Chapter 16

2.3K 88 0
                                    

"IN DANGER"

Beia's

(Note: This is a raw and unedited version.)

Another two months have passed at ramdam na ni Beialeigh ang pagbabago ng kanyang katawan dulot ng kanyang pagbubuntis.

She struggled a lot because of her pregnancy hormones. Medyo maselan din siya sa paglilihi. Mabuti na lamang at palaging nasa tabi niya si Argel upang tulungan siya.

Hindi rin iilang beses na kinumbinsi siya ng binatang doktor na ipagtapat na niya sa kanyang pamilya ang kayang pagdadalang-tao ngunit wala pa talaga siyang lakas ng loob. Idagdag pa ang isipin niya sa kanyang asawa na dalawang buwan ng hindi niya nakakausap. Sobra na niya itong nami-miss.

"Ey! Look at you, sissy. Hiyang na hiyang ka kay Doc ha. You look radiant!" May halong panunuksong bati ni Gabbrielle sa kanya.

Kahit best friend niya ito ay wala rin itong alam sa kanyang pagbubuntis at sa lihim nilang pagpapakasal ni Steven.

"Manahimik ka nga. Argel might hear you." Nahihiya niyang ani. She doesn't want to give people a false hopes between her and that good doctor. Magkaibigan na lang talaga sila ngayon ng binata.

Kasalukuyan silang nasa gazebo ni Gabbrielle. Bumisita ang mga ito sa kanilang mansiyon dahil doon napili ng mga DK members na i-celebrate ang kaarawan ng kanyang Kuya Bryce.

"He won't. Eh tsaka ano naman kung marinig niya? Alam naman nating iisa lang ang laman ng puso mo ngayon." Pang-aasar pa nito.

Inirapan na lang niya ito para manahimik na.

"Eeww. What's that smell? Gross! Yuck!" Maarteng saad ni Gabbi kapagkuwan. Buntis na rin kasi ito. Ngunit mas maselan ito kaysa sa kanya.

"I think their grilling squids at the back." Komento niya. Lalo namang nalukot ang mukha ng kanyang kaibigan.

"Hey, ladies. Anong gusto niyong kainin?" Si William na asawa ng kanyang best friend.

"Anything except that squid." Nakangusong sabi ni Gabbi sa asawa.

Nagkatinginan na lang sila ni William and she just rolled her eyes.

"Okay, honey. What else do you want?" Malambing nitong tanong sa asawa.

"Fresh buko, honey, please."

"A'right. Copy. Ikaw, Beia?" Baling ni William sa kanya.

"Nah. I'm good." She smiled at nagpaalam na si William na babalik na sa pagluluto. He's a well known chef na first cousin ni Stevielyne Alonzo.

"But, Beia. Seriously. May kakaiba talaga sa awra mo ngayon, siz. Hmmm... And I think you're gaining weight a li'l bit. You know what? Ganyan na ganyan din ako before namin nalaman na preggy na pala 'ko."

Muntik na siyang masamid sa tinuran ng kanyang matalik na kaibigan. Kasalukuyan kasi siyang umiinom ng tubig habang nagsasalita ito. Nahirapan pa siyang lunukin ang tubig na nasa kanyang bibig.

Marahas na napasinghap si Gabbrielle at namimilog ang mga matang tinitigan siya.

"Don't tell me.. ?" Nag-aakusa nitong sabi at bumaba ang tingin sa kanyang tiyan. Hindi naman siyang nag-aalalang mapansin nito ang unti-unting pagbabago niyon dahil naka loose shirt siya. Ngunit kakaiba talaga ang uri ng tingin ni Gabbi sa kanya.

The Secret AgentNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ