Chapter 9.2

2.4K 123 3
                                    

Beialeigh's

Nakakunot ang kanyang makinis na noo habang sinusundan si Caleb. Ang buong akala niya ay sa ibang lugar siya nito dadalhin sapagkat inaaasahan niyang wala sa loob ng DKRC ang hinahanap niya rito.

Mas lalo siyang nagtaka noong huminto sila sa katapat lamang na unit ng kanyang kapatid na kanyang tinutuluyan.

Hindi naka-lock ang pintuan kaya naman tuloy-tuloy silang pumasok. Amoy alcohol sa loob ng unit na iyon na nagbigay sa kanya ng kaba. Kung nangangamoy alcohol, ibig sabihin ay may ginagamot na sugat.

"Ahhhhhh!!!"

Napakislot sa sigaw na kanilang narinig na nagmumula sa kwartong nasa kaliwang bahagi niya.

Kahit hindi niya nakikita ang sumisigaw ay alam na alam niya kung sino iyon.

Bahagya pa siyang nagulat nang lumabas mula sa silid ang resident doctor ng club. Doctor Argel Quizon. Marahil ay hindi rin nito inaasahan na makikita sila roon kaya bahagya itong natigilan pagkakita sa kanilang dalawa ni Caleb.

Mas lalong lumakas ang amoy alcohol nang lumabas mula sa silid ang doktor.

Sinulyapan niya si Caleb na mukhang hindi na maiaalis ang nakakalokong ngisi sa labi nito.

"I left his meds on the bedside table. Naka-note na rin kung kelan at anong oras niya iinumin ang mga iyon." Nakasimangot na sabi ni Argel sa kanila habang tinatanggal ang plastic gloves nito sa mga kamay na may bahid pa ng dugo.

Nanatili siyang hindi umiimik at inihahanda ang sarili sa maaaring makita sa loob ng silid.

Tumikhim ang doktor na ngayo'y naghuhugas na ng kamay sa lababo sa kusina. Ngunit nang tumingin siya dito ay nag-iwas naman ito ng tingin.

What's up with him?

Naiinis siya sa inaakto ng doktor.

Lumingon siya sa katabing si Caleb na naghihintay lamang sa susunod niyang gagawin. Alam niyang hinihintay lamang din siya nitong pumasok sa silid kung nasaan si Steven.

Tumikhim siya upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan at tinanguan si Caleb. Kinakabahang inihakbang niya ang kanyang mga paa patungo sa nakaawang na pintuan ng silid.

"Pwede akong mawalan ng lisensiya sa ginawa kong ito."

"Should I be thanking you now, Doc? Steven's a friend. Aren't you supposed to help someone in need?"

"No! He is not my friend! I just did what I have to do dahil isa sa sinumpaan kong tungkulin ay sumagip ng buhay."

Naulinigan niya pa ang munting pagtatalo ng dalawang lalaki bago siya tuluyang makapasok sa silid. Tanging lampshades sa magkabilang gilid ng kama lamang ang nagbibigay liwanag doon.

Pinaghalong amoy ng alcohol at gamot ang tanging masasamyo sa loob ng kwarto ng binata. Isang tipikal na silid panlalaki ang paligid.

"W-what are y-you doing h-here?"

Napakislot siya nang magsalita si Steven.

Nakangiwi ito at halatang may iniindang sakit. Saka nahihirapang bumangon mula sa pagkakahiga.

Nag-aalala siya sa ginawa nito kaya nagmadali siyang lumapit sa binata.

The Secret AgentWhere stories live. Discover now