18th Chronicle / The World Is Falling Apart

24 2 0
                                    

Thea Arcapeña                           
8:43 PM / February 13, 2040

Kaba at takot ang nangingibabaw sa akin ngayon habang hawak ko ang manibela at nagmamaneho patungong ospital. Hindi ako alam kung ano ang gagawin ko sa pinaghalong emosyon na mayroon ako ngayon.        

    Tinawagan ako ni Paula kanina at sinabi niya na malala na ang sitwasyon ni mama. Nakiusap din ako kung maaari kung makita si mama ngunit, sa una ay nag-alangan kami parehas dahil siguradong bawal akong magtungo roon kung hindi naman ako infected. Ngunit, gayon pa man, labag man sa protocols ng ospital, lihim akong magtutungo roon upang makita si mama lalo na at sinabi ni Paula na mababa na ang oxygen level ni mama. 

Sa pagkakataong ito, kailangan kong magpanggap bilang isang nars din sa ospital na iyon. Labag man ngunit, wala na akong ibang alam na paraan. Iyon lang din ang sinabi ng pinsan ko upang makapasok ako doon ng walang nakakaalam kahit na delikado para sa akin.

    Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na pala ang ospital na pupuntahan ko. Bago ako bumaba, isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Sa totoo man ay kinakabahan ako sa gagawin namin ng pinsan ko. Kasunod ay tinawagan ko at mayamaya pa ay lumabas na siya ng ospital. Nakita ko naman kaagad siya kahit na medyo madilim ang paligid. Wala rin kase masyadong ilaw sa bahaging likuran ng ospital na iyon.

    Bago ako bumaba ay nagsuot ako ng face mask.

    “Dala ko na lahat ng kailangan mong suotin,” salubong niya agad sa akin. 

Mababakas naman ang kaba sa kaniyang boses.

Napabuntong-hininga ako. 

    “Basta sundin mo lang lahat ng sasabihin ko, Thea…” sabi pa niya.

    Napatango na lamang ako bilang sagot.

    “Isuot mo nang maayos ang goggles para iwas na rin. Baka magtaka kase sila bakit hindi ka nila kilala rito. Halos ng mga nars kase rito ay magkakakilala na. Pati ang viroguard suit, ayusin mo rin ang pagkakasuot. ‘Yung gloves saka face shield suotin mo rin,” sabi niya.

    Natataranta naman ako habang sinasambit niya ang mga salitang iyon. Hindi ko alam ngunit, tila naduduwag akong makita si mama sa kaniyang sitwasyon ngayon.

    “Kumusta na ang mama ko, Paula?” tanong ko sa kaniya pagkatapos kong isuot ang mga ibinigay niya.

    Umiwas siya ng tingin sa akin at saka nagpakawala ng isang buntong-hininga.

    “Ikinalulungkot ko, Thea. Malala na ang sitwasyon ni tita…”

    Parang kutsilyo na bumaon sa dibdib ko ang mga sinabi niya. 

Ang sakit. 

    Hindi naman na kami nag-aksaya pa ng oras at saka na kami pumasok ng ospital. Pagkapasok ko, sa corridor pa lang ay tumambad na sa akin ang mga nars na abala sa kanilang trabaho. 

Habang naglalakad ay may nadidinig din akong ilang iyakan sa ilang kuwarto na nadaanan namin. Tila iyakan iyon dahilan sa pagkamatay ng kung sino man. May ilang tao rin akong naririnig na tila hirap na sa walang-tigil na pag-ubo at hirap sa paghinga. Ganoon pala ang sitwasyon sa loob ng ospital. Kalunos-lunos ang sitwasyon ng mga taong nandoon na nilalabanan ang sakit na nais kumitil sa kanila. Sa kabila noon, biglang sumagi ulit sa isipan ko si mama. Hindi malayong ganoon din ang kaniyang sitwasyon. Hindi malayong sa oras na ito ay nahihirapan din siya. Sa oras na ito ay nakikipaglaban din siya para sa kaniyang buhay. Masakit man para sa akin. Naghihirap ang mama ko nang hindi ko man lang siya madamayan.

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now