Chapter 20

2.5K 106 5
                                    

THE POWER OF LOVE


Beia's

Kapwa luhaan sina Steven at Beialeigh habang magkayakap. Kapwa masaya sapagkat sa wakas ay magkasama na sila muli.

"Oh, love. I missed you so bad. I thought I'd never see you again." Madamdaming wika ni Steven habang pinapaliguan ng halik ang mukha ng asawa.

Hindi makuhang makapagsalita ni Beia dahil hindi siya makapaniwalang nasa tabi niya na ngayon si Steven.

"Y-you did your promise. Y-you came back." Masayang niyang saad kahit puno ng luha ang kanyang mukha.

"Of course. Ikaw ang buhay ko, mahal ko. Kaya walang saysay ang sa'kin kung hindi naman kita babalikan at hindi makakasama habambuhay. Nakahanda akong talikuran ang lahat makasama ka lang." Muling hayag ng kanyang asawa na bagamat may mga sariwang gasgas sa balat ay nanatili pa ring gwapo sa kanyang paningin.

Steven cupped her face and give her a passionate kiss once again. Na-miss niya ang ganito. The way her husband devour her mouth with his hot kisses.

Makalipas ang ilang sandaling pagsasalo sa halik ay habol nila pareho ang hininga.

"What do you mean pala sa sinabi mo, love?" Tanong niya matapos ng ilang sandali.

"I quit. Nag-quit na ko sa training para maging SEAL. Mas mahalaga ka para sa'kin kaysa sa kung ano pa man, my love..." Sagot ng asawa na kakikitaan ng diterminasyon sa halip na kalungkutan sapagkat isinantabi nito ang pangarap para lang makasama siya.

Namuo na naman tuloy ang kanyang luha dahil sa sinabi nito.

"You know you don't have to do that for me, love. Pangarap mo 'yon. Matagal na, di'ba." Saad niya. Ayaw naman kasi niyang alisan ito ng karapatan na tuparin ang pangarap nito nang dahil lang sa kanya.

"No, sweetheart. After what happened in Mexico, doon ko na-realize na mas mahalaga ka kaysa sa pangarap ko. Dahil habang tinutupad ko 'yon ay nanganganib naman na mawala ako sa'yo. At iyon ang pinakaiiwasan kong mangyari, mahal ko. Ayokong masaktan ka na naman ng dahil sa'kin." He took her hands. "I'm sorry dahil inabot ako ng ilang buwan para mapagtanto lahat. I'm sorry dahil naduwag akong harapin ang pamilya mo at ipaglaban ka. I'm sorry dahil iniwan kita ditong mag-isa at--

Pinatahimik niya ang asawa sa pamamagitan ng isang halik.

"Stop saying sorry. Wala pa ako sa buhay mo ay pangarap mo ng maging SEAL. Kaya nga sinuportahan kita sa gusto mo." She said then wiped his tears.

"But I went there not to pursue my dreams. I just realized na ginawa ko lang pala 'yon to impress your family. Gusto ko kasing pagbalik ko ay may maipagmamalaki na 'ko para hindi mo naman ako ikahiya ang tulad ko."

"Steven!" Mariin niyang saway dito. "Ano ba yang pinagsasasabi mo? Minahal kita dahil ikaw 'yan at hindi dahil sa pwede mong ipagmalaki o maibigay sa'kin. So stop thinking that way, alright. I love you. You love me. And that's all that matters to me. Steven, my love... You are more than what you think you are. At kahit sino o ano ka pa, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin."

Sa sinabi niya ay muli siyang kinabig ng asawa upang hagkan. Ngunit huminto ito kapgkuwan na parang may napansin sa kanyang kakaiba. Mataman muna siya nitong tinitigan bago nagtanong.

The Secret AgentOù les histoires vivent. Découvrez maintenant