Chapter 7

2.7K 122 5
                                    

HER FEELINGS


Beialeigh's

"But I have no clothes here!"

Naiirita niyang tugon sa sinabi ng kapatid. Kailangan daw niyang mag-stay muna sa suite nito sa Dark Knights Riding Club.

Doon kasi sila tumuloy pagkaling nila sa Puerto Rico.

"Please, Beialeigh. Kahit ngayon lang, makinig ka naman sa'kin. Dito ka na muna hangga't hindi pa natatapos ang election." Seryoso pa ring ani ni Bryce sa kanya.

"Pero, Kuya---

"No buts. Period." Putol nito sa kanya kaya napatahimik siya. May pinalidad din sa tono ng kanyang nakatatandang kapatid.

Hindi naman tumatakbo ngayong elekisyon ang Daddy nila kaya hindi niya maintindihan kung bakit yoon ang ginawang dahilan ng kapatid. Not unless...

Agad siyang kinabahan.

"T-tell me the truth, Kuya. Nakakatanggap na naman ba si Dad ng mga death threats?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.

Hindi sumagot si Bryce. Ipinagpatuloy lang nito ang pagbubutones ng polo. Aalis kasi ito at iiwan siyang mag-isa sa DKRC.

"Silence means yes." Sigurado niyang saad.

Hindi na rin bago sa kanilang pamilya na makatanggap ng mga pagbabanta. Aminado siyang may nararamdaman siyang kaba ngunit para iyon sa kaniyang ama at kapatid. Hindi para sa kanya. She was born tough and brave katulad ng kaniyang ama.

"Take this."

Bryce handed her his DK Black Card. It has a full access inside the club. Madalas niya na iyong gamitin dati sa tuwing mamimili siya ng mga damit sa DK Boutique.

Wala na siyang nagawa kundi kuhanin ang ang card mula sa kamay ni Bryce.

"Buy some stuffs you need. And don't you dare go outside DK." Her brother said then kissed her forehead and left.

Pasalampak siya naupo sa carpeted floor ng sala matapos makaalis ni Bryce. Now that she was alone, ngayon lang din nag-s-sink in sa kanya lahat ng naganap sa Puerto Rico. Hurt and betrayal from whom with the same blood with hers.

She's guilty at the same time dahil siya pa mismo ang nagpakulong sa ina.

All the emotions came rushing through her. Napaluha siya. Lahat ng nakatago niyang sama ng loob ay ibinuhos niya sa pagluha. She deserves to cry, didn't she? Nasasaktan siya eh. Tao lang siya at may damdamin.

Kaya naman nauwi sa hagulgol ang kanyang pagluha ng tahimik.

Minsan iniisip niya na baka hindi nila tunay na ina ni Bryce si Beatrice ngunit alam niyang imposible iyon sapagkat malaki rin ang pagkakahawig nilang kapatid sa kanilang ina.

Napadakot siya sa kanyang dibdib dahil sa paninikip niyon sa kanyang pag-iyak.

Pagal niyang isinandal ang ulo sa sofa upang pahupain ang pagdadalamhati.

Tumagal siya ng halos isang oras sa ganoong sitwasyon bago niya napagpasyahang ayusin na ang sarili. Nakaramdam na rin siya ng pagkalam ng sikmura.

The Secret AgentWhere stories live. Discover now