25th Chronicle / The City Limits

37 2 0
                                    

Sarah Lueldez 

 7:30 PM / The City of Cenchrea

Marahan kong iminulat ang aking mga mata dahil sa liwanag na aking naaninag. Sa pagmulat ay napagtanto kong nakahiga ako. Napagtanto ko rin na may suot akong face mask. Nakita ko naman ang ilaw na sumisilaw sa akin. Dahil doon ay kaagad akong napaupo sa aking kinahihigaan. Pagkaupo ay nakita kong isang stretcher pala ang aking kinalalagyan. Napamasid ako sa paligid. Napagtanto kong nasa loob ako ng isang military tent. Malinis sa loob. May ilang kagamitang medical akong nakita roon.

Napalingon ako at mula sa likuran ko ay nakita ko pa ang isang stretcher. Sa stretcher na iyon ay nakita kong nakahiga si Mackenzie at tulog pa, kagaya ko ay mas suot din siyang face mask. Ngunit isang bagay ang napansin ko, tila nagbago ang tela na nakapiring sa kaniya, mukhang napalitan iyon dahil malinis.

Teka? Nandito na ba kami sa lugar na narinig namin sa radyo kanina? Ito na ba iyon? Napalinga-linga pa ako sa paligid at napalingon ako sa papasok sa tent ng iniluwal niyon ang isang babaeng nakaputi. Kagaya ko ay nakasuot din siya ng face mask, mukha siyang isang nars.

"Gising ka na pala," bungad niya.

Kahit na naka-mask ay pansin ko na nakangiti siya base sa tono ng pananalita niya.

"Kumusta ka na?" tanong pa niya.

Umupo naman siya sa tabi ko dahilan upang dumistansya ako sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala. Isa akong nurse dito. Isa ako sa mga nurse na nagtest sa inyo kanina kung hindi ba kayo infected ng Neoflu40."

Napakunot-noo ako dahil sa aking narinig.

"Neoflu40?" takang-tanong ko.

Napatango naman siya.

"Tama! Neoflu40. Iyan ang proposed name ng mga American scientist sa kumakalat na sakit na dulot ng virus. Proposed na nila 'yan bago pa magsimula ang kaguluhan, ngunit kakaunti lang ang nakaaalam noon. Ipinaalam na lang sa 'min ng LGU namin dahil alam na nila," marahang paliwanag niya.

"At kung hindi mo maitatanong, balak pa lang nila noong ipaalam sa publiko ang pangalan ng virus kaso hindi na natuloy dahil sa kaguluhan," dagdag pa niya.

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Malamang ay hindi talaga ako aware na may pangalan na pala ang sakit na iyon. Wala rin kaseng sinabi sa akin si Cristal tungkol doon. Ngunit base na rin sa sinabi nurse, ay kakaunti lang ang nakaaalam noon.

"Teka! Nasa'n ako?" pag-iiba ko ng usapan.

Base sa ekspresyon ng mukha ng nars sa tingin ko ay napangiti siya.

"Why don't you see for yourself!" sabi niya sa ganadong tono.

Kasunod noon ay tumayo siya. Sinundan ko naman siya hanggang sa makalabas kami ng tent. Pagkalabas ko ng tent ay sumalubong sa akin ang madilim na kalangitan. Gabi na pala! Hindi ko man lang malalaman kung hindi ako lumabas ng tent.

Sa aking paglabas ay napagtanto kong nasa rooftop pala kami ng isang gusali. May mga nakita akong iilang sundalo sa labas ng tent, kagaya ko ay nakasuot din sila ng face mask. May mga dala naman silang baril habang nakatayo at nagbabantay.

Sa akin pang pagmamasid ay natanaw ko ang kabuuan ng lungsod.

"Ito na ba 'yon?" manghang tanong ko habang tinitingnan iyon.

"Oo. Ito na 'yon. Welcome to Cenchrea!" maligayang bati sa akin ng nars na nasa aking kanang likuran.

Hindi ko na siya nilingon pa. Pinagmasdsan ko ang kabuuan ng lungsod. Dahil gabi na ay medyo madilim na. Iilang ilaw lang mula sa lungsod ang nakita kong nakabukas lalo na ang mga lamppost sa kalsada. Ngunit sa ngayon, isa lang ang masasabi ko, ang ganda! Kahit na medyo madilim ay mapapansin mo ang kalinisan ng lugar. Tahimik, maayos, mapayapa, at higit sa lahat ay walang mga bangkay!

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now