Chapter 15

2.4K 123 2
                                    

"SUSPICIOUS"

Beia's

"Do you want anything for dinner? Magpapaluto ako kay Manang." Her brother sweetly said.

Kakauwi lang nila galing hospital. Hindi naman niya kinailangang ma-admit ng matagal ayon kay Argel sapagkat dala lamang ng kanyang pagbubuntis ang naramdamang pagkahilo. Bago sila umuwi ay nagawa niya nang magpasalamat sa ginawa nitong pagtatakip sa totoong dahilan ng kanyang pagkaka-ospital. Matalino rin nitong nailusot at naipaliwanag sa kanyang pamilya kung bakit siya nagkaroon ng "over fatigue".

Maayos na rin ang kanyang pakiramdam ngunit hindi na siya pinayagan pang magkikilos ng kanyang ama at kapatid kaya naman diretso siya sa kanyang kwarto pagkauwing-pagkauwi nila.

"Anything na lang, Kuya. Thanks." Nakangiti niyang sagot.

"Alright. I will ask Manang to cook your favorite. Padalhan na lang kita dito mamaya, ha."

Muli siyang napangiti sa sinabi nito. Paborito niya ang pocherong baboy na luto ng kanilang mayordoma. Subalit dagli ring napalis ang kanyang ngiti sa labi nang ma-imagine niya ang itsura ng paboritong pagkain.

Tila siya biglang nasuya doon na hindi niya maipaliwanag. At may isang pagkain sa kanyang isip na mas gusto niyang kainin ngayon. Minsan na niya iyong nakain noong may photoshoot siya sa Bulacan.

"U-uhm, Kuya. Pwede bang sinampalukang native chicken na lang ang ipaluto mo?" Parang gusto niyang maglaway nang maalala ang itsura noon. "Yung madami sanang talbos ng sampalok."

She saw how her brother's mouth formed an O. Parang hindi ito makapaniwala sa mga narinig mula sa kanya. Saka ito mapang-asar na tumawa.

"Seriously, Beia? At this kind of hour? Saan naman kukuha ng native chicken sila Manang? And what are you saying talbos ng sampalok? Seriously? Is that even a food you're pertaining to?" Natatawang litanya ng kanyang nakatatandang kapatid.

Napasimangot tuloy siya. Pwede naman kasi nitong sabihin sa maayos na paraan hindi yung tinatawanan pa siya.

"What's funny about sinampalukang manok? Duh! Palibhasa kasi ang alam mo lang na pagkain, eh Italian cuisine. Ang sarap-sarap kaya ng sinampalukang manok." Nanghahaba ang nguso niyang saad. Nagtatampo talaga siya sa Kuya niya. Gusto tuloy niyang maglupasay ng iyak.

Nakakainis!

Pero gusto talaga niya ang ulam na 'yon.

Bryce cleared his throat to suppress his laughter when he saw Beialeigh's face suddenly became serious.

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at yun ang naisip mong kainin ngayon?"

"Eh sa 'yun nga ang gusto kong ulam eh!" She hissed. Bahagya na ring mataas ang tono ng kanyang boses.

"Okay. Okay. Okay. Sige na po, mahal naming prinsesa. Magpapabili na 'ko sa driver ng native chicken at talbos ng sampalok sa wet market. Happy?" Saad na lang ni Bryce at ayaw ng makipagtalo sa kapatid na kagagaling lang sa sakit. Humakbang na rin ito patungo sa may pintuan ng kwarto niya.

Ang laki ng kanyang ngisi dahil sa narinig. Nagniningning ang kanyang mga mata sa excitement. Para siyang batang napagbigyan ang gusto.

The Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon