Chapter 14

2.3K 81 0
                                    

"POSITIVE"

Beia's

Tinupad ng kanyang asawa ang pangakong palagi itong tatawag sa kanya. Yun nga lang ay palaging patago ang kanilang pag-uusap.

Madalas silang magkausap nito sa telepono o kaya naman ay through video calls. Lagpas isang buwan na rin nang umalis si Steven at sobra na niya itong namimiss.

Pinapayagan na rin siyang makalabas ni Bryce matapos nitong malaman sa mga kaibigan na umalis na nga si Steven para magtraining upang maging isa sa SEAL Team.

"Ma'am Beia. May bisita po kayo." Untag sa kanya ng kanilang kasambahay na si Nora. Kasalukuyan siyang nasa gazebo sa likurang bahagi ng kanilang mansiyon.

Agad niyang ibinulsa ang kanyang cellphone. Ka-text niya kasi ang asawa kaya medyo lumayo siya sa loob ng bahay.

"Sino, Nora?" Nakakunot-noo niyang tanong. Wala naman kasi siyang inaasahang bisita.

"Si Doc Argel po, Ma'am." Nakangiti nitong sagot. Halatang kinikilig. Crush yata ng lahat ng kanilang kasambahay na babae ang kapit-bahay nilang doktor. Kaibigan din ito ng Kuya niya at may-ari ng Quizon Medical Center.

"Sige. Pakisabi na lang na susunod na ako." Nakangiti rin niyang saad.

Agad na tumalima si Nora. Nang masiguro na niyang wala na ito ay muli niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at ipinagpatuloy ang pagtipa ng mensahe para sa asawa.

To unknown: 'need 2 go, my love. May bisita. I love you, husband. 💋

Nagmamadali niyang type at sinend na agad ang reply niya sa asawa. She deleted her message right away after sending it to Steven. Then she pressed the silent mode and put her cellphone back in her pocket.

Tinahak na niya ang living room kung saan nila hinaharap ang kanilang mga bisita.

Agad namang tumayo si Argel pagkakita sa kanya. Gwapong-gwapo itong nakatayo at ubod ng tamis ang pagkakangiti.

Kumunot ang kanyang noo nang makita ang hawak nitong bouquet ng pink roses. Wala yatang balak sumuko ang binata sa panunuyo sa kanya.

"Hey." Kaswal niyang bati dito.

"For you." All smile ang gwapong doktor kaya lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Bagay na bagay din dito ang suot na blue long sleeve shirt na itinupi hanggang siko. Medyo hapit iyon sa katawan ng binata kaya naman halatang-halata ang matipuno nitong katawan. Humahalo din sa amoy ng bulaklak ang amoy ng paborito nitong pabango.

"Thanks." Pasasalamat niya at kaswal din na kinuha ang bouquet mula rito.

"I guess you already know what was that flowers for." Nakangiti pa rin nitong sabi.

"Yeah. Alam ba 'to ni Kuya?" Walang gana at nagpipigil sa inis niyang wika.

"Actually he's the one who pushed me to win you back." Tugon nito na hindi pa rin nawawala ang ngiting nagpaakit sa kanya noon.

Right. As I was expecting.

She almost rolled her eyes in annoyance.
Hanggang kailan ba makikialam ang kanyang kapatid sa buhay pag-ibig niya? She's a full grown woman now, for Pete's sake!

The Secret AgentWhere stories live. Discover now