Chapter 9.3

2.5K 147 1
                                    

Beialeigh's

Pagkatapos ng mga natuklasan ni Beialeigh tungkol kay Steven ay napagdesisyunan na niyang kalimutan ang nararamdaman para sa binata. Disappointed siya sapagkat wala pa man progress sa kanilang samahan ay kailangan na nga niya itong iwasan.

On the other hand ay nagpapasalamat na rin siya sapagkat nalaman niya agad na hindi pala sila pwede. Pamilyado na itong tao kaya naman hanggat hindi pa ganoon kalawig ang nararamdaman niya ay siya na mismo ang iiwas.

Siguro ay kasama sa pagiging secret agent nito ang itago ang totoong estado ng buhay ng binata kaya naman ang alam ng lahat ay single pa ito. Katunayan ay napasama pa ito sa most eligible bachelor ng taong kasalukuyan dahil bukod sa pagiging isang sikat na TV host ay talaga namang agaw pansin ang angkin nitong kakisigan.

Kailangan din siguro nitong itago ang pamilya sa publiko para na rin sa kaligtasan ng mga ito.

Bigla siyang nakaramdam ng panibugho dahil doon. Ano kaya ang pakiramdam ng mapaloob sa bisig ng proteksiyon ng binata?

Ugh! Erase! Erase, Beialeigh! May asawa na yung tao!

Sita niya sa sarili.

Nakarinig siya ng pagtikhim kaya naman inayos niya ang kanyang sarili.

"Ang lalim ng iniisip natin ah. Kanina pa kita tinatawag but it seems that you're too occupied with your thoughts." Si Steven na ngayo'y nakatayo at nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto nito.

Namilog ang kanyang mga mata sapagkat bigla niyang naalala na may sakit nga pala ito at hindi pa ito dapat tumatayo.

"What do you think you're doing, big guy? Go back to your bed!" Pinanlakihan niya pa ito ng mata dahil mukhang wala itong balak sundin ang kanyang utos. Sa halip ay naglakad pa ito patungo sa sofa at doon umupo.

Nakasimangot siyang sinundan ito ng tingin.

"Okay na 'ko, my Beia. You don't have to worry about me. Like I said, malayo sa bituka ang sugat ko. Isa pa, nawala na rin ang lagnat ko."

Saglit siyang natigilan sa itinawag nito sa kanya. My Beia. Bakit ba siya nito tinatawag sa ganoong paraan na parang endearment talaga ni Steven iyon para sa kanya?

Ahh.. Ang sarap talaga sa pandinig...

Oh my God, Beialeigh! Stop imagining things! Ang kulit mo! May asawa na siya! May asawa na siya!

Tahimik niyang kastigo sa sarili. Hindi tuloy niya maiwasang mamula lalo na't bumalik na naman ang paninitig sa kanya ng binata.

Tinarayan niya ang kanyang itsura upang pagtakpan ang nararamdaman.

"Kahit na! Pa'no kung mabinat ka, aber?"

"I'm fine. Sabi ko naman sa'yo diba, mas malala pa yung mga naranasan ko dati sa mga previous mission ko kaysa dito. Wala lang 'to." Nakangising sabi pa nito.

Iniiwas na lamang niya ang tingin dito sapagkat hindi niya talaga maiwasang maakit sa kagwapuhan nito. Isang malaking pagkakasala kung patuloy siyang magkakagusto sa lalaki. May asawa't anak na ito for God's sake!

"Ayan ka na naman."

Napatingin siyang nagtataka sa sinabi ni Steven.

"Ha?" Taka niyang tanong.

"Diyan. Sa pananahimik mo. May problema ba?" Seryoso na nitong ani.

Ikaw! Ikaw ang problema! Bakit kasi ang aga mong nag-asawa, bwisit ka!

Nakagat niya ang kanyang dila sa nais sanang isagot dito.

"U-uhm. W-wala. Wala naman. Inaantok lang siguro ako." Pagdadahilan na lamang niya.

The Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon