Chapter 5

2.6K 159 0
                                    

YOUR BADASS HEROES


Steven's

A/N WARNING  ‼️
SOME SCENES ARE BRUTAL AND MAYBE DISTURBING FOR OTHERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK!

Maingat ang kanilang mga kilos habang papasok sa compound. Panay ang linga ni Steven at masusing nakikiramdam sa paligid.

Madilim ang kanilang lagusan na dinadaanan. Bahagya pang ume-echo ang kanilang mga hakbang.

Nang makita nila ang hinahanap na passage paitaas ay mabibilis ang kanilang mga kilos upang makaakyat. Nahati ang kanilang grupo. Naiwan sa lagusan ang anim at anim lang silang umakyat.

Matagumpay silang nakarating sa fire exit ng 5th floor. Nasa 7th floor pa ang dalaga.

Sinenyasan niya ang mga kasamang huminto saglit. Binuksan niya ang kanyang monitoring device upang siguraduhin ang kinaroroonan ni Beialeigh.

"Team Alpha. This is Charlie. We're heading at seventh. Give me your exact location. We're at fifth. Fire exit." He whispered through his mouthpiece. Hanggang doon na lamang kasi ang hagdan. Maybe, Ronaldi designed that building that way upang hindi makatakas ang mga nabibihag nila na nasa ikaanim at ikapitong palapag.

Bahagya siyang naalarma nang makarinig ng ilang mahihinang putukan sa kabilang linya. Alam niyang nasa rooftop ang Team Alpha. Caleb's group. Maya-maya pa ay static sounds at malulutong na mura ni Caleb lang ang kanyang naririnig.

Agad niyang inihanda ang kanyang HK417 rifle na sukbit sa balikat. Inalerto din niya ang kanyang mga kasama.

"We're going down. Let's meet at seventh. These pieces of shits are irritating me!"

He grinned when he heard Caleb's voice on the other line.

"Chickens." Lopez in his insulting tone again.

Iiling-iling naman siya sa sinabi ni Lopez. May pagkamayabang din talaga ang isang 'yon. No wonder, inis ito kay Bryce. Dahil ang mayabang, ayaw sa kapwa mayabang.

Sa pagkaaliw niya sa pakikinig sa kabilang linya ay hindi niya namalayang may paparating na palang mga yabag sa labas ng pintuan.

Agad na nagbukas ang pinto at nagkagulatan sila ng mga lalaking español kung magsipag-usap.

Ilang segundo muna ang lumipas bago nagkatutukan ng mga baril at sunod-sunod na putok na lang ang maririnig.

Luckily no one got hurt in his team. Mabilis nilang napatumba ang mga humaharang sa kanilang daan paakyat sa ikapitong palapag.

"Engage the minnies in 10 sec, Kluvo." Utos niya sa Russian agent na nasa kanyang tabi.

Ang minnies ang pinaka-favorite niyang tiny weapon ng HF. Mga improvised little toy rats ang mga iyon pero kayang pasabugin ang tatlong kwarto. Mayroon din iyong built-in camera na nakapwesto sa mismong mata ng daga para mas madali para sa kanila na makapag-locate ng target. Triple ang bilis ng kilos ng minnies kaysa sa normal na takbo ng tumatakbong daga.

"Copy that, my friend." Tugon ni Kluvo in his hard russian accent. At pinakawalan ang minnies mula sa lalagyan noon. Mukhang isa pa ito sa wala sa sarili. Agad na nagsipulasan ang mga daga. Napasapo naman siya sa kanyang noo.

The Secret AgentWhere stories live. Discover now