23rd Chronicle / A Highway For Us

26 1 0
                                    

Midnight, Mini Park, Angeles, Pampanga

Mahimbing na natutulog sa loob ng kotse sina Sarah, Mackenzie, at Julia. Nakapuwesto si Mackenzie sa driver’s seat, si naman Sarah ay sa passenger’s seat habang si Julia ay sa backseat. 

Sa kanilang pagtulog ay naalimpungatan si Sarah. Nang magawi ang tingin niya sa right front window ay laking gulat niya na lamang nang may nakita siyang isang lalaking nakadungaw roon. Sa tingin niya ay nasa middle age na ito. Madungis ang lalaking iyon. Dahil doon ay napasigaw siya at halos mapalundag pa sa kaniyang kinauupuan. 

Nagising naman sina Mackenzie at Julia dahil sa sigaw ni Sarah. Sa paggising ni Julia ay bumungad sa kaniya ang isang may edad na babaeng nakadungaw sa backseat right window malapit kung nasaan siya nakaupo. Napasigaw naman siya dahil doon. 

Nabigla naman si Mackenzie nang makita niya rin ang dalawang taong nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Madudungis ang mga ito at tila wala sa tamang kaisipan. Nang mapasandal siya sa driver’s right window ay nakadinig siya ng mahinang katok sa salamin. Dahil doon ay kabado at marahan siyang napalingon. Sa paglingon niya ay bumungad sa kaniya ang isa pang lalaki. Kagaya ng dalawa ay madungis din ito at tila wala sa tamang kaisipan.

    “Sino kayo?!” bulalas ni Sarah sa mga iyon.

    Hindi naman sumagot ang mga iyon kundi bagkus ay nagpakawala lamang sila ng nakalolokong halakhak. Dahil doon ay nainis sina Sarah at Mackenzie dahilan upang kunin nila ang kanilang mga baril.

    “Umalis kayo rito kung ayaw n'yong iputok ko sa inyo ‘to!” babala ni Sarah.

    Ngunit tila hindi man niya nasindak dahil hindi man lang huminto ang mga iyon sa paghalakhak. Ilang sandal lamang ay inilabas ng lalaki ang hawak niyang baril. Malaki ang baril na iyon kumpara sa dala nina Sarah at Mackenzie. Armado ang dalawang lalaki pati na rin ang babae. May kalakihan ang baril ng mga ito. Dahil doon ay sina Sarah at Mackenzie ang nasindak. Napa-awang ang kanilang bibig sa takot ng sila na ang tutukan ng baril ng dalawang lalaki pati na rin ng babae.

    “Baba!” sigaw ng lalaking nakita ni Sarah.

    “Bumaba na kayo kung ayaw n’yong kayo ang pagbabarilin namin!” singhal ng babae.

    “Baba!” pag-uulit ng lalaki.

    Dahil doon ay mas lalong nasindak si Sarah at ang dalawa niyang kasama. Hindi sila nakaimik sa kaba. Bakas sa kanilang itsura ang takot. Pansin din na nanginginig pa sila dahil sa hilakbot. Hindi kaagad nakakilos si Sarah at ang dalawa niyang kasama dahil natulala sila sa takot. Dahil doon ay binasag ng dalawang lalaki ang magkabilang front door glass dahilan upang mabuksan nila ang mga pinto. Hinila naman ng isang lalaki ang buhok ni Sarah kaya napasigaw ito at nagpumiglas.

    “Bitiwan mo ‘ko! Bitiwan mo ‘ko!” pagpupumiglas ni Sarah.

    Hindi naman nagawang manlaban ni Sarah dahil natatakot siya na baka gamitin sa kanila ang hawak na baril ng mga iyon.

    Tinutukan naman ng baril sina Mackenzie at Julia kaya lumabas na lang din ang mga ito. Pinaluhod sila ng dalawang lalaki at saka kinuha ang kanilang baril.

    Dahil madilim ang lugar ay naisipan ng babae na gumawa ng isang maliit na bonfire. At malapit doon ay pinaupo ang tatlo. Nasa kaliwa ni Sarah si Julia at sa kanan naman si Mackenzie. Sa kanilang pag-upo ay tinutukan naman sila ng baril ng babae.

    “Mukhang magaganda ang mga ‘to, ah!” anang babae kay Sarah at sa kaniyang mga kasama.

    Dahil sa bonfire ay napansin ni Sarah ang panloob na suot ng babae. Nakita niya ang suot nitong t-shirt na kulay kahel na may nakasulat na letrang ‘P’. Dahil doon ay naisip ni Sarah na isang krimininal ang nasa harapan niya. Napatingin din siya sa dalawang lalaki. Napansin din niya ang kulay kahel na t-shirt ng mga ito. Hindi niya iyon napansin kanina dahil madilim at nakadoble ang mga iyon ng itim na jacket. Sa nakitang iyon ni Sarah ay nagkaroon siya ng konklusyon na kriminal ang tatlong iyon at sigurado siyang nakawala lamang ang mga iyon sa kulungan dahil sa kaguluhan. Naisip pa niya na hindi malayong gagawa ang mga iyon ng kalokohan gayong wala na ang mga iyon sa kulungan.

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now