19th Chronicle / Those Who Left Behind

35 3 0
                                    

February 26, 2040 / Military Base 4

Nilapitan nina Philip at Diana si Syrell nang makita nilang tila mawawalan ito ng malay.

"Syrell? Ano'ng nangyari sa 'yo?" tarantang tanong ni Diana.

Napahawak naman si Philip sa magkabilang braso ni Syrell bago ito mawalan ng malay.

"Hinimatay siya!" tarantang sabi ni Philip.

Nabigla naman sina Jared, Andrew, at Steven sa nangyari kay Syrell. Dahil doon ay nilapitan din nila.

"Ano'ng nangyari sa kaniya?" tarantang tanong ni Jared.

"Sa tingin ko nanikip ang dibdib niya. Nakita ko siyang napahawak sa dibdib niya kanina!" sagot naman ni Diana.

Sa kabila ng pangyayaring iyon ay nanatiling nakatayo si Thea pati na rin ang kaniyang mga kasama. Walo sila sa bilang at armado lahat. Mababakas naman sa kanilang itsura ang pagkabigla. Hindi rin nila alam ang gagawin lalo na at ngayon lamang nila nakita si Syrell maging ang mga kasama nito.

"Sino kayo?!" tanong ni Dino na isa sa mga kasama ni Thea.

Hindi naman kaagad sumagot ang mga kasama ni Syrell dahil nataranta sila sa nangyari sa kanilang kasama.

"Inuulit ko sino kayo?!"

Sa pagkakataong iyon ay tinutukan ng baril ng mga kasamahan ni Thea ang mga kasama ni Syrell. Ganoon din naman ang ginawa nina Andew at Philip. Tinutukan din nila ng baril si Thea at ang mga kasama nito. Dahilan naman iyon upang bumitaw si Philip sa pagkakahawak kay Syrell.

"Ibaba ninyo 'yan! Wala kaming balak na masama sa inyo!" hinihingal na turan ni Philip.

Sa pagsabing iyon ni Philip ay sinenyasan ni Thea ang kaniyang mga kasama na ibaba ang kanilang mga baril.

"Kung gano'n sino kayo? At ano ang ginagawa n'yo rito? At paano kayo nakarating dito?" usisa ni Thea.

"Hindi na muna mahalaga kung sino kami. Napunta kami rito dahil hinahabol kami ng mga bangkay. Galing pa kami ng Maynila!" tugon ni Philip.

Sa sagot na iyon ni Philip ay nagkatinginan naman si Thea at ang kaniyang mga kasama.

"Pa'no kayo nakarating dito?" tanong naman ni Jasen na isa rin sa mga kasamahan ni Thea.

"Lulan kami ng isang yate. Pero nasira na 'yon nang bumangga sa isang malaking bato malapit sa dalampasigan. Galing kami ng Maynila sa north harbor. Napadpad kami rito dahil nagmamadali kaming makaalis sa lungsod kagabi dahil binomba 'yon!" sagot ni Andrew.

Sa sinabing iyon ni Andrew ay muling nagkatinginan si Thea at ang kaniyang mga kasama. Mababakas sa kanilang mga itsura ang iba't ibang katanungan.

"Bi-binomba?" hindi makapaniwalang tanong ni Dino.

"Oo, binomba! Binomba kagabi ang buong lungsod ng Maynila..." seryosong tugon ni Philip.

"Teka! Teka! Bago 'yan ang pag-usapan natin! Matanong ko muna wala bang inuubo sa inyo? Wala bang infected sa inyo?" putol ni Jasen sa kanilang usapan.

"Wala! Walang infected sa amin!" sagot naman ni Diana.

"Eh, 'yang kasama n'yo? Baka infected 'yan! Bakit hinimatay 'yan?" pagdududang tanong ni Jasen.

"Hindi siya infected! Hinimatay lang siya!" depensa naman ni Diana.

"Galing kayo ng Maynila? Ang ibigsabihin niyan ay may mga nakasalamuha kayong infected? Bakit hindi man lang kayo nakasuot ng mask?" nangungunot na noong tanong sa kanila ni Thea.

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now