa ganoong eksena nang lapitan sila ng mga sundalong kasama nina Chief Esclito at Heneral Janver. Nakasuot ang mga iyon ng viroguard suit at saka ng face mask.

"Ano'ng gagawin n'yo?" naluluhang tanong ni Sarah sa mga iyon.

"Kailangan nang kunin ang bangkay para ma-cremate na at maiwasan ang further contamination!" ma-awtoridad na sagot ng isang sundalo.

Masakit man sa pakiramdam ngunit hindi naman na tumutol pa si Sarah. Marahan siyang napa-atras sa kaniyang kinalalagyan at hinayaan ang mga sundalo na kuhanin ang bangkay ni Mackenzie. Naluluha niyang pinagmamasdan habang kinukuha ang bangkay ng kasama.

Kinuha na rin ng mga sundalo ang bangkay ni Steven. Hindi naman halos huminto si Diana sa pag-iyak dahil sa pagkamatay ng kaniyang kaisa-isang kapatid. Hindi naman siya binitiwan ni Jared na kagaya niya ay umiiyak na rin. Malungkot ito para sa kaniya.

******

Samantala, tulalang pinagmamasdan ni mayor Carla ang mga naging eksena. Hindi rin siya makapaniwala sa mabilisang pangyayari. Hindi siya makapaniwala lalo na sa kaniyang mga narinig tungkol kina Clyde at Mackenzie.

"Mayor?"

Pinutol ng boses na iyon ang kaniyang pagkatulala kaya naman napalingon siya. Pagkalingon niya ay bumungad sa kaniya sina Chief Esclito at Heneral Janver na alam niyang kanina pa naroon.

"Bakit?" walang-ganang tugon niya.

"May masamang balita po, mayor!" tugon ni Heneral Janver.

Dahil sa narinig ay tila nabuhayan ang alkalde at sumilay sa kaniyang mukha ang takot at pangamba.

"Ano?!" kabadong tanong ng alkalde.

"May iilang mga bangkay po ang namataan sa ilang distrito. Napatay naman po sila ng mga sundalo natin. Kaso ang ipinagtataka po namin ay halos sila ay wala naman bakas ng kagat ng bangkay," paliwanag ni Heneral Janver.

"Huh?! Pa'no naman nangyari 'yon? Pa'no sila naging bangkay kung hindi naman sila nakagat? Teka! Baka naman may sakit sila?!"

"Mayor? Ayon po sa mga kaanak nila ay maayos naman po sila. Pero bago sila naging bangkay ay nilagnat daw po ng ilang araw," paliwanag pa ni Heneral Janver.

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now