9th Chronicle / The Virus Profile

35 2 0
                                    

Thea Arcapeña

Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras ni Efren kaya nagtungo na kaagad kami sa Makati precinct kung saan ako naka-destino. Nakasakay kami ngayon sa kotse niya. I’m sitting on the passenger’s seat, habang siya naman ay nasa driver’s seat.
Kaysa naman magtagal pa kami sa coffee shop ay naisipan namin na mag-take-out order na lang ng kape upang habang nasa biyahe ay mainom na namin.
“Pa’no na ‘yan? Nasa media na ang tungkol do’n sa yate? Hindi malayong mahalungkat pa ng media kung ano ang talagang nangyari do’n,” malamig na sabi ni Efren.
Napailing ako kasunod nang pagbuntong-hininga.
Diretso lamang ang tingin ko sa kalsada na aming binabaybay. Hanggang sa ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang nakita ko sa balita. Marami na nga ang iniisip ko, dumagdag pa ang tungkol doon. Pakiramdam ko ay pasan ko ang lahat ng nangyari kagabi. O dahil lang siguro naging dahilan ako nang pagkawala ng isa sa mga kriminal na dapat mahuhuli namin? Kaya ganito kabigat sa pakiramdam ko?
I shooked my head.
Convincing myself that it was not my fault when one of those culprits was able to escape.
I took a sip of my coffee before I decided to answer Efren’s question.
“‘Yon na nga rin ang iniisip ko, eh,” I answered in frustration.
“Alam na ba ng mga nakasama mo kagabi na nasa balita na ‘yon?”
Muli akong napailing at kasunod ay binalingan ko naman si Efren ng isang seryosong titig.
“Kalalabas pa lang naman sa balita kanina, eh. Hindi pa naman siguro nila alam. May nakaaalam man siguro, pero hindi pa lahat,” I answered, even though I’m not sure if one of my colleagues has already seen what was aired on the news.
“Hindi na mapipigilan ‘yan! Marami ng tao ang maku-curious dahil diyan kaya sigurado na hahalungkatin pa ng media ang tungkol diyan,” pranka na sabi ni Efren.
Well, he’s right!
Sigurado naman na aalamin pa ng media ang tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari sa Manila north harbor. Sigurado naman na hindi nila palalampasin ang tungkol doon.
“Kapag kumalat na sa media kung ano talaga ang nangyari. Hindi malayo na masisi kaming mga pulis na nasa operasyon ng mga oras na ‘yon,” disappointed na sabi ko.
Napatingin naman sa akin si Efren.
“Bakit naman?” tanong niya.
“Maku-question kami sa taong-bayan kung bakit hinayaan namin na makapasok sa bansa ang mga ‘yon where in fact! Hindi naman din namin ginusto ‘yon!” may diin na paliwanag ko.
“At saka ito, ah! Sigurado na baka kapag kumalat na sa media ‘yan at nalaman na ng gobyerno ang tungkol diyan, sigurado malilintikan kami ng mga kasama ko!” inis na paliwanag ko.
“Hindi ko lang talaga matiis na hindi sabihin, eh! Dahil sigurado naman na kapag nasa media na ‘yon, kabi-kabilang mga paninira at masasamang salita ang sasabihin nila sa amin!” dagdag ko pa.
“Hindi n’yo naman kasalanan, eh! Ba’t kayo malilintikan? Hindi n’yo rin naman ginusto ang nangyari. So, bakit naman nila kayo pagsasabihan ng gano’n? Ma-question baka p’wede pa! Pero kung hihigit pa ro’n, hindi naman na siguro,” Efren said, making the situation a little bit calm.
“Sana nga…”
I drunk my coffee hanggang sa maubos iyon. Saka ko naman inilagay sa plastic ang plastic cup na pinaggamitan ko.
Napatingin naman sa akin si Efren nang mapansin niyang naubos ko na ang kape na iniinom ko.
“Ang bilis mo naman uminom?” tanong niya.
“Malapit na kase tayo kaya inubos ko na.”
Marahan siyang napangiti dahil sa sagot ko.
After a couple of minutes. Nakita ko na ang presinto ng Makati. May ilang kotse ang nakaparada sa harapan ng presinto, ang iba naman ay mga police cars.
Wala kaming inaksayang oras ni Efren. Ipinarada na ni Efren ang kotse niya sa lilim ng isang puno at bumaba kaagad kami. Dala-dala pa rin niya ang plastic cup na naglalaman ng kape niya.
“Hindi mo pa rin ba naubos ‘yan?” pang-aasar na tanong ko sa kaniya.
Napailing naman siya at natawa.
“Ito na uubusin na!” sabi pa niya.
Pumasok na kami sa presinto. Nadatnan ko na sa loob si Erick, ang police officer na kasama ko noong nasa north harbor pa kami. Gaya ko, civilian lang din ang attire niya.
“Thea! Nandito ka na pala! Kumusta ka na?” bungad niya.
“Okay naman ako.”
“Balita ko-”
“Yes! Nakatakas sila!” putol ko na agad sa sasabihin niya.
Alam ko naman na baka may kinalaman doon ang sasabihin niya.
He gave me a nod. By that, I confirmed na tungkol nga roon ang dapat na sasabihin niya.
“Nasaan nga pala si Tinyente Marquez?” pag-iiba ko ng usapan.
“Ah, nasa office sila. Kasama niya sina Chief Alejes at Inspector Mendez,” Erick answered while motioning his right thumb where the office is.
Napa-awang ang bibig ko nang marinig ang pangalan ni Inspector Mendez. Nandito rin pala siya ngayon.
“Nadito rin pala ang iba sa mga nakasama natin no’ng nasa north harbor pa tayo, Thea. Kung hindi ako nagkakamali, nandito rin ang ilan sa mga taga-Ermita precinct,” dagdag pa ni Erick.
Napatango na lamang ako.
“Kasama mo pala si Efren?” nakangiting turan ni Erick.
Napalingon ako kay Efren at nakita ko na tinanguan niya lang si Erick.
“Ah, oo! We’re supposed to have our breakfast in a coffee shop, kaso tumawag nga lang si Tinyente Marquez kaya pumunta na kami kaagad dito,” sagot ko.
“Ah…”
“Nasaan nga pala ang iba nating mga kasama?” tanong ko.
“Nasa vacant room sila. Mabuti pa pumunta na rin tayo ro’n. Hinintay lang kita kaya hindi pa ‘ko pumasok do’n, eh.”
Nagtungo na kami sa loob ng vacant room.
Pagpasok namin ay nakita ko na nasa loob na rin ang ilang mga police officers na nakasama namin noong nasa north harbor pa kami at noong nasa Ermita precinct ako. Gaya namin ni Efren ay naka-civilian attire lang din sila.
May tatlong mahabang lamesa ang nasa loob. May mga monobloc chairs din. Halos lahat ay occupied na kaya humanap ako ng bakante. Nakakita naman ako sa bandang gitna sa likod.
Umupo ako.
Nasa harapan ko si Erick.
Nasa likuran ko naman si Efren.
Sa right side ko ay ang isa sa tatlong mahabang lamesa. Ipinatong ko naman ang cellphone ko roon.
Tahimik lamang sa loob. Walang kibuan. Although, familiar sa akin ang ilang mga itsura dahil nakasama ko sila. Ang iba rin kase ay kasama ko sa Makati precinct.
Ang iba sa kanila ay gumagamit ng phone. Ang iba ay tahimik lang na nakaupo. At ang iba naman ay nakatulala lang at tila nakatingin sa kawalan.
A few minutes have passed, three people had entered the room. It was Tinyente Marquez together with Chief Alejes and Inspector Mendez.
Lahat kami ay napatingin sa kanila.
Nag-uusap kase sila nang pumasok sa loob. Hindi gaya namin, naka-uniporme silang tatlo.
Lahat kami ay tumayo upang sumaludo.
“Goodmorning, Sir!” sabay-sabay na pagbati namin.
Ganoon din naman ang ginawa nila.
Umupo lahat kami kasunod noon.
“Hindi ko na patatagalin pa ang usapan natin ngayong umaga. May mga bagay pa na dapat kayong malaman tungkol sa nangyari sa Manila north harbor kagabi,” bungad kaagad ni Chief Alejes. Tinitingnan niya kami isa-isa.
Seryoso ang awra niya.
“Hindi pa ninyo lahat alam ang tungkol dito, mayro’n man siguro, iilan pa lang,” dagdag pa niya.
“Isa sa kaanak ng mga suspek ang tumawag sa presinto bago ang kaganapan sa pier. Nagsumbong ito tungkol sa gagawin ng asawa niya,” he continued.
Napakunot-noo ako nang marinig iyon.
May nagsumbong pala?
At asawa pa niya?
Iyon ba ang dahilan upang malaman ng kapulisan ang balak ng mga kriminal?
Well, I think those thinkings inside my mind will be confirm if I pay much attention to what Chief Alejes is talking about.
Nangibabaw naman ang bulung-bulungan sa mga pulis na kasama ko. Tila hindi sila makapaniwala na mismong asawa ng suspek ang nagsumbong.
“Kung sa tingin n’yo ay nagkamali kayo nang narinig, hindi! Tama ang narinig n’yo. Asawa niya ang mismong nagsumbong sa kaniya,” Chief Alejes added.
“We have the information about her wife,” sabi naman ni Inspector Mendez.
“At ang lalaki na nakita natin kagabi sa pier na bumaba na lulan ng isang kotse, siya ay si Mathias Coliado. Sa ilang impormasyon pa na nakalap namin ay isa rin siyang police officer. Sinabi na rin sa amin ng asawa niya kung saang presinto siya naka-destino. Nakausap pa kase ulit namin kagabi ang asawa niya pagkatapos ng mga kaganapan sa north harbor,” paliwanag ni Tinyente Marquez.
Teka? Ang ibigsabihin ba noon ang lalaking hinabol ko kagabi ay walang iba kundi si Mathias Coliado? Siya kase ang lalaking may-ari ng kotse na ginamit nila upang tumakas kagabi sa north harbor.
Ang nakadidismaya, isa siyang pulis! Obligasyon niya na panatilihin ang kapayapaan, ngunit, tila siya pa yata ang nag-aalis noon. Nagawa pa niyang kumampi sa dapat ay kalaban niya!
“Tumawag sa presinto namin ang asawa niya ilang oras lang ang pagitan bago ang kaganapan sa north harbor. Ayon pa sa asawa niya, matagal na raw niyang naririnig si Mathias na may kausap tungkol sa gagawin nila sa north harbor. Mahigit isang linggo na raw nang simula niyang marinig ang asawa niya na may kausap tungkol do’n. Halos gabi-gabi daw ay may kausap ang asawa niya sa cellphone,” paliwanag naman ni Inspector Mendez.
“Nagduda na raw siya dahil iba ang tono ng pananalita ng asawa niya kapag may kausap sa cellphone. Hanggang sa natiktikan niya raw ito at napakinggan ang usapan ng asawa niya at ang kausap nito. Narinig niya na magpapasok daw ng infected foreigners sa bansa kapalit ang malaking halaga. Dahil daw doon ay napilitan na siyang magsumbong. Ngunit bago raw siya nagsumbong, ay nag-usap pa sila ng asawa niya, kaso pinag-initan lang daw siya nito ng ulo. Narinig pa raw niya sa usapan ng asawa niya at sa kausap nito na sa north harbor nila ipapasok ang mga infected foreigners para ikalat sa bansa ang sakit. Dahil do’n ay lalo raw siyang natakot kaya nagsumbong na siya,” kuwento pa ni Chief Alejes.
‘Malaking halaga? Kapalit ang kaligtasan ng marami? Bakit nila nagawa iyon? Mas pinili pa nila ang pera kaysa sa buhay ng mga inosenteng tao? Napakamakasarili nila!’ I thought.
“Saka nga pala, si Mathias Coliado ay taga Pasay precinct,” sabi pa ni Chief Alejes.
“Oo, kasama namin siya sa presinto sa Pasay. Hindi ko akalaing taksil ang Mathias na ‘yon! Siya pa mismo ang magiging problema!” inis na sabi ni Inspector Mendez.
Nabigla ako sa sinabi niya.
Taga Pasay precinct lang pala itong si Mathias Coliado? Kasama lang pala niya sa presinto. Hindi nila inakala na ang isang kakampi, ay kalaban pa!
“May isang babae raw ang nagpunta sa presinto sa Pasay ilang oras bago kaganapan sa north harbor. Nagsumbong ito tungkol sa gagawin ni Mathias. Kinuhanan pa siya ng ilang impormasyon ng mga pulis na naka-duty ng oras na ‘yon. Kaya naman nalaman nila na sa north harbor ipapasok ang mga infected foreigners at kung anong oras nila gagawin iyon. Mabilisan lang daw ang nangyari kagabi sabi ng mga pulis na nakausap ko na naka-duty ng oras na ‘yon. Pagkatapos nilang makausap ang asawa ni Mathias ay tumawag na sila sa ibang presinto, hindi na raw nila natawagan lahat ng presinto malapit sa pier dahil kinulang na sa oras. Sayang lang, dahil hindi ako nakapunta sa north harbor kagabi gawa ng may operasyon kami malapit lang din sa Pasay, nagkaharap sana kami ng Mathias na ‘yan!” inis pa na sabi ni Inspector Mendez.
“Ipinaalam naman na namin sa ibang presinto pa ang tungkol sa kaganapan kagabi. Kaninang umaga na lang namin sila nasabihan,” sabi naman ni Chief Alejes.
“Alam na rin ng Bureau Of Health ang tungkol do’n, kaya kung nakita n’yo sa balita kanina ay pinuntahan na nila ang pier. Pero ang nakalulungkot nga lang, ang impormasyon na inilabas ng balita ay kulang pa. Ipinaalam na rin namin ito sa Bureau of Quarantine. Baka mayamaya lang ay makakarating na rin sa pangulo ang tungkol dito,” dagdag pa ni Chief Alejes.
The question that bothers my mind earlier was already answered when chief Alejes mentioned it. Alam na rin pala nila ang tungkol doon sa balita.
“Saka nga pala! Bukod sa mga kriminal na nakaharap natin, mayro’n pang iba! May mga kasabwat pa sila!” malamig na sabi ni Tinyente Marquez.
Dahil doon ay napatulala ako.
Ibigsabihin ay mayroon pa pala bukod sa mga nakaharap namin!
Ano naman kaya ang ginawa ng mga iyon? Saang lugar naman kaya nila isinagawa ang sa kanila? Ang sasama nila! Mas inisip lang talaga nila ang sariling kapakanan! Ngunit ang kaligtasan ng kapwa ay winalang-bahala nila!
Hindi rin makapaniwala ang mga pulis na kasama ko. May mga bulung-bulungan din sila.
Napalingon naman sa akin si Erick na tila hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Tinyente Marquez. Mababakas iyon sa kaniyang itsura.
Napatingin ako ulit kay Tinyente Marquez nang akma na siyang magsasalita.
“Pinatay ng mga kasabwat nila ang mga taga Philippine coast guard na malapit lang sa north harbor. Patay lahat ng naka-duty ng oras na ‘yon,” paliwanag ni Tinyente Marquez.
“Nakatanggap kami ng tawag kanina lang na may naganap raw na pagpatay sa mga officers na naka-duty sa coast guard ng gabing iyon. Lahat daw pinuruhan, sa ulo lahat ang tama! At saka isa pa! Ang mga CCTV na naka-install sa area ay sira na lahat! Pinaghandaan talaga ‘to ng mga salarin!” sabi ni Tinyente Marquez.
From what Tinyente Marquez have mentioned. I made a conclusion in my mind. Kaya pala hindi nagawang mapansin ng Philippine coast guard ang yate na sinakyan ng mga salarin ay dahil pinatay na ito ng mga kasabwat nila. Talagang walang makapapansin sa kanila sa gagawin nila. Dahil ang alam nilang huhuli sa kanila ay kanila nang inunahan.
Hindi pa namin alam ang tungkol sa mga sinabi ni Tinyenye Marquez at sina Chief Alejes at Inspector Mendez kung hindi na lang nila ito sinabi sa amin.
Tila ngayon nagkakatagpi-tagpi sa isipan ko ang kaubuan ng pangyayari sa north harbor. Isang krimen ang sindya nilang gawin. Ngunit hindi nila alam na pati sila ay madadamay sa problema na kanilang sinimulan.
Pinagmamasdan ko naman ang itsura ng mga pulis na kasama ko, maging sila ay hindi makapaniwala sa narinig nila.
Napatingin naman ako sa isang police officer na nagtaas ng kamay. Tila may itatanong ito.
“Chief? Ano na po pala ang nangyari sa ibang mga infected? Pati sa ibang mga salarin?”
Napabaling naman sa kaniya sina Inspector Mendez at Chief Alejes, pati na rin si Tinyente Marquez.
“Tatlo sa mga infected ay patay na, kasama na ang isang chinese national na natagpuan ng mga health authorities nang pasukin nila ang cabin charter ng yate. Ang iba ay nawawala kaya naman we made an order na i-lockdown ang buong pier at ang mga karatig lugar nito. Ang isa naman sa mga kriminal ay nahuli, siya ay si Cornelio Maniliman, nasa interrogation room siya ngayon ng Ermita precinct. Habang ang iba ay nawawala at nakatakas gaya ni Mathias Coliado,” sagot naman ni Chief Alejes.
Napatingin naman sa akin si Inspector Mendez nang banggitin ni Chief Alejes si Mathias Coliado.
Nang-aasar ba siya?
O sadyang napatingin na lang siya sa akin nang mabanggit na nakatakas si Mathias? Anyway!
Hindi naman na mahalaga pa iyon.
Ibinaling ko kina Chief Alejes at Tinyente Marquez ang tingin ko.
Umiiwas ako sa titig ni Inspector Mendez.
“Saka nga pala! Just to inform you, may mga bisita tayo na galing ng Bureau Of Health. Dalawa silang doktor. Ipapaliwanag nila ang tungkol doon sa sakit. Nandito na sila sa office, sinabihan namin na tatawagin na lang sila kapag tapos na namin kayong kausapin,” sabi ni Chief Alejes.
“Tinyente Marquez, makikisuyo na sana ako sa ‘yo, pakitawag na sa office sina doktor Ruweles at doktora Myda,” utos naman ni Chief Alejes.
Nakita ko naman na lumabas ng room si Tinyente Marquez.
“Bago nga pala tayo kausapin ng mga doktor, gusto ko lang sabihin sa inyo ‘to,” wika ni Inspector Mendez.
“Mas marami ang mga infected na nawawala compare sa mga patay na. Kailangan na natin maghanda pa dahil siguradong pagala-gala lang ang mga ‘yon sa north harbor. Naka-lockdown naman na ang pier pati ang mga karatig lugar nito. Pero mag-ingat pa rin tayo. Lalo na may mga tao ang nagkaroon ng direct contact sa dalawang infected na nakarating ng Quirino grandstand, am I right? PO2 Arcapeña?” tanong ni Inspector Mendez.
Bigla naman akong napabalikwas nang madinig ko ang pangalan ko.
“Ah-eh! Yes po, Inspector!” tarantang pagsagot ko.
Tumango naman siya nang sumagot ako.
Satisfied naman na siguro siya sa naging sagot ko.
“We have no way to trace those people who have close contact from the two infected. Asahan natin o hindi. Mag-isip man tayo ng maganda o hindi, hindi malayong may nahawaan ang mga infected,” dagdag pa ni Inspector Mendez.
Napatingin siya kay Chief Alejes pagkatapos ng sinabi niya. Napatango naman si Chief Alejes. Mukhang alam niya na rin ang tungkol doon. Saka hindi naman na malayong hindi niya malaman iyon, si Erick nga alam na, siya pa kaya na isang Chief?
Kasunod noon ay bumukas ang pinto, nakita ko si Tinyente Marquez.
“Chief?” dinig ko na tawag niya kay Chief Alejes. Napalingon naman si Chief Alejes pati na rin si Inspector Mendez.
“Nandito na po sila…”
“Papasukin mo na!” sagot naman ni Chief Alejes.
Pumasok naman na ang dalawang doktor. Pinagmasdan ko ang itsura nila. Sa tingin ko ay parehas na silang nasa middle age, base sa kung paano sila kumilos at batay na rin sa awra ng kanilang mukha.
Gaya naman namin ay naka-civilian attire lang din sila.
Binati namin sila pagkapasok nila. Ganoon din naman sila sa amin.
Pagpasok nila ay nagtungo kaagad sila sa lamesa na nasa harapan. Ipinatong nila roon ang laptop na dala nila pati na rin ang kanilang mga bag.
Nakita ko na kinausap nina Chief Alejes at Inspector Mendez ang dalawang doktor, ngunit hindi naman na namin narinig pa kung ano ang pinag-usapan nila.
After a few moments, the two doctors in front of us decided to start their talk.
“Ah, okay! Without further ado. I think we should start with the thing that we are going to talk about. By the way, ako nga po pala si Doc. Ruweles. At ang kasama ko naman ay si Dra. Myda,” pagpapakilala niya.
“We have been informed in our office from Bureau Of Health about what happened to the operation at the Manila north harbor. Sinabi nila na may mga infected foreigners ang ipinasok sa bansa. To make the story short, marami sa mga ‘yon ay nakawala, pati na rin ang mga salarin na kasama nila na hindi malayong nagkaroon ng direct contact sa mga infected,” sabi naman ni Dra. Myda.
“Some of the doctors from BOH warned and advised that we should execute an antimicrobial fogging in and outside the yacht. Not just on that vehicle but also to the entire north harbor and to its neighboring places,” paliwanag pa ni Dra. Myda.
“Hindi na lang yata ipinakita pa sa balita kanina na buong pier ay nagsagawa sila ng fogging,” dagdag pa ni Dra. Myda.
“Kailangan ng ibayong pag-iingat dahil malala ang sakit na nakapasok sa bansa natin. Mga pulis kayo. I’m sure na aware na kayo tungkol doon sa sakit na kumakalat ngayon sa maraming bansa. Closed borders ang Pilipinas kaya hindi nakapasok iyon dito kung hindi na lang sinadya ng mga gumawa no’n,” wika naman ni Doc. Ruweles.
“Marami sa mga kababayan natin na mga Pilipino ang kulang sa kaalaman tungkol sa sakit na ‘to. Kung kakalat ito at lalaganap, baka mahirapan ang gobyerno na masugpo ito. Kung ako lang ang masusunod, dapat inilalabas sa balita ang impormasyon tungkol sa sakit na ‘to. Pero mukhang itinatago kase, eh. Kaya tuloy marami sa mga Pilipino ang walang masyadong alam sa lumalaganap na sakit. Lalo na ngayon at nakapasok na sa bansa natin. Paano mag-iingat ang mga kapwa natin Pilipino kung wala silang sapat na kaalaman sa sakit na ‘to?” may diin na sabi ni Doc. Ruweles.
Sa tono ng pananalita niya, nakikita ko na concerned siya sa kalagayan ng bansa. Wala lang siyang magawa dahil wala sa kaniya ang kapangyarihan upang gawin kung ano ang dapat gawin.
“Hindi na namin siguro patatagalin pa ang tungkol dito. Just to inform you, wala pang exact name ang kumakalat na sakit. Hirap din tuloy kami na ipaalam ito sa media. Hindi pa ito mabigyan ng eksaktong pangalan dahil kulang pa ang mga pag-aaral dito. Hindi pa nila lubos na matukoy ang pinagmulan nito. Nang lumitaw kase ito ay naging mabilisan ang pagkalat, it was like a wildfire,” sabi pa ni Doc. Ruweles.
“May mga teorya naman na diumano’y pinagmulan nito gaya ng iba na nagsasabi na tila mutation daw ito ng nakaraang flu virus. There are other theories but too many to mention. May mga pag-aaral na tungkol dito, ngunit hindi pa sapat ang mga iyon,” Dra. Myda explained.
“Ayon naman sa mga nagawa nang pag-aaral, maipapasa ang sakit na iyon sa pamamagitan ng hangin o aerosol. Kaya masasabi natin na  posible sa sakit na ‘to ang airborne transmission. Sa pamamagitan ng pag-ubo ay maipapasa ito lalo na kung malanghap ng isang tao ang nagkalat na contaminated droplets nuclei sa paligid na galing sa pag-ubo ng isang infected patient,” Doc. Ruweles explained.
Tahimik kami lahat habang nagpapaliwanag ang dalawang doktor sa harapan namin. Ang mga ganitong detalye ay hindi ko narinig sa balita o nabasa man maging sa dyaryo.
“Ang isa sa mga sintomas ng sakit na ito ay severe coughing. Dahil sa hangin maipapasa ang sakit, malalanghap ito ng isang possible host, hanggang sa maging infected na ito. Dahil nakapasok sa lalamunan niya ang virus, pipilitin ng baga na ilabas iyon kaya uubuhin ito nang uubuhin. And because of severe coughing, may result in hemoptysis or coughing up blood. Ang dugo na isinusuka ng isang infected ay nagmumula sa respiratory tract niya,” sabi pa ni Doc. Ruweles.
Dahil sa sinabi niya ay sumagi sa isipan ko ang itsura ng mga infected na nakita ko sa north harbor. Lahat sila ay inuubo. Ang iba ay nagsusuka na ng dugo. Iyon pala ang dahilan!
“And as you can see, lalo na kayo dahil nakita n’yo kahit na sa malayuan lang ang mga infected ay namumula ang kanilang mga mata. Isa rin iyon sa mga sintomas. Because of the severe coughing, nagkakaroon ng pagkasira sa blood vessels sa surface ng mata kaya nagkakaroon ng bright red spot sa sclera o sa kulay puting bahagi ng mata. And that bright red spot is what we called the subconjunctival hemorrhage. P’wede rin tawagin ito na bloodshot eyes. Hindi naman iyon severe symptoms dahil wala naman mararamdaman na sakit, and it will never make your eye blurry,” paliwanag naman ni Dra. Myda.
Iyon pala ang dahilan kung bakit namumula ang mata ng mga infected. Dahil sa labis na pag-ubo ay ganoon na ang nagiging resulta. Unti-unting namumuo sa isipan ko ang mga ideya patungkol sa sakit. These doctors gave me additional information about the disease. They almost unmask the profile of the virus.
Ngunit sana lang, mailabas din sa media ang mga impormasyon na ito lalo na at nakapasok na sa bansa ang lumalaganap na sakit.
“And as an addition, isa rin sa mga sintomas ay ang asthenia o ang labis na panghihina ng katawan. Kadalasan ay resulta ito ng bacterial o viral infection gaya ng influenza na inaatake ang respiratory system ng isang tao. Ang virus na kumakalat ngayon sa iba’t ibang bansa ay may malaking similarity sa mga influenza viruses na kung saan ay kumakalat ito sa pamamagitan ng pag-ubo na nagreresulta upang kumalat sa hangin ang mga contaminated droplets nuclei hanggang sa malanghap ito ng isang tao, and the result, magiging infected na rin ito,” dagdag pa ni Dra. Myda.
Hindi ko alam kung paano ko ma-a-assimilate lahat sa utak ko ang sinasabi ng mga doktor sa amin. May ilang medical terms silang binabanggit na hindi naman ako pamilyar, unless ay ipaliwanag nila. Bukod sa marami kaming pinag-usapan ngayon, tila hindi ko pa ma-sink-in lahat sa utak ko iyon.
“Kasama na rin sa sintomas ay ang cephalgia o pananakit ng ulo. We could also call it cough headache sapagkat ang dahilan naman ng pananakit ng ulo ay pag-ubo. Our fellow doctors divide the cough headache into two categories. First is the primary, usually harmless lang naman ito, pero ang pananakit ng ulo na nararanasan ng mga infected ay under ng secondary. Tinatawag din ito na symptomatic headache. Mas malala ito kumpara sa primary. This may cause dizziness or minsan ay matinding pagkahilo o vertigo. Nagkakaroon ng pananakit ng ulo dahil sa sudden pressure sa abdomen. Napatataas nito ang pressure sa ulo na ang resulta ay pananakit nito,” Dra. Myda explained.
“And I suggest, chief Alejes, na dapat ipina-lockdown n’yo ang north harbor dahil siguradong nandoon lang mga infected na hindi pa ninyo nahuhuli,” Doc. Ruweles suggested.
“Ahm, yes, Doc! That was exactly what we did! Ipina-lockdown na ang pier mula pa kagabi pati na rin po ang mga karatig lugar nito. May mga dumating pa kaming mga tauhan upang magbantay. Nag-road close na rin po. Katuwang naman po namin ang mga militar tungkol sa pagsasara ng mga kalsada. Inihanda rin po kase ang ibang ruta na maaaring daanan ng mga sasakyan kapag naka-lockdown na ang pier at ang mga karatig lugar nito,” Chief Alejes answered.
“And before I forgot, Chief Alejes, about what you have said early before this when we were in the office. You have mentioned that there were people who have close contact with those infected. I just want to say… if ever man na may nahawaan ang mga infected doon, mahirap na para ma-trace pa ‘yon. And if that’s the case, instead na local transmission muna ay baka bigla nasa community transmission na. Kaya kailangan na nating ilabas ito sa publiko para mabalaan na sila sa posibleng banta ng sakit na ‘to,” Doc. Ruweles warned.
Hindi ko alam, ngunit nang sabihin iyon ni Doc. Ruweles, naramdaman ko na lamang ang paninindig ng aking mga balahibo.

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now