Chapter 10

2.6K 136 1
                                    

HEART TO HEART

Steven's

"...the feeling is mutual."

Alam ni Steven na sa edad niya ay hindi na akma pang kiligin siya na para bang isang teenager. But he just can't help it. Sapagkat paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa kanyang isip ang sinabi ni Beialeigh sa kanya kanina.

Animo nakapirmi na ang kanyang ngiti sa mga labi sa labis na kasiyahan. Hindi niya sukat akalain na may katugon din pala ang kanyang damdamin para sa dalaga. Dahil kung iisipin ay malabong magkagusto din ito sa kanya. Unang-una na dahil sa estado ng kanilang pamumuhay.

Alam niyang buhay prinsesa ito sa kanila kaya naman lumaki itong may pagka-bratinela. Samantalang siya ay isang ordinaryong tao lang kung tutuusin.

Kung sa yaman ay oo, may ipantatapat siya sa mga Gamboa sapagkat lumaki rin siyang may ginintuang kutsara sa bibig. But unlike Beialeigh, he lived a simple life. Low-key kumbaga. Hindi sila sanay na ibinabandera ang kayamanan ng pamilya nila.

Sapat na sa kanilang mamuhay ng tahimik at sagana sa ranchong pagmamay-ari nila. And that's in Australia, where his family lives right now.

Mayroon din siya sariling lupain doon at taniman iyon ng iba't-ibang klase ng prutas na nagsu-supply sa malalaking supermarket at grocery store sa buong Australia. Kaya once na maisipan na niyang magretiro sa pagiging agent ay may mapagkukunan pa din siya ng income.

Hawak-hawak niya ngayon ang mga pictures na tinutukoy ni Beialeigh na nakita nito kaya napagkamalan ng dalaga na may asawa't mga anak na siya.

Kakapadala lamang iyon ng kanyang ina. At oo, maayos ang relasyon nito at sa dati niyang kasintahan--- na ayaw na niyang bigyan pa ng anumang kahulugan. Lalo pa at nabalitaan niyang nagbabalak nang makipag-divorce si Keena sa asawa nito.

Matagal nang inuungot ng kanyang ina na mag-asawa na siya upang magkaapo na ito. Yoon ang nakikita niyang dahilan kung bakit malapit dito ang mga anak ni Keena. Hindi rin nalalayo ang tinitirhan ng pamilya ni Keena sa kanilang rancho kaya naman malaya ang mga itong makabisita sa kanila anumang oras na gustuhin ng mga ito.

"This is my mom. Savannah Walker. And you'll meet her soon." Turo niya sa picture na kasama ang kaniyang ina. "This is Keena with her two kids, Penelope and Alastair." Tinignan niya muna ito bago nagpatuloy. Nais niya kasing makita kung anong magiging reaksiyon nito lalo sa susunod niyang sasabihin. Huminga muna siya ng malalim bago ibinaba sa center table ang mga larawan. "Keena was my ex. Ex-girlfriend." Beia's mouth formed an O when he said that. Wala namang ibang emosyon na ipinapakita ang mga mata nito maliban sa curiosity kaya nagpatuloy na siya. "Kung iniisip mong ako ang ama ng mga bata, you're wrong." Amused niyang sabi. "Keena's married at kaya siya lagi sa'min dahil mahilig talaga sa mga bata si Mom. Her parents' house is just around our neighborhood and they live there. Ulilang lubos na si Keena kaya siguro naging malapit din siya kay mom. Nakikita niya siguro ang nanay niya sa mommy ko." Patuloy pa niya. He thinks that he needs to explain everything to Beia. Nais niyang malinis ang pangalan dito. Lalo pa ngayon na mayroon na silang unawaan.

Mukhang mabilis lang siyang naintindihan ng dalaga sapagkat nagkibit-balikat lang ito at tumango.

"Bakit...bakit kayo naghiwalay ni Keena--- if I may ask?" Tanong nito kapagkuwan.

Ayaw na sana niyang ungkatin pa ang nakaraan dahil nagbibigay lamang iyon ng mabigat na pakiramdam sa kanya ngunit naisip niyang kung gusto niyang mapalapit pa ng husto kay Beia ay dapat lamang na alam nito ang lahat-lahat sa kanya.

The Secret AgentUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum