21st Chronicle / Help!

19 1 0
                                    

9:32 PM / February 26, 2040
                     
Pag-Asa Subdivision, Angeles City, Pampanga 

Julia Mory

Madilim ang loob ng bahay sa kadahilanang wala kaming kuryente. Ilang araw na rin na ganito ang aming sitwasyon. Nasa loob kami ngayon ng kusina. Kasama ko sina mama at papa. Kami lang tatlo ang magkakasama ngayon dahil wala si ate. Nakaupo kami ngayon at nakaharap sa isang bilog na mesa habang may isang kandila naman ang nakatirik sa gitna nito. Tulala lahat kami. Walang nagsasalita o ni imik man lang. Tila dinig kung mahulog ang karayom dahil sa sobrang katahimikan.

           Sa harapan ko ay si nanay Madel. Umiiyak siya dahil inaalala niya si ate na hanggang sa ngayon ay nasa Maynila pa rin at wala kaming balita kung ligtas ba siya. Mahigit isang buwan na rin kase siyang hindi umuuwi sa amin.

           Ano ba kase ang nangyayari? Noong una, ang alam namin ay isang sakit lamang ito ngunit, hindi namin inakala na aabot iyon sa ganito. Ang alam namin ay patay na ngunit, bakit nagawa pa ring mabuhay at maglakad? Ang nakakatakot pa ay kumakain sila ng tao!

          Si tatay ay tulala lang din at tila nakatingin sa kawalan habang dinig niya ang paghikbi ni nanay.

           “Bakit nagawa nila ‘yon? Hindi man lang ba nila inisip ang mga taong nasa lungsod pa?” 

Napa-angat ako ng tingin dahil sa sinabi ni tatay. Diretso lang ang tingin niya sa mesa at tila wala sa sarili.

           Napabuntong-hininga ako.

           Hindi ako makapagsalita dahil wala rin naman akong magagawa sa sitwasyon namin ngayon. Hindi kami maaaring lumabas, dahil sa oras na lumabas kami, nakataya ang buhay namin. Baka atakihin kami ng mga bangkay. Nakakatakot sila! Mapupula ang kanilang mga mata, duguan, tapos naaagnas ang balat! Ewan ko ba! Totoo ba talaga itong nangyayari? Paano nagawang mabuhay ng mga taong alam namin ay patay na? Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin talaga kami makapaniwala. Isa pa rin itong palaisipan para sa amin!

          “Bakit nila nagawang bombahin ang buong lungsod nang hindi man lang iniisip na maraming tao ang maaaring mamatay sa ginawa nila?”

           Napatingin ulit ako kay tatay dahil sa sinabi niya. Pero this time, napansin ko ang luhang nangingilid sa mga mata niya.

           Napapikit ako dahil naramdaman ko rin ang luha sa mga mata ko. 

‘Ate Mackenzie, nasa’n ka na ba kase? Bakit hindi ka pa umuwi? Kung nasaan ka man ngayon, sana naman ay ligtas ka. Nag-aalala kami sa iyo lalo na sina mama’t papa. Sana kung nasaan ka man ngayon, dalangin ko ay ligtas ka,’ sabi ko sa aking isipan.

“Ang mahirap pa, hindi ito ipinaalam ng gobyerno sa atin. Nag-quarantine sila sa buong lungsod para makulong ang mga tao. Mga wala silang puso! Naging makasarili sila!” dagdag pa ni tatay.

           “Nakaligtas kaya ang anak natin, Norlito?” dinig kong tanong ni Mama. 

Napatingin ako sa kaniya. Nakita ko na nanginginig ang dalawa niyang kamay habang hawak niya ang isang rosaryo.

           “Hindi natin alam, Madel. Pero sana kung nasaan man siya ngayon, sana naman ligtas siya.”

         “Bakit kaya hindi natin siya subukang puntahan kung saan siya tumutuloy ngayon? May sasakyan din naman tayo?”

           “Nababaliw ka na ba, Madel? Delikado kung lalabas tayo ng bahay! Alam mo naman siguro kung ano ang nakaabang sa ‘tin sa oras na lumabas tayo, ‘di ba?”

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now