Chapter 9.1

2.4K 143 2
                                    

BREAKING NEWS


Beialeigh's

"Kanina pa kita nakikitang palinga-linga diyan. May hinahanap ka ba?"

Puna ng kanyang matalik na kaibigan na si Gabbrielle.

"H-ha? Uh, ano...si.. si Steven. Have you seen him? Siya kasi ang kasabay kong uuwi." Medyo naiilang niyang pag-amin sa kaibigan kahit na nga ba alam nito ang lahat-- pwera na lang ang pagiging FBI secret agent ng binata at ang pagsisilbing bodyguard nito sa kanya.

"Aysus! Kaya naman pala eh!" Panunukso pa ni Gabbrielle. "I saw him earlier. May kausap sa phone. He seemed serious nga eh. Then I saw him went out."

Napaisip siya.

May emergency kaya?

Kinabahan siyang bigla. Hindi siya iiwan nito sa isla nang basta-basta kung hindi importante ang lakad nito. Ni hindi rin ito nag-iwan kahit isang text message man lang. What seems to be the problem at bigla na lang itong nawala?

The she heard her best friend tsked beside her na ikinalingon niya rito.

"You're too obvious, sweetheart. Look at your face. You look so worried. Don't worry ipagtatanong ko kung may nakakita ba sa kanya." Panunukso nito sa kanya.

Of course I'm worried!

Nais sana niyang isatinig ngunit pinili na lamang niyang irapan ang kaibigan. Baka ano pa maisipan nitong ipanukso na naman sa kanya.

"Gaga! Yang bunganga mo ah! May makarinig sa'yo!" Mariin niyang saway kay Gabbrielle. Pinagsisisihan niya tuloy na sinabi niya dito ang kanyang nararamdaman para kay Steven.

"Excuse me, Miss Beialeigh?"

Napahinto sila sa pag-uusap nang may isang baritono at pamilyar na tinig mula sa kanyang likuran ang nagsalita.

Her forehead automatically creased when she recognized him. But she doesn't remember his name anymore.

"Can I have a moment with you, Miss Gamboa?" Magalang pa rin nitong wika.

Mukhang alam na niya ang sadya nito kasabay ng biglang pagkawala ni Steven at siya namang paglitaw nito sa isla.

"Oh Caleb. Hi. Matagal-tagal na rin kitang hindi nakikita sa DKRC ah." Ani naman ni Gabbi sa kanyang tabi.

Yeah! He's Caleb Madrigal.

Ang isa sa mga tumulong noong nanganib siya sa Puerto Rico.

And Gab seems to know him as well.

"Are you a member?" Tanong niya.

"He's Juanczo's private pilot, sweetheart." Sagot ni Gabbi sa kanyang tanong.

Really, huh? Private pilot, my ass!

If only Gabbrielle will know kung ano talaga totoong trabaho ng lalaki at kung gaano kapanganib, she'll freak out for sure.

"Anyway, nice seeing you again, Caleb. Maiwan ko muna kayo ha." Paalam ng kanyang kaibigan.

Pagkaalis na pagkaalis ni Gabbi ay agad niyang binalingan ang lalaki.

The Secret AgentWhere stories live. Discover now