Chapter 21

2.5K 93 7
                                    

"ANDRES"

Steven's

Two months later..

"I'll make sure that those bastards will pay."

Nagngangalit ang kanyang mga ngipin sa nalaman mula sa pag-iimbestiga niyang ginawa. Sa wakas ay natunton na niya ang mga taong nasa likod ng mga death threats na natatanggap ng mga Gamboa.

He dialed Byrce's number to inform him the good news.

"I got them." Agad niyang bungad ng sumagot ito.

[Good. You know what to do.]

"For sure. Kailangan ko rin makabawi sa'yo eh."

[No. Do that for my sister. Her safety is our most priority. Don't fail me this time, Walker.]

"Yes, Sir."

The other line ended first.

He sighed for a relief. After two months of investigating, finally. Kung sakaling maipapakulong na nila ang mga taong sangkot, magiging matiwasay na ang kanilang buhay. Walang pangamba. Walang takot na baka anumang oras ay may gawing masama ang mga nagkukubling kalaban sa kanyang mahal na asawa at sa pamilya nito.

Inilibot niya kanyang paningin kabuuan ng kanilang silid. Making sure that is safe in case may maglakas loob na pasukin ang kanilang mansiyon. He didn't want to take the risk. He needs to protect his family. He needs to secure his pregnant wife from the bad guys that up until now are free roaming around.

Iyon ang mga dahilan kung bakit mabilis lang niyang napapayag si Bryce at Senator Gamboa. Ang dahilan din kung bakit dalawang buwan na silang nagsasama ng kanyang asawa sa kanilang bahay--- upang mailayo ito sa panganib. Dahil mas safe ang kanilang bahay kaysa sa mansiyon ng mga Gamboa.

Labis man ang pagtataka ni Beialeigh sa bilis ng mga pangyayari, madali naman niya iyong nalulusutan sa tulong na din ng ama nitong senador na katulong niya sa pagpapaliwanag.

Hindi niya sigurado kung bukal nga ba sa loob ng mga ito ang pagtanggap sa kanya bilang kapamilya ngunit masaya na rin siya sapagkat nagkaroon pa rin siya ng pagkakataon upang patunayan ang kanyang sarili sa ibang paraan.

Pagbabayarin niya ang mga salarin. He will make sure of that.

Muli siyang nag-dial sa kanyang cellphone. In a few rings, Sylvester answers.

[Ano na naman?]

Natawa siya sa bungad nito.

"I have a job for you."

[Tss. I don't accept jobs baka nakakalimutan mo na. Kami ang nag-o-offer---

"Two million."

[Kami ang lumalapit sa mga kliyente---

"Three."

[Isa pa, marami ka ng utang sa'kin baka nakakalimutan---

"Four?"

[Nasa bakasyon kami ng asawa ko.]

Napakamot na siya sa noo. Bakit parang nagmukha ng pera ngayon si Sylvester? Mamumulabi yata siya ng di oras ah.

The Secret AgentWhere stories live. Discover now