Chapter 6

2.8K 84 1
                                    

BLOOD IS NOT THICKER THAN WATER


Beialeigh's

"How dare you!"

Her brother's raging anger towards their mother made her cry even more. Ilang beses na rin siyang binalaan ng kapatid sa paglapit-lapit niya sa kanilang ina ngunit hindi siya nakinig dito. Sapagkat malakas ang paniniwala niya noon na walang sino mang ina ang gugustuhing ipahamak ang sarili nitong anak. But she's definitely wrong.

Kumapit siya sa paniniwalang mapagbabago niya si Beatrice with their childhood memories kung saan isang ulirang may-bahay pa ang kanilang ina.

But all of a sudden, Beatrice became a person she didn't used to before and it all started when their mother met that Ronaldi guy.

Infused with boiling anger, tinawid niya ang pagitan nila at ni Beatrice na kasalukuyan ngayong umaarte sa paghingi ng tawad sa kanyang kapatid. Nakaposas ito at mahigpit na hawak ng mga hindi niya kilalang lalaki.

Scheming bitch!

She knew better. Napakahusay nitong umarte at magpanggap na biktima. Ilang beses na rin nitong nagamit ang ganoong taktika sa kanya.

Lumingon sa kanyang direksiyon si Beatrice nang makita siyang papalapit dito.

"Beia, anak. Tell them I'm innocent. Your mother is innocent. Ginamit lang din ako ki Ronaldi. Anak parang awa mo---

Isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ang pumutol sa pagmamakaawa ni Beatrice. May nalalaman pa itong paluhod-luhod sa harapan niya!

Pathetic! Tsss.

Maging si Bryce ay natigilan at hindi inaasahan ang kanyang ginawa. Madalas kasi niyang ipagtanggol noon dito ang kanilang ina.

"That's for my father!" Gigil niyang saad. Isang nakakabinging sampal muli naman ang kanyang ipinadapo sa kanang pisngi ng ina. "And that's for me and my brother!"

Mas malala pa doon ang nais niyang gawin dito ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili. Hindi siya tutulad dito na napakawalang puso.

Beia wiped her tears. Isinusumpa niya ang mga araw na pinag-aksayahan niya pa ito ng panahon upang balikan lamang nito ang kanyang ama.

"All my life, I looked up to you! Buong buhay ko! You've taken our love for granted at nagpasilaw ka sa karangyaang naibibigay sa'yo ng lalaki mo! But look where you are now. Tignan mo kung saan ka dinala ng pagiging ambisyosa mo!" Bulyaw niya rito.

Sa halip na tablan ng konsensiya si Beatrice ay mapang-uyam pa itong ngumisi sa kaniya. She knew it. Umaarte lang talaga ito kanina.

"At anong gusto niyong gawin ko ha!?" Sabay tayo nito mula sa pagkakaluhod. Nahalata na rin kasi nitong wala na itong magagawa kahit na nga ba magmakaawa pa ito. "Tiisin ang kakarampot na ibinibigay ng ama niyo!?" Ganting sigaw ni Beatrice.

She heard her brother utter some tsked.

"I never thought that you could be this greedy." Sarkastikong hayag ni Bryce sa kanyang tabi. "Pasalamat ka at iniiwasan kong makaladkad na naman ng kontrobersiya ang pamilya ko kaya sa kulungan lang ang bagsak mo. Tama na ang kahihiyang binigay mo sa'min, Beatrice." May pagka-kalmado nang saad ng kanyang kapatid.

The Secret AgentWhere stories live. Discover now