2nd Chronicle / The City Of Makati

132 6 0
                                    

Thea Arcapeña

January 22, 2040

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Pagmulat ng mga mata ko, puting kisame kaagad ang bumungad sa akin. Napaupo ako at napasalo sa ulo ko. Napabuntong-hininga naman at napahilamos sa mukha ko. Nang tingnan ko ang alam clock ko ay nakita ko na nasa alas-siyete na ng gabi. Oo nga pala! Natulog ako kaninang alas-tres ng hapon dahil sa sakit ng ulo ko sanhi ng mga paper works sa presinto na tinapos ko.


Habang nakaupo pa sa kama, nakita ko naman ang cellphone ko na nakapatong sa isang lamesa sa right side ng kama ko. Kinuha ko iyon at saka tiningnan. Nakita ko na marami akong missed calls at unread messages. But I decided na huwag na munang buksan ang mga unread messages. Baka mamaya kase sakit na naman sa ulo iyon! Baka kase nagtext na naman si Tinyente at may pinapagawa na naman. Hindi lang naman ako ang police officer sa presinto pero halos sa akin niya iniaatang ang mga paper works sa presinto. Mga paper works na naglalaman ng mga kaso at file of complains.


Whatever!


Binitiwan ko ang cellphone ko sa kama at saka ako tumayo. Saka ko na sasagutin ang mga unread messages na iyan kapag hindi na ako tinatamad.


Buti na lang at hindi na masakit ang ulo ko. Kung hindi, baka bad trip na naman ako ngayon. Nagtungo ako sa kitchen at saka dumiretso sa sink upang maghilamos.


Nakatira ako rito sa apartment ko here in Makati. Almost five months na rin akong nagre-rent dahil na-assign ako sa isang sub-precinct dito. Nakatira talaga ako sa Malabon kaso ayaw ko kase ang malayuang biyahe sa araw-araw. Mas prefer ko ang malapitan lang. Ma-late man ako sa trabaho, atleast hindi ako ganoon kalayo.


I snapped back into reality nang marinig ko na nag-ring ang cellphone ko.


The heck!


Sino na naman kayo iyon?


Ano na naman kaya ang kailangan?


Dali-dali akong nagpunas ng mukha upang puntahan iyon at sagutin kung sino man ang tumatawag. Ngunit, bago ko pa man malapitan ang phone ko, huminto na iyon sa pag-ring. Natagalan yata kaya ibinaba na. Kinuha ko pa rin ang phone ko at saka tiningnan iyon. Pagka-open ko, nakita ko kaagad na may isa pang nag-text sa akin. Nag-pop-up pa ang message niya.



A message from Efren...



Hi, Thea! I bought caramel cappuccino at saka chicken nachos nga pala for you. I also put a newspaper din. I know you like reading a newspaper while having a cup of coffee. Inilagay ko iyon doon sa balcony. Knowing na roon ka lagi tumatambay. Pumasok nga pala ako sa apartment mo kanina kaso nakita ko na tulog ka pa. So, I decided not to disturb you. I saw that your clock was set into alarm at seven o'clock pm. Around six forty ako pumunta diyan. So, ilang sandali lang magigising ka na kaya hindi na kita ginising pa.



I smiled after reading Efren's message.


Nag-reply naman ako ng 'Thank you' sa kaniya.


He's my boyfriend. Almost three years na rin ang relasyon namin. Gaya ko, isa rin siyang police officer, pero hindi kami magkasama sa iisang presinto.


I check the time on my phone.


Its 7:15 pm!


So, it means kani-kanina lang din siya dumating. He knows the passcode of my apartment kaya naman nakapasok din siya kanina. Sa kaniya ko lang ipinaalam ang passcode ko.


I immediately ran toward my apartment's balcony. When I arrived there, I saw a white plastic on the table. I opened it and I saw one cup of caramel cappuccino and one serving of chicken nachos put in a styrofoam microwave. I also saw the newspaper he mentioned in his text message.

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now