3rd Chronicle / A Hazardous Task

99 5 0
                                    

Thea Arcapeña

Iba't ibang liwanag. Nagtataasang mga gusali. Hile-hilerang mga puno. Iba't ibang mga sasakyan. Mga taong palakad-lakad sa city streets. Iyan ang mga nakikita ko habang binabaybay ang kalsada ng Roxas Boulevard patungo sa north harbor.


Sa mga oras na ito ay pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko. Kinakabahan kase ako sa gagawin namin.


Paano na lang kung hindi namin mapigilan iyon? Ano na lang kaya ang mangyayari?


Paano na lang kung matakasan nila kami?


I shooked my head to stop the negative thinking that run in my mind. Hindi naman ganoon kalamig ang panahon pero parang nilalamig ako dahil sa kaba. Diretso lang din ang tingin ko sa kahabaan ng kalsada. Mahigpit din ang hawak ko sa manibela ng kotse. Dahil sa pagmamadali ko at nag-aalala kung ano na lang ang mangyayari, hindi ko namalayan na matulin pala ang takbo ng sasakyan ko.


Hindi ko rin kase maialis sa sarili ko ang kabahan lalo na at nakasalalay sa gagawin namin ang kaligtasan ng buong bansa. Isang maling galaw lang namin ay malalagay sa peligro ang maraming buhay.


I think, my situation right now is like I'm living my life in the fast lane. A very hazardous task was assigned to my colleagues and me. Nakataya rin ang kaligtasan namin dito sapagkat mga taong infected ang makakaharap namin. Maaari kaming mahawa ng dala nilang sakit!


Ngunit, teka! Nakalimutan kong magdala man lang ng proteksiyon para sa sarili ko! Ni face mask man ay hindi ako nakapagdala! Bakit kung kailan naman nasa biyahe na ako ay saka ko lang maalala? Palpak na naman ako! Alam ko ng may kinalaman sa sakit ang mga taong makakaharap ko ay hindi ko man lang naisipang magdala ng kahit na anomang proteksiyon sa katawan laban sa sakit na iyon. Wala naman akong alam na pharmacy sa dadaanan ko para makabili man lang kahit isang surgical mask.


Malapit na ako sa M. Roxas flyover patawid ng Pasig river. Malapit-lapit na ako sa pier. Naka-antabay lang ako sa GPS ng cellphone ko para naman hindi ako lumagpas sa meet-up place na sinabi sa akin ni Erick.


Marami pa ring tao sa kalsada. Hindi nila alintana ang isang suliranin na magaganap ngayon sa north harbor. Wala silang kamalay-malay sa isang peligrong naka-abang. Hindi rin naman puwedeng sabihin na namin ito sa kanila dahil baka magkagulo naman sa mga main roads at mahirapan kami na makapunta roon. Kung ipapaalam namin kaagad ito sa publiko ay baka mag-panic ang maraming tao at sumabay pa sila sa problema.


Napapaisip ako kung may kosensya pa ba ang mga taong gagawa noon. Alam pa ba nila ang ikinikilos nila? Hindi man lang ba nila inisip ang maaaring mangyari kapag kumalat ang sakit na iyon sa Pilipinas? Hindi lang naman isa ang mape-perwisyo kundi ang buong bansa maging sila! Kung sino man sila, tiyak na mananagot sila sa gagawin nila.


Kasalukuyan akong padaan ng Delpan bridge nang makita ko ang Delpan police station. Maraming pulis sa labas ng stasyon. May mga patrol cars din akong nakita at iilang mga response cars. Nakita kong naka-face mask lahat ang mga pulis na nandoon sa harapan ng Delpan police station. At ang iba sa kanila ay naka-face shield pa! Mukhang may pinaghahandaan din sila! Mukhang nasabihan din sila ng tungkol doon sa north harbor.


Pababa na ako ng M. Roxas flyover at patungo na ako sa radial road 10. Nakikita ko sa GPS ko na halos malapit na ako sa north harbor. Natatanaw ko na rin ang ilang naglalaking mga container vans.


Sa ilan pang sandali ay nakita ko na ang buong Manila north harbor, ngunit madilim doon. Mukhang doon nga naisipan ng mga kriminal na gawin iyon lalo na at gabi ngayon at madilim doon. Linggo ngayon kaya siguradong wala masyadong tao sa pier.


Habang binabaybay ko ang kalsada ay nakakita pa ako ng ilang mga police cars na patungo rin sa pupuntahan ko. Kasama rin siguro ang mga ito sa nakaaalam tungkol doon.

Quarantine ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon