15th Chronicle / The Information

22 2 0
                                    

Thea Arcapeña

7:00 AM / January 27, 2040

Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ko at nagbibiyahe papunta sa presinto ng Pasay. Tinawagan kase ako kanina ni Tenyente Marquez habang nasa presinto ako ng Makati at sinabi niya na kailangan kong magpunta roon dahil kakausapin namin ang asawa ng isa sa mga kriminal. Ako rin daw ang naisipan niyang isama dahil alam niya na may alam daw ako tungkol sa nangyari sa north harbor. As I pave my way to the precinct in this regular day, I wore my uniform as a policewoman.
Kasalukuyan naman akong nakikinig ng radyo habang nagmamaneho. Sa pagkakataong ito, isang flash news ang narinig ko.

"...ayon sa mga isinagawang pag-aaral at obserbasyon ng mga siyentipiko, apektado rin ng kumakalat na sakit ang ilan sa mga hayop gaya ng; baboy, kabayo, aso, pusa, at ilang species ng ibon gaya ng manok..."

Sa panahon ngayon, hindi na bago sa akin ang ganiyang balita. Pero tila yata karagdagang impormasyon na naman ang inilabas nila ngayon. Apektado na rin ng kumakalat na sakit ang ilan sa mga hayop? Grabe! Ang tindi naman ng sakit na iyon! Hindi ko alam kung saan nga ba nanggaling ang sakit na iyon. Bigla na lamang sumulpot nang napakabilis. Bago pa man magkaroon ng imported case dito sa Pilipinas, ipinalalabas na sa balita ang tungkol sa sakit na iyon. Hindi nga lang ganoon ka-detalye ang inilalabas nila dahil maging ang mga doktor na nagbibigay impormasyon sa mga media ay kulang pa rin ng pag-aaral tungkol sa sakit na iyon.
Another thing that came into my mind, hindi kaya makaapekto sa mga karneng ibinebenta sa merkado ang sakit na iyon? Gaya ng karne ng baboy at manok? Siguradong magkakaroon iyon epekto.
Napailing na lang ako at saka sinubukang alisin sa isipan ang mga bagay na gumugulo rito. But I can't.
Sumagi pa sa isipan ko ang nangyari sa squatter area na malapit sa north harbor. I heard a news about what happened to that place and to those people who lives in it. Sa totoo lang, kawawa ang mga tao dahil sa nangyari. Despite the fact that one of them was infected with the disease, those poor people living in that area were oppresed because of their standing in the society. Base pa sa balita, hindi naging maayos ang pakikitungo sa kanila ng mga militar. Sa kasamaang palad, nauwi pa sa malagim na krimen ang pangyayaring iyon. Naawa rin ako sa mag-asawang Rimeños na idinala sa ospital dahil infected ang lalaki. Nabangga naman ng sasakyan ang babae na naging sanhi ng pagkamatay nito dahil sa tangkang pagtakas nito sa ospital. All those happened because of a tiny living creature, the virus.
Kung walang virus, mapayapa sanang namumuhay ang mga tao roon, pero hindi. Kung sino pa ang mahihirap, sila pa ang kadalasang tinatamaan ng sakit.
I shook my head.
Ayaw ko nang isipan pa ang mga iyon. Puro na lang negative thinking ang nasa isip ko simula nang mangyari ang sa north harbor. Ewan ko ba, sana hindi na lang ako pumunta pa roon. Sana pinanindigan ko na lang ang sinabi ko noong gabing iyon na out muna ako sa social media upang ipahinga rin ang sarili ko dahil sa sandamakmak na paper works sa presinto. Ngunit wala, nasa huli talaga ang pagsisisi.
Habang sumasagi ang mga iyon sa isipan ko, namalayan ko na lang na nasa tapat na pala ako ng presinto ng Pasay. Inihinto ko naman ang sasakyan at saka bumaba.
Pumasok kaagad ako sa presinto. And seemingly I catched their attention. Lahat sila napatingin sa akin. May iilang pulis akong nakita sa loob. Ang iba ay nasa help desk habang ang iba naman ay tila may pinagkakaabalahan, and one of them ay si Tenyente Marquez.
"Thea! Nandito ka na pala!" bungad niya.
I heaved a long sigh.
"Pasenya na po, Tenyente kung natagalan."
Bahagya naman siyang napangisi.
"Ayos lang! Sa totoo nga niyan, may hinahanap pa kaming mga audio files. Kailangan lang kase ang mga 'yon," he said while motioning his right thumb to a desktop computer na malapit sa help desk.
Napatingin naman ako sa itinuturo niya.
"Saka nga pala, Thea. Makakausap natin ngayon ang asawa ni Mathias Coliado."
Napatango naman ako habang papaupo sa isang monobloc chair.
"Nabanggit n'yo nga po sa 'kin kanina."
Tumikhim naman siya.
He sat on a monobloc chair meter away from mine.
"Nasaan nga po pala ang asawa ni Mathias?" tanong ko.
"Nasa loob siya interrogation room."
"Teka, bakit po nandoon siya?"
"Doon din kase natin siya kakausapin at kukuhanan ng iba pang impormasyon. Ire-record din kase iyon via video recorder bilang ebidensya. Magagamit din kase natin 'yon kapag nahuli na natin ang mga salarin."
I nod from what he said. Maganda na rin kase ang may ebidensya. Saka isa pa, asawa mismo ng isa sa mga salarin ang nagsumbong.
"Saka nga pala, Thea. Alam mo na ba ang balita tungkol sa nangyari do'n sa squatter area? 'Yung malapit sa north harbor?" pag-iiba niya ng usapan.
Napatango ako.
"Ah, opo! Narinig ko po sa balita ang tungkol do'n."
"Marami raw ang nakatakas, eh..." he said and then he trailed-off.
"Infected ang iba sa mga nakatakas. Hindi malayong nahawaan 'yon ng lalaking dinala nila sa ospital ilang araw na ang nakaraan," sabi pa ni Tenyente Marquez habang pinakikinggan ko siya.
"Hindi po malayong maikalat lalo nila ang sakit..." tugon ko habang palinga-linga sa paligid.
"Iyon na nga, eh! Ang bilis pa naman kumalat ng sakit. Hindi ba ilang araw lang ang mga pagitan nang kumalat din 'yon sa ibang bansa? Halos walang isang buwan marami na sa mga bansa ang nag-lockdown dahil sa sakit na 'yon. Isa pa, hindi malayong matulad din ang Pilipinas sa mga 'yon kung hindi mate-trace ang mga nakawala. Siguradong nakapanghawa na ang mga 'yon."
Hindi na ako nakakibo pa sa sinabi ni Tenyente Marquez. Tumikhim na lang ako habang sinusubukan na i-sink in lahat sa utak ko ang mga sinabi niya.
"Tenyente! Okay na po ang mga audio files."
Napatingin naman kami doon sa police officer.
"Ayos na? P'wede na 'yan? 'Yan ba ang ipinapahanap ko?" dinig kong tanong ni Tenyente Marquez habang naglalakad siya palapit sa kausap niya.
I sighed.
Nasa isipan ko pa rin ang mga sinabi niya. Base na rin kase sa mga narinig ko sa balita, tama ang mga sinabi niya. Hindi ko rin maialis sa isip ko na 'paano kung kumalat na ang sakit na iyon? Ano na ang mangyayari?' siguradong maraming Pilipino ang kawawa kapag nangyari iyon.
"Thea? Tara na sa loob," tawag sa akin ni Tenyente Marquez.
Napatingin naman ako sa kaniya.
"Saan po?"
"Sa interrogation room. Nandoon din kase sina Chief Alejes at Inspector Mendez."
Wait? What? Nandito rin sila? Bakit ngayon lang nabanggit ni Tenyente iyon?
Anyway!
Hindi naman na mahalaga pa iyon.
Dali-dali akong tumayo at saka sumunod sa kaniya kasama ang iba pang police officers. Habang naglalakad kami sa corridor, napansin ko na may dalang camera at audio recorder ang dalawa sa aming mga kasama. Anim lahat kami.
Pagkabukas sa pinto ng interrogation room, bumungad sa amin ang isang buntis na babae. Nakaupo siya sa isang monobloc chair habang nakaharap sa isang mesa. Nakita ko rin sina Chief Alejes at Inspector Mendez sa loob.
Pagkapasok ay napansin ko kaagad ang dim light ng silid. Talagang interrogation room nga ito na kadalasang nakikita sa criminal case movies.
"Thea? Siya nga pala si Lisa Coliado, ang asawa ni Mathias Coliado."
Itinuro sa akin ni Tenyente Marquez ang babaeng nakita ko. Siya pala ang asawa ni Mathias.
Nginitian ko naman si Lisa at ganoon din siya sa akin.
After a few moments, nakita kong nag-set-up na ng camera at audio recorder ang mga kasama namin. Meter away from us ay si Lisa. Nakaupo pa rin siya. Sa kaniya nakatuon ang camera.
"Recording begin in three...two... and one!" si Chief Alejes.
"Ano kase ang pangalan mo? Maaari mo bang sabihin bilang recorded evidence?" dinig kong tanong ni Inspector Mendez kay Lisa.
Bago nagsalita ay napansin kong kinabahan si Lisa. Nahahalata ko iyon sa mga mata niya.
As the recording goes on, lahat kami ay nasa likod ng camera bukod kay Lisa.
"Ako nga po pala si Lisa Coliado. Asawa ko po si Mathias Coliado..."
"Lisa? Bukod sa mga sinabi mo sa amin dati. Ano pa ba ang nadinig mo sa usapan ng asawa mo at ng mga kasama niya? May narinig ka bang pupuntahan nila kung sakalin man na magtago sila?" seryosong tanong ni Inspector Mendez.
Sa tingin ko, gumagana na naman ang pagiging matanong ni Inspector Mendez gaya ng ginawa niya sa amin noong nasa presinto kami ng Ermita.
"W-wala po akong narinig na gano'n sa usapan nila, eh."
"Ilang araw mo na rin bang naririnig na may kausap ang asawa mo tungkol sa bagay na 'yon?" tanong pa ni Inspector Mendez.
"M-mahigit isang linggo na po..."
"Kung hindi pa nga po ako nagkakamali, narinig ko po na Cornelio ang pangalan ng kausap ng asawa ko..." dagdag pa ni Lisa.
"Saka isa pa po. Minsan, may narinig din po ako sa usapan nila na may papatay na sa mga taga-PCG sa oras na gagawin nila 'yon para hindi sila mahuli..." dagdag pa ni Lisa.
Dahil sa sinabi niya ay napaisip kami. Pinaghandaan talaga ng mga gumawa nito ang balak nila.
"Bukod pa du'n sa tawag na natanggap namin na may pumatay raw sa mga naka-duty sa PCG ng mga oras na iyon, isang kumpirmasyon at ebidensya rin ang sinabi ni Lisa nang hingan siya ng impormasyon ng mga pulis na naka-duty sa presinto ng Pasay bago ang kaganapan sa pier. Nabanggit na rin kase ni Lisa sa mga pulis ng Pasay ang tungkol sa PCG," paliwanag ni Tenyente Marquez. Dahilan naman upang mapatingin lahat kami sa kaniya.
Kasunod noon ay bumaling ulit kami kay Lisa.
"Lisa? Narinig mo ba kung sino ang nag-utos sa asawa mo at sa mga kasama niya na gawin 'yon?" madiing tanong ni Inspector Mendez.
Nakita ko naman na napailing si Lisa.
"W-wala po akong narinig, eh."
"Sigurado ka?"
"O-opo!"
"Hindi ba 'yung Cornelio na kausap niya ang ang-utos sa kanila nu'n?" mariing tanong ni Inspector Mendez.
"H-hindi po, eh. Saka base po kase sa mga narinig ko, kasama niya rin 'yung Cornelio. Narinig ko po kase na pati 'yung Cornelio ay babayaran lang din. Ang narinig ko po kase sa usapan nila ay babayaran sila ng malaking halaga basta gawin lang nila 'yon."
Dahil sa sinabi ni Lisa, nagkatinginan kaming mga pulis na kasama niya. Tila napapaisip sa impormasyon na sinabi niya.
Nadinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Chief Alejes.
"Kailangan nating pumunta sa presinto ng Ermita. Kailangan din nating makausap 'yung Cornelio," seryosong sabi sa amin ni Chief Alejes.

Quarantine ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon